CHAPTER 2

13 2 25
                                    

"Ano, arat na?" saad niya papalapit sa akin na nakapamulsa sa kanyang hoodie nang matapos niyang maayos at mailapag ang mga gamit niya sa isang desk. "Huy, ano na?" natatawa pa ring wika niya sa akin, natauhan na lamang ako nang may bigla na namang nagsalita. Mas lalo akong natataranta nang hindi malaman-laman ang dahilan kung bakit ako nawawala sa sarili.

"Ellie, tinatakot mo siya," nang-aasar na saad nung lalaki. Singkit at maputi rin siya, may kataasan rin at disente ang kanyang itsura. Umirap naman ang babae at nilingon ako ulit na nakataas na ang kilay.

Habang pinagmamasdan sila ay napalunok ako at agad na dumiretso sa upuan ko. Natatarantang inayos ang bag ko at nilagay ito sa ilalim ng desk ko. Hinawi ko naman ang buhok ko na sumasagabal sa mukha ko.

"Huy ikaw, Hoshi! Bilisan mo d'yan," mataray na ani nung Ellie. "G ka na, beh?" lumingon naman ako sa bawat gilid ko at humarap sa kanya na tinuturo ang sarili, lumingon lingon rin siya tulad nu'ng ginawa ko at umirap.

"May nakikita ka pa bang iba na hindi namin nakikita, beh?" pagiging sarkastiko niya pa. Pinigilan ko namang ngumisi at umiwas ng tingin, natawa na lang ako sa diwa ko. Nasisiraan na yata ako.

"Tara na nga, sunod ka Hoshi ah!" sigaw niya at hinila ako papalabas ng room. Nang makalabas ay binitawan niya rin ako. "Alam mo ba saan 'yung gym, beh?" tinasaan ko naman siya ng kilay, hindi rin pala niya alam.

"Ay? Hindi mo rin alam?" aniyang natatawa. Natigilan naman kami sa pag-lakad nang may umakbay sa amin at namagitan sa amin nu'ng Ellie.

"Well, ako lang siguro nakakaalam," proud na proud na wika nung Hoshi na agad na kinindatan ako at saka nang nauna. Umiwas na lang ako ng tingin at tumingin sa daanan.

Hindi naman ganoon kalayo ang hagdan mula sa classroom namin, mga limang malalaking classroom lang naman ang madadaanan mo para makarating roon.

"My gosh! Hindi ko talaga akalain na kinayanan ko 'yung 4th floor na 'to. Akala ko hihimatayin ako pagkadating sa floor na 'to e!" bahagi ni Ellie nang magsimula kaming bumaba sa hagdan, kita ko ang pag-iling ni Hoshi na nangunguna sa paglalakad at ako ay nakatulala lang. Tahimik lang, walang imik. Pa-mysterious ako ngayon. At saka, hindi rin naman talaga makapal yung mukha ko para maging feeling close sa iba, 'no!

"Huy beh, ano nga palang name mo?" tanong ni Ellie tsaka tumabi sa akin at kumapit sa braso ko, naiilang na naman akong ngumiti, "Alaia."

"Wala ka bang feelings, beh?" walang pag-alinlangang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko, grabe naman ang pagkaparangka neto. "Ang seryoso mo kasi magsalita, tapos kanina parang nakakita ka pa ng multo."

"May third eye ka ba, beh?" dagdag niya na binulong lang sa tainga ko. Pinaglihi ba siya sa isang abogado? Ang raming tanong, eh? Napangiwi ako at bahagyang lumayo sa kanya. Mukhang nabigla pa siya sa kinilos ko.

"Nahihiya siya sa'yo, Ellie," sabay naming nilingon ang lalaking na sa harapan namin na patuloy lang sa paglalakad pababa.

"And please stop calling everyone beh, nakakarindi," dagdag niya pa at dali daling bumaba sa hagdan.

Napansin kong sumimangot ang mukha niya at nauna sa akin ng iilang hakbang, hinabol ko siya at kumapit sa braso niya, napalingon siya sa akin na para bang nagulat, "Saang school ka galing?"

"Beh?" nagdadalawang isip na dagdag ko, mas lalong nanlaki ang mata niya pero agad namang napalitan ng saya dahilan para mangiti siya. Sinuklian ko rin siya ng isang malapad na ngiti. "UDA na ako, since nursery. Ikaw, beh?"

"Galing kami sa probinsya ng Erstesa. Sa Pilot Elementary School ng probinsya namin ako nag-aral," pagpapaliwanag ko. "Cool!" tumango-tango siya at hindi pa rin napapawi ang ngiti niya. Ganoon ba 'yung epekto sa kanya kapag tinatawag siya pabalik ng 'beh'? Kung ganoon nga, nakakatuwa. Para siyang baby. Ang babaw ng kaligayahan niya.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon