Chapter 7

18.5K 683 152
                                    

"Ow. My. Gosh!" OA na saad ni Rei pagkakita palang sa aking bumaba sa sasakyan ko. May patakip takip pa siya ng bibig na nalalaman. "Is this real? Ikaw nagdrive?" Tanong nito sa akin.

"Obviously." I said tska na naunang naglakad. Sumunod na din naman siya sa akin. Mukhang wala nanamang first subject to ha? Parang kararating lang din kasi or maybe... Hindi siya pumasok? Ha. Nevermind.

"Marunong ka palang magdrive? E bakit lagi kang hatid sundo ng pamilya mo?" Tanong nito sa akin ng mahabol ako.

"Wala ka na don." Sagot ko lang. Umismid naman siya.

"Okay."

Hindi ko na siya sinagot sa pag-aakalang mananahimik na pero hindi pala..

"Alam mo--"

"Hindi pa" pagputol ko sa sasabihin nito.

Sinamaan niya naman ako ng tingin pero hindi ko siya pinansin.

"Seryoso na kasi... May ichichika ako."

"Okay."

"So ito nga... Ay hindi pala siya chika.. may itatanong ako."

Tumango ako sa kanya.

"What if may gusto ka sa isang tao. Kaso boss mo to be specific, and then... Nalaman mo, may girlfriend na pala. Anong magandang gawin?"

Napahinto ako ng marinig ang tanong niya at humarap sa kanya.

"Nagta-trabaho ka? Sa yaman niyong yan?" Tanong ko dito. E kahit nga hindi na siya mag-aral, makakasurvive na siya dahil pag-aari lang naman nila ang mga sikat na hotels dito sa pinas.

Sinamaan niya muli ako ng tangin.

"Alam mo, kung nahahawakan lang kita, kanina pa kita binatukan." Napangisi naman ako. perks. haha

"Tsk. Hindi ako... Ate ko. At oo, kahit mayaman kami, malamang lang na magtrabaho kami dahil hindi naman samin pera yon, sa parents namin."

"Okay."

"Ano nga.. anong magandang gawin? Oa kasi ni ate kung maka emote kagabi, kala mo sila na nung boss niya."

"Alam naman ba ng boss niya na may gusto ate mo sa kanya?" Tanong ko. Actually, feeling ko, OA talaga ate niya. feeling lang.

"Hindi raw." Sagot niya na may kasamang iling.

"Oh? Dapat sabihin." Saad ko sabay upo sa upuan ko. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa room.

"Baka raw kasi alisin siya sa trabaho."

"Gaano na ba katagal siya nagtatrabaho?"

"Mula nung February."

"February? march, april, may, june, july, august, september." Saad ko habang binibilang ang mga buwan sa kamay ko. "7 months... Not bad"

"Anong not bad? Gaga. Ang tinatanong ko... Ano kaya magandang gawin?" Ulit niya sa tanong niya sa akin mula kanina.

"Aba malay ko! Ako nga di ko pa naranasang magkagusto e."

"Napakagandang advice." Inis na saad niya at inikutan pa ako ng mata.

Hindi ko na siya sinagot pa dahil dumating na si Mrs. Padilla, our Creative Writing teacher. Sabay sabay kaming nagsipag tayuan at binati siya. Ganoon din siya sa amin.

"Okay class, nagawa niyo naman ba ang assignment na ibinigay ko sa inyo last wednesday?" Tanong nito pagkaupo namin.

"Yes ma'am!" Sagot naming lahat.

"Okay, pass it in front and bubunot ako ng lima para basahin ninyo ang tulang ginawa niyo."

Pagtayo palang ni Rei ay inilahad na niya ang kamay niya kaya agad ko ng ibinigay sa kanya ang papel ko. Yes, siya ang taga-pasa ko kapag ganyang kailangan pang tumayo.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon