Chapter 35

18.2K 741 83
                                    

London Ash

Pagpasok ko palang sa cr ay dali dali na akong naghilamos at nagtoothbrush. Nagsuklay na rin ako dahil sobrang gulo ng buhok ko.

I look at myself on the mirror and buti nalang maayos naman ang suot ko. Okay na to, mamaya na ako magbibihis.

Paglabas ko ay kita ko ang mag-ina na nakaupo sa kama ko habang naghaharutan. Kinikiliti ni Miss si Brielle habang yung isa naman ay tawa ng tawa.

"Ehem." Pagkuha ko ng atensyon nila. Sabay naman silang napatingin sa akin.

"Mommy pretty!" Sigaw ni Brielle at nagpabuhat sa akin.

Umupo ako sa may couch dito sa room ko, sa tapat ng kama ko kung saan nakaupo si Miss.

"Bakit po pala kayo naparito, Miss?" Tanong ko.

Inikutan pa ako ng mata bago sumagot. "I think you forgot that you promised Brielle that you'll go to our place today, Mackenzie. We've been -- I mean.. Brielle's been waiting for you since this morning." Malamig na sagot nito.

Doon ko lang naalala. Oo nga pala! Linggo ngayon at nangako akong pupunta ako sa kanila.

"Hala! Sorry po. Niyaya po kasi ako ng mga pinsan ko na mag laro kagabi tapos natapos lang po kami kaninang 7am."

Muli ay inikutan lang ako ng mata at tumayo. "Let's go downstairs. You haven't eaten yet." Malamig na saad nito at nauna ng naglakad. Sumunod naman kami agad ni Brielle dito.

"Yih~ concern ka, mommy?" Ngiting tanong ko sa kanya habang pababa kami ng hagdan pero hindi ako nito sinagot at nagtuloy lang na naglakad papuntang kusina.

Ay wow! Feel at home yarn?

"Ipagluluto mo ba ako, mommy?" Tanong ko muli sa kanya pagpasok namin ng kusina.

Inupo ko si Brielle sa isa sa mga upuan at kumuha ako ng snacks para may makain ito.

"No." Mabilis na sagot nito kaya napanguso ako.

"Okay." Sagot ko nalang.

Tinignan ko ang ref, pero wala ng tirang lutong ulam. Meron namang mga itlog at tocino kaso tinatamad na akong magluto.

Wala si Nanay Tess ngayon dahil nagkasakit kaya pinauwi na muna ni Mommy.

Wait - speaking of, nasaan sila mommy? Himala kasi at wala sila sa sala.

"Why is the house so quiet?" Bulong ko habang kumukuha ng bowl.

"You're parents went out for a date. Your brother is in his room." Napatingin ako kay Miss ng magsalita ito.

"Huh?" Takang tanong ko pero tinarayan lang ako. Tong babaeng to, napaka! Tsk.

Kinuha ko yung cereal ko sa cabinet at fresh milk sa ref.

"Aren't you going to eat rice?"

"Wala na pong lutong ulam." Sagot ko habang binubuksan ang cereal.

Nagulat naman ako ng bigla itong tumayo at basta nalang kinuha ang cereal na hawak ko at binalik sa cabinet. Ganon din ang fresh milk.

"What do you want?" Malamig na tanong nito.

"Eh?"

"Tsk. What do you want? I'll cook." Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hehe.

Enebe Memme.

Pwedi bang dito nalang kayo tumira at pagsilbihan ako habang buhay? Charott! Baka ako pa ang manilbihan sa kanya, just in case.

"Egg lang po and tocino." Sagot ko dito pero tinaasan lang ako ng kilay.

"That's it?"

Tumango lang ako sa kanya at tumabi kay Brielle na ngayo'y nakangiting nakatingin sa amin.

Her SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon