"Merry Christmas, babyyy! Asan si mommy mo?" Masayang bati at tanong ko kay Brielle sa phone.
Actually, nasa Singapore sila ngayon, sa parents ni Miss. Doon sila nag christmas since wala naman silang ibang kasama dito. Hindi ko nga din alam bakit nandito sila at lahat naman ng mga kamag-anak nila ay nasa ibang bansa lahat... But still, nagpapasalamat ako dahil nandito sila, right? because at least, nakilala ko sila.
"Merry christmass too, mommy pretty. Mommy is still sleeping pa po. Wanna see her?" She asked and lumapit sa mommy niya at itinutok sa kanya yung phone.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti ng makita ang mahimbing na mahimbing na natutulog na si Miss. Medyo magulo ang buhok nito pero kahit ganon ay napakaganda pa rin niya.
"Pretty." Mahinang saad ko pero mukhang rinig ni Brielle at tumawa ito.
"I know, mommy pretty, we are all pretty po." Masayang hayag nito.
Nagkwentuhan pa kami saglit pero maya-maya lang din ay nagpaalam na ako dahil kailangan ko pang maligo at pupunta dito ang kambal.
Sinalubong namin ang pasko kasama ang side ng Mackenzie, then sa new year niyan, sa side naman ng Ventura.
Saktong pagtapos kong magbihis ay kumatok si kuya, informing me na nasa baba na ang kambal pati na rin sina tito at tita.
Sina kuya Sam ay uuwi din sa 30 ata para dito din magcelebrate.
"Babeee! Merry Christmas!" Masayang bati ni Leigh pagkakita niya sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
"Merry Christmas, too."
"Here's my gift. I know you'll love it." Nakangiti pa ring hayag nito. I smiled back.
"I'll open it later sa room ko. Nandoon din ang mga gifts ko for you. Maya ko na bigay." I said to her and she nodded.
Lumapit ako kay Keigh and gaya ng kambal niya ay niyakap ako at hinalikan sa noo. "Merry Christmas, babe. Here's my gift."
"Merry Christmas, too. Thank you for this. I'll give you my present later." Sagot ko sa kanya na ikinatango din niya.
Lumapit ako sa parents nila na kausap sina mommy at nag blessed sa kanila and kissed their cheeks.
"Where's mama Alice?" I asked them. Bakit nga pala wala siya dito.
"She's at the garden, princess. Nagpapahangin." Sagot ni mommy sa akin.
"Kain ka muna, Princess. What do you want?" Kuya asked me.
"Later na kuya. Hindi pa naman ako gutom." I answered him at umakyat ulit kasama ng mga niregalo nila sa akin.
Itinabi ko ito sa mga nakuha ko ding regalo kaninang madaling araw galing sa side ni daddy at kinuha naman yung mga gift na ibibigay ko para sa kambal.
Actually, wala akong maisip na ibibigay sa kanila since they both have stable lives at kaya nilang bilhin lahat ng gusto nila, kaya nahirapan ako. Until I saw something on tiktok, it was a tutorial on how to make bracelet using some yarns and if you want to put some designs, you can add them there. So yeah, it's not the pricy type, but it they can count my effort.
Bumaba akong muli at lumapit sa kambal. I gave them my gifts and one thing is for sure, they love it, because as soon as they saw the bracelets, they smiled.
"Wahhh! Ang cuteeee! Ikaw may gawa nito, babe?" Masiglang tanong ni Leigh.
"Yes. I don't know what to give kasi e" sagot ko.
"It's pretty. Thank you." Nakangiting saad naman ni Keigh at sinuot na ito. Ganoon din si Leigh.
Sasagot na sana ako ng tumunog bigla ang phone ko. It was Ate Ysabelle, greeting me a Merry Christmas. I replied to her saying Merry Christmas, too.