"Pass your paper if you're done, and for those who aren't done yet, I'll give you until later this 5pm."
Nang tignan ko ang katabi ko, ang gaga, hindi pa tapos. Napailing nalang ako at tumayo upang magpasa ng gawa ko kay Mrs. Padilla.
"Hintayin mo akong lumabas ha?" Pahabol nito sa akin.
Tumango ako dito.
Pagkatapos kong magpasa ay umupo muna ako sa isa sa mga bakanteng upoan upang hintayin si Rei. Nagsorry na siya sa akin kahapon and buti nalang hindi ako yung pinili. Well, kahit ako naman yung piliin, hindi ako sisipot.
Kinuha ko ang phone ko upang itext ulit si Miss Harper.
Break time nito, kaya sigurado akong mababasa niya yung text ko pero ilang minuto na wala pa ring reply.
Galit pa ata.
Hindi ko din alam kung anong ikinagagalit niya at iniiwasan niya ako.
Nagsimula ito noong dinalaw niya ako sa bahay nung nagkasakit ako 2 days ago. Paggising ko, wala na siya. Tapos simula non, naging cold na ulit siya sa akin.
Hindi niya nirereplyan mga messages ko. Hindi niya sinasagot mga calls ko. Hindi rin niya ako kinakausap and everytime na pupunta ako sa office niya, hindi niya ako pinapapasok.
Nag try din akong puntahan siya sa condo nila kahapon, pero wala sila ni Brielle. Inabot ako ng gabi kakahintay sa kanila, pero hindi sila dumating.
Hindi na rin nga ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip kung anong nagawa kong kasalanan.
Okay pa naman kami bago ako matulog ka? She even massaged my head. Kung alam ko lang na paggising ko, ganon na ang mangyayari, edi sana hindi ko nalang siya tinulugan para at least diba, alam ko yung dahilan ng pag-iwas niya.
Ilang weeks palang kami, tapos ganito na yung nangyayari? Pwedi naman niya akong kausapin e.
Ayaw na ba niya?
Sabihin lang niya...
At pakikiusapan ko siyang huwag siyang makipag break...
Kahit lumuhod pa ako...
Cause I already love her with all of me..
"Hoyy, tulala ka jan. Tara na at wala ang next subject namin. Mahaba habang vacant ang meron ako ngayon." Yaya ni Rei sa akin pagkatapos magpasa ng gawa niya.
Tumayo ako at sumunod sa kanya.
"Sa cafeteria tayo. Nagugutom ako." Rei said bago ako hilahin papunta sa cafeteria.
Pagdating namin doon, siya na ang pumila at nag-order habang ako naman ay pumili ng table.
Pagkaupo ko, I am still looking at my phone, waiting for her reply... Pero wala pa rin.
"London!" I was started when Rei suddenly snapped her fingers in front of my face.
"Kahapon ka pa ganyan. May problema ba? May problema ba kayo ni Miss Turner?" Mahina lang ang pagkakatanong niya sa huli.
"H-ha? I'm fine. Don't worry." I answered her.
"Anong fine jan sa laging nakatulala? Ikaw ha, magsabi ka nga sa akin? Ano ng meron sa inyo ni Miss Turner?" Good thing she always lower her voice when saying her name.
"S-she's ---" hindi ko natuloy akong sasabihin ko ng makita ko nalang ang dalawang taong naglalakad papasok sa cafeteria.
The person who is ignoring me since yesterday... She's walking so lively with someone I don't know nor familiar to me.