"Tulungan niyo na kasi ako! Sige na naman oh!" Pagmamakaawa ko sa dalawa.
"Tigil tigilan mo ako, London Ash, ilang taon kang hindi nagpakita, tapos ngayong nagpakita kana, hihingi ka pa agad ng tulong?" Rei blurted.
Tumingin ako sa isa. "Huwag sakin, Abo. Kahit ako namomroblema sa sarili kong girlfriend ngayon." Hill answered while motioning her hands.
"Fake friends!" Parinig ko sa kanila.
"Ay wow, kami pa ang fake friends, e sino ba sa'tin ang hindi nagparamdam tapos bigla, malalaman mo, almost 1 year na palang nakabalik, di man lang nagpakita o nagsabi" Sarcastic na tanong ni Rei.
I know she's just joking kaya natawa ako. "Sorry na. I just did that to heal myself, and look at me now, I'm fully healed! Also, syempre, inuna ko muna yung issue ko kay Harper." I answered.
"Inabot ng 8 months, ganon? Balita ko, wala pang isang linggo sa pagbalik mo, okay na kayo." Maarteng saad ni Abo.
"Sorry na kasi! Nawili kasi ako, kaya sinulit ko na. Namiss ko e." I said. "Kaya sige na! Tulungan niyo na ako. Ililibre ko kayo kahit saan." Pang-uuto ko sa kanila.
Hindi naman ako nabigo dahil biglang ngumiti si Burol.
"Really? Anything?" Masiglang tanong niya.
I nodded.
"I wanna go to Paris!" Mabilis na sabi nito.
"Ako, sa London." Rei seconded.
"Ok. I'll pay for your tickets."
"With Elora."
"With Macy."
Sabay na dagdag nila kaya napataas ako ng kilay.
"Aba! Sumosobra naman ata kayo -- teka, Macy? Pinsan ko?" Tanong ko kay Rei.
She nodded.
"Jowa mo pinsan ko?" Hindi ako makapaniwala.
"Fiancé." Maarteng sagot nito na lalong nagpagulat sa akin.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
I heard Hill laughed.
"I mean... Bakit ngayon ko lang nalaman? Kailan pa?"
"5 years ago, we started dating, then last year she proposed to me, and I said yes." She proudly said while showing us her ring.
"Oh? Sana all." Was the only word I could say.
"Anyway! Wag na pala. Kaya ko ng mag-isa. Magagastos ako sa inyo. Langya!" Reklamo ko sa dalawa bago tumayo.
"Hoyy, saan ka pupunta?" Sabay nilang tanong.
"Home." I answered before I exited the door from the café where we ate. And aga aga, magkasama sila.
Actually, wala talaga akong balak tumambay doon kanina dahil namomroblema ako kasi ilang araw ng hindi nagpapakita sa akin si Harper.
Nagalit siya sa akin when I suddenly bumped with Nicole, one of my friends from London. Nicole being Nicole, she loves flirting with me and kissing my cheeks kasi hindi niya ako mahalik-halikan sa lips, even though she has a boyfriend. And worse thing happened nung nagkita nga kami, we accidentally kissed our lips. I didn't know she'd kiss my cheeks, e sakto namang napaharap ako sa kanya, kaya ayon. Tapos ang gaga, hinawakan pa ang ulo ko, kaya hindi ako agad nahiwalay sa kanya. Hindi din niya alam na may kasama ako.
Harper got mad of course lalo na't nasa date kami that time tapos sa harap pa niya nangyari yon. She hasn't talked to me since then, sakto naman na may meeting sya out of town kaya di kami naging ayos, and now, 2 days ng tapos ang meeting, pero hindi pa rin ito umuuwi and I still don't know where she is.