Chapter 32

17.4K 672 123
                                    

Ang bilis ng araw, December na agad. Malapit na ang christmas.

Exam week namin ngayon, and kakatapos lang naming mag exam sa Creative Writing, so heto ako ngayon, papunta sa office ni Mommy H.

Si Rei naman ay may exam pa, kaya nauna akong lumabas sa kanila.

Wala namang advisory class si Miss Harper kaya wala siyang binabantayan ngayon. So for sure, nasa office niya lang siya.

Kumatok muna ako pagdating ko bago ako pumasok. Improving tayo, mga mare, nasasarado ko na yung pinto. Goods na yon.

"What do you want?" Malamig na tanong nito sa akin.

"Patambay po, Miss." Sagot ko at umupo na agad sa sofa. Hala! Hindi ko pa natatapos yung Lego na bigay ni Brielle sa akin dahil naging busy ako nitong nakaraang araw.

Noong undas kasi, pagkatapos namin pumunta kay dada, pina-excuse ako sa remaining week dahil pumunta kami sa Bahrain para bisitahin din yung mga lolo't lola namin.

Idagdag mo pa na halos walang pasok dahil biglaang nagkabagyo. Kaya nung naging normal na ulit, nabusy upang makahabol sa mga lessons. Ang daming pinagawa.

Tapos bigla ding dumating yung mga pinsan ko sa side ni daddy kaya halos sila lagi kong kasama. Kapag vacant time ko, pinapalabas nila ako ng school para samahan ko sila.

Nagagalit na nga si Miss kasi hindi ko siya nabibisita e. Miss na daw niya ako.

Charotttt! Wala naman atang pake 'to kahit hindi ako magpakita.

"My office is not tambayan, Mackenzie." Mataray na sagot ni Miss kaya napanguso ako.

"Miss naman. Namiss kaya kita. Ang tagal kong hindi nakakapunta dito. Tsaka.. ikaw na nagsabi dati, anytime, pwedi akong pumunta dito."

"It's because you're busy with your girls and boys." Mabilis naman akong napatingin sa kanya.

"Huh?" Takang tanong ko. Pinagsasabi niya? Sino nanamang mga babae at lalaki ko? Hindi nga ako nakakalapit sa ibang tao, manlalalaki at babae pa kaya?

"Huhkdog!" Anak ng! Hindi ko mapigilang matawa sa sagot nito.

"HAHAHAHAHAHA. Mommy ha! May ganyan ka ng nalalaman ngayon." Natatawang saad ko pero tinarayan lang ako at pinagpatuloy na ang ginagawa niya.

Ako naman ay nag-umpisa ng bumuo muli. Mabuti na lamang at hindi ito pinakikielaman ni Miss o ginagalaw.

Hindi ko naman maiwasang dumaing kapag natatamaan ko ang mga sugat ko sa kamay.

Oo, mga, kasi ang dami...

Naisipan ko kasing ipagluto si Mommy H ng lunch namin kaya mula kagabi ay nagpractice ako. Tapos maaga din akong gumising kanina para makapagluto. Ang kaso nga lang... Ang dami kong nakuhang sugat. Hehe.

Pinagtawanan pa nga ako nila mommy at daddy pati si kuya... But at the same time, proud! Well, they just said na, at least now, may inspiration na akong magluto, unlike before na kain lang daw ang alam ko.

Simple lang naman yung niluto ko. Omellete and fried chicken, which are my favorite, and then, kaldereta... Oo, napag-alaman ko kasing paborito pala ng mag-ina ko yon, kaya yon ang inaral ko.

Ang sabi naman ni mommy at nanay Tess ay okay naman daw ang lasa kaya nakahinga ako ng maluwag kanina.

Gumawa din ako ng sandwich, just in case hindi magustohan ni Mommy Miss yung niluto ko.

Makalipas ang ilang minuto, muntikan ko pang mabitawan yung hawak kong isang pyesa ng lego dahil sa tunog ng phone ko.

Ang tahimik kasi dahil seryoso ako sa pagbuo at ganoon din si Miss sa ginagawa niya.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon