Chapter 28

16.8K 670 215
                                    

Isa lang ang masasabi ko! Ang OA ni Miss. Sumosobra na siya!

Ni sumama kay Rei, hindi niya ako pinapayagan, unless si Rei ang lalapit sa amin. She never leave her sight on me since earlier na nagumpisa ang tour namin. Buti pa nga si Brielle ay nakakalayo sa kanya kapag niyayaya siya ni Rei na magtingin tingin sa paligid, pero never ako.

Kahit umihi nga ay sinasamahan niya ako sa CR but of course not inside the cubicle. Nako! Ibang usapan na yon pag nagkataon.

Actually, every station na pinupuntahan namin, nagpapa-activity sa amin si Mrs. Solomon. No, scratch that, sa kanila lang pala dahil again, hindi ako pinapayagan ni Miss. Well, kahit naman hayaan niya ako, hindi ako sasali. Ayoko. But what surprised me was bantay sarado ako kay Miss.

Sa sobrang pag-aalaga at pagbabantay niya sa akin ngayon, dinaig pa ang mga paasa! Oo! Paasa si Miss. May pasabi sabi pa siyang stop my feelings tapos heto siya at parang girlfriend ko kung makabakod.

Bukod kasi kay Rei, niyayaya din ako ng iba kong mga kaklasi, pero hindi pa sila tapos magsalita ay pinuputol na sila ni Miss sa malamig niyang "leave" or "leave Mackenzie alone". Alone pero kasama ko siya. 🤦

"Our next destination is one of the famous strawberry farm here in Baguio -- blah blah blah"

Sinuot ko ang earphone ko at pumikit na lang dahil hindi naman ako interesado sa farm na yan dahil hindi rin naman ako kumakain ng strawberry.

Inaantok na ako dahil na rin sa pagod. Kahit naman kasi hindi ako pinapakawalan ni Miss ay hindi naman niya hinahayaang wala kaming gawin.

Kapag nag-aactivity sila, doon kami umaalis ni Miss para maglakad lakad. Minsan naiiwan si Brielle pero madalas ay kasama namin ito. Nagpapaalam naman si Miss Harper kay Mrs. Solomon kapag umaalis kami kaya malaya kami.

I often smile too on the thoughts that we really look like a family.

Patulog na ako ng maramdaman kong may kumandong sa akin kaya napamulat ako.

"I want here po." Bulong ni Brielle at sumandal ng payakap sa akin at pumikit. Aww. Such a cute little girl.

It feels like something has touch my heart on what she did.

Tumingin ako kay Miss Harper na nakatingin din sa amin. Tumango lang ito at pumikit na rin. Lalo akong napangiti dahil doon.

Nasabi ko na bang kahit saang anggulo ay napakaganda pa rin niya? Mukha siyang anghel na pinadala mula sa langit.

Bago pa niya sabihin ang favorite line niya kapag tinititigan ko siya ay umiwas na ako at ang anak naman nito ang tinignan ko. Tulog na ito. Ang bilis naman niya nakatulog. Sabagay ay pagod din siya kakatakbo at kakagala.

Inayos ko ang pwesto nito at pagkatapos ay pumikit na rin. Tahimik na ang sinasakyan namin dahil sa tingin ko, gaya namin ay pagod din sila. May dalawa pang natitirang location ang pupuntahanan namin, pero ramdam ko na ang pagod.

Alas tres palang pero parang alas sais na dahil sa panahon. Hindi kasi mainit, sakto lang, tapos medyo malamig pa.

--

"Mommy pretty, mommy pretty, wake up."

Nagising ako dahil sa pagtapik ni Brielle sa mukha ko. Tinanggal ko yung earphone na nakalagay pa rin sa tainga ko.

"What is it baby?" Paos ko pang tanong.

I yawned and look at the bus only to found out na wala ng tao maliban sa amin. Mabilis akong lumingon kay Miss Harper and good, she's here.

But wait... Asan ang mga tao?

"I want to pee po." Pagkuha ni Brielle sa atensyon ko. Nakakandong pa naman ito sa akin.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon