Chapter 2

25K 732 90
                                    

"Princess, wake up."

"10 more minutes, mom." saad ko kay mommy. It's still early to wake up.

"But princess, it's your first day of school now."

Napabangon ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sabi ni mommy.

"Right. I'm sorry I forgot." i said habang kinukusot ang mata. I yawned and looked at the clock. 6am palang. Ang aga pa! Humiga ulit ako.

"You, lazy lady. Come on. Bangon na jan at mag-ayos kana." mom said habang niyuyugyog ako.

"mommy, masyado pang maaga." reklamo ko at kinapa ang isang unan para ipangtakip sa mukha ko.

Totoo naman diba? 9am pa ang pasok ko tapos 6am palang now.

"London Ash! Babangon ka jan o bubuhusan kita ng tubig?" Pagalit na sigaw ni mommy. Wala na kong nagawa kundi ang bumangon na ng nakasimangot.

"Babangon din pala, hindi pa bilisan. Alam mo namang napakabagal mong gumalaw--"

"Oo na, mom. Sige na, labas na. Maliligo na po ako." pagputol ko sa sasabihin niya at tinulak tulak ko pa palabas ng room ko.

"Bilis bilisan mo ha. At ng hindi ka ma-late."

"Maaga pa po" sagot ko sa kanya at sinarado na ang pinto paglabas nito.

Actually, hindi OA si mommy. Talagang matagal ako kumilos kaya kadalasan ay 3 or 2 hours before the time ng usapan or whatever ay pinapaayos na niya ko. Well, kaya lang naman ako natatagalan is because nagpho-phone pa ako. Minsan naman ay natutulala nalang basta basta. Or sometimes, gumagawa ako ng mga hindi naman talaga dapat gawin especially pag may bigla akong naisip. Para syempre hindi ko na makalimutan. And kapag naman nag mamadali na talaga, sinusulat ko nalang.

Gaya nalang ngayon. Dahil hindi pa talaga nagsi-sink in sa utak ko ang pagpasok ko ng school ay natutulala ako. I am now thinking and imagining things that might happen to me in school. Sana lang ay mairaos ko ito at sana ay walang mangyari saking hindi maganda.

After 20 minutes sigurong nakatanga lang sa higaan ay bumangon na ako para makaligo na. I went inside my cr at nagumpisa ng magshower. Habang nagsha-shower, heto nanaman ako at nagiisip. Teka... 9am ang pasok ko, and I think 8am to 8:20am ako pweding ihatid nina mommy, but.. How about their work? Maaga ang pasok nila.. 

Dahil sa naisip ko ay agad agad akong natapos mag shower.

I get my towel at pinunasan na ang katawan ko tsaka ko sinuot ang roba na nasa gilid at lumabas. I went to my walked-in closet tsaka kinuha ang uniform ng HU. Sinuot ko ito and damn! Bagay sakin. Haha. Hindi ako conceited ha. It was skirt 2 inches above the knee na dapat ay 4 inches but mom requested na 2 inches nalang. It is partnered by a white long sleeve with tie and coat.

Pagkatapos kong mag bihis ay kinuha ko na ang bag at phone ko. Syempre pati wallet tsaka na bumaba. I saw the three na nasa sala. At ng makita ako ay sabay sabay na tumayo pa sila.

"Finally." saad ni daddy. They are all smiling at me. But makikita yung worry on their face. "You look beautiful on your uniform, princess." dagdag pa nito.

"It's nice seeing you again wearing a uniform, princess." saad naman ni kuya.

"You're gorgeous, honey." it was mom who compliment me the last. I smiled to all of them.

"Anyways..." dad said at tumingin sa watch niya. "It's still 7:30, let's eat first before we go." dagdag niya kaya nagtungo na kami sa kitchen.

"Why are you all still here? Hindi po ba maaga ang pasok niyo?" I asked.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon