"W-what?"
"Harper Turner po. Teacher po siya here." Pag-ulit niya. Damn. Anak siya ni Miss Harper? Why? I mean... May anak na si Ma'am? Pero bakit Miss pa rin siya?
Naputol ang pagiisip ko ng magtanong muli ang bata.
"Do you know her po ba, Ate pretty?" She asked. Kaya tumango ako.
"Yes baby, she's my teacher. Let's go, hahatid kita sa kanya." I said at tumayo. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para hawakan niya ako pero hindi niya iyon kinuha, instead itinaas niya ang dalawang kamay indicating that she wants me to carry her. Kaya binuhat ko naman siya.
"What's your name, baby?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa office ni Ma'am. Ngayon ko lang napansin, hawig niya nga si Miss Harper. Kagaya nya ay mayroon ding ocean blue na mata si baby. Even sa buhok ay magkakulay sila.
"I'm Brielle Turner po." Pagpapakilala niya. Napangiti naman ako ng bigla niyang hawakan ang magkabilang cheeks ko sa dalawang maliliit niyang kamay. Pinisil pisil niya ang cheeks ko na parang nanggigigil.
"Ate, you're so pretty po." She said na nagpalawak lalo ng ngiti ko. Napaka-honest naman nito. haha.
"You're prettier, baby." Malambing kong saad. "We're here na, baby." I said bago ako kumatok.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan kami ni Miss Harper dahil ako na mismo ang nagbukas ng pintuan.
"Mommy!" Sigaw ni Brielle tsaka ito bumaba sa akin at tumakbo sa mommy niya. Halata ang gulat sa mukha ni Ma'am ng makita niya ito kaya mabilis siyang tumayo sa upuan niya at sinalubong si Brielle at binuhat.
"What are you doing here? Sino nagdala sayo dito?"
Tanong niya pagupo niya ulit sa upuan niya at inayos ang pwesto ng anak at pinaupo na ito sa lap niya.
"Tita Yuna is with me po, but when someone called her, she left me po without saying goodbye. I was afraid and I cried until I saw Ate pretty and she helped me po." Paliwanag niya sa mommy niya. Akalain mo, apat na taon palang pero kung makapagsalita na at magpaliwanag ay dinaig pa ang matanda.
Napatingin naman si Miss Harper sa akin kaya napatayo ako ng tuwid. Sakto naman napadako ang tingin ko sa oras at nagulat ng 7:00 pm na. Damn. Kailangan ko ng umuwi.
"Ha, Miss Harper. Una na po ako. Baby, ba-bye! See you again when I see you." Saad ko at hindi na hinintay pa silang sumagot at lumabas na. Napatakbo ako papuntang gate dahil naguumpisa na akong kabahan. Madilim na rin na nagpapadagdag sa kaba ko.
Ng makarating ako sa may gate ay wala pa rin si kuya kaya I decided to call him.
Fuck fuck fuck. Hindi ko siya ma-contact. Sunod kong tinawagan ay si daddy. Kagaya ni kuya ay hindi ko din siya macontact even mommy. Damn it. Kinakabahan na ako. Para ng nanginginig ang buong katawan ko.
Tang ina. Ito yung isa sa rason kaya gusto kong gamitin na ang kotse ko e. But mommy doesn't want to allow me. Well, hindi naman ako nagrereklamo pero damn... I badly need it now. Obviously, hindi ako makakapag-commute 'cause if ginawa ko 'yon, parang papatayin ko na rin ang sarili ko.
Ilang beses ko silang nitry contactin pero wala pa rin. Until I decided to call Keigh and luckily she answered it. Ayaw nilang nagpapatawag ng ate kaya name lang talaga nila tawag ko sa kanila ng kambal niya.
"Babe! What is it?" Tanong niya pagsagot palang niya sa tawag ko.
"Fetch me in school. Now!" I said saka na pinatay ang tawag. Alam naman nila ito dahil obviously, alam nila na nagaaral na ako sa school at inalam din nila ang lahat about dito if safe daw ba talaga ako.