"Miss" tawag ko kay Miss na ngayo'y mahimbing ang tulog.
Actually, kanina pa ako nandito sa loob ng kwarto nya pero hindi ko siya magising gising dahil una, napakahimbing ng tulog niya at kahit tulog ay para itong isang dyosa. Napakaganda!
At isa pa, natatakot akong masapak ako nito kapag nagising siya. Hehe. Alam niyo na! Dragon, baka bigla nalang akong bugahan.
Medyo mainit init pa din ang temperatura niya dahil sinalat ko kanina ang noo niya.
"Miss Harper?" This time, tinapik tapik ko na rin ang pisngi nito para makapag miryenda muna siya at makahigop nitong mainit na soup.
Nagsalubong pa ang mga kilay nito na nagpangiti sa akin bago niya buksan ang mga magaganda niyang mata.
"Bangon po muna kayo para makakain at makahigop nitong soup. Ininit ko na rin po para mainitan rin po kayo." Mahinahon kong sabi pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
Ang taray talaga nito! May sakit na nga e.
"Come on, Miss." Sabi kong muli at inalalayan siyang umupo.
"Why are you still here?" Tanong nito sa akin.
"I can't leave you here in that state, Miss. Kasalanan ko po kung bakit kayo nagkasakit, kaya okay lang po sa akin na alagaan ko kayo." Matapang kong sagot.
Nagpapasalamat pa ako at hindi ako nauutal.
Lumapit ako sa may table para kunin ang soup.
"I don't need you here. You can leave now." Malamig na saad nito na nagpatigil sa akin sa pagkuha ng soup.
Ouch! Di raw ako need.
Bumuntong hininga ako at iniwaksi ang sinabi ni Miss. Kinuha ko ang soup at ngumiti muna bago ako humarap at lumapit sa kanya.
Tinitignan lang ako nito ng masama na ikinalakas ng kaba ko pero nilalabanan ko ito at pilit na ipinagsasawalang bahala.
Umupo ako sa gilid ng kama at akmang susubuan siya pero hindi nito binubuksan ang bibig.
"What are you doing, Mackenzie?" Mataray pa rin na tanong nito sa akin.
"Sinusubuan ka.. po" habol ko sa po dahil lalo lang sumama ang tingin niya ng sumagot ako.
"Nganga na, Miss. Habang mainit pa po ito." Saad ko at inilalapit pa sa kanya ang kutsara na may soup at laman.
"I'm full, Mackenzie. Just leave." Sabi nito at akmang hihiga na ulit ng pigilan ko.
"Miss naman. Masarap po ito, promise. This one is my favorite po kapag may sakit ako. Si mommy ang nagpabili po niyan. also.. need mo rin naman po ito, kaya kain na po."
Tinignan ako nito lalo ng masama pero hindi ko yon pinansin at itinutok pa ang kutsara sa bibig nito.
"Tsk! I can eat with myself. Now, go." Inis na saad nito at kukunin na sana ang kutsara pero nilayo ko ito.
"Hep! Subuan na po kita, Miss. Tsaka... Huwag ka na nga pong makulit. May sakit ka at dahil iyon sa akin, kaya hayaan niyo po akong gawin ito."
"I am not blaming you, Mac--"
Hindi ko na siya pinatapos at isinubo ko na sa kanya yung kutsara na mayroong soup, at gaya ng inaasahan, tinignan ako nito ng masama pero nginitian ko lang siya. Hindi naman na gaanong mainit e.
I must reward myself at nakakayanan kong gawin ito ngayon. Good job, self!
Hindi na ito nagsalita pa at ako naman ay pilit pinipigilang hindi tumawa dahil sa bawat isang subo, isang irap o sama ng tingin ang nakukuha ko. Gagiii! Ang cute ni Miss... Sobra pa sa sobraaaa. Para siyang bata! Oh my gosh!