CHAPTER 8

6 1 0
                                    

Katatapos ko lang sagutan ang assignment na binigay sa amin sa subject na Mathematics. Binalik ko ito kaagad sa bag at napadapa sa kama. Pagkatapos manibin ay gumawa ako agad ng assignment sa Math. Akalain mo nga naman, unang araw pa lang may assignment na. Hay.

Hindi naman iyon mahirap, magulo lang dahil sa sobrang daming concepts. Introduction pa lang naman ng lesson namin about Sets ang discussion namin kanina kay Miss Buena. Tapos nagbigay na siya ng assignment, pre-assessment lang naman daw iyon about sa topics namin. Kaya ayos lang daw kapag wala pa kaming masyadong alam sa sasagutan namin, at least sinubukan namin kung ano at hanggang saan ang kaalaman namin tungkol doon.

Twenty items lang naman iyon pero natagalan talaga ako sa pagsagot. Kahinaan ko itong subject na ito. Wala akong choice! Hay, panay iling pa ako kanina habang sumasagot pero natapos ko rin naman sa huli. Mag-aadvance reading pa sana ako para madali na lang para sa akin ang discussion namin next meeting. Pero dahil nga roon pa lang sa assignment ay sumakit na ang ulo ko, hindi ko na tinuloy. Parang self-harm na iyon. Ayoko talaga sa Math!

Naupo ako ng maayos sa higaan at inabot ang bag kong nilagay ko lang sa sahig. Kinuha ko dito ang cellphone na dinala pero hindi naman nagamit.

Agad kong ini-on ang data ko at pumasok sa facebook. Sunod-sunod namang tumunog ang cellphone ko at maraming notifications ang nagsisilabasan. Anong mayro'n?

Una akong pumunta sa friend requests at pangalan ni Ellie ang nasa pinakaunang listahan at talaga nga namang nakakaagaw pansin ang profile picture niya. May hawak siyang tuta at yakap-yakap niya ito. Nailing ako at pinindot ang confirm. Inaccept ko na rin ang iba ko pang kaklase na nag-add sa akin.

Ilang saglit lang may lumabas na agad na chat head, si Ellie. Pinindot ko iyon at matagal pang lumabas ang mensahe. Napangiwi ako at napakamot sa ulo nang umabot pa ng isang minuto ang pag-load. Ang hina ng signal!

Ellie Gutierrez:
Hi, beh! 😘

Kusa akong napangiti at saka kaagad na nagreply sa kaibigan.

Calaia Deasorte:
Hello, beh? HAHAHAHAHAHA

Wala pang ilang segundo ay kaagad rin siyang naka-reply.

Ellie Gutierrez:
Ay? Ang saya natin, beh ah? 🤨

Calaia Deasorte:
Ay hehe, nakaanswer ka na ng assignment sa math?

Ellie Gutierrez:
Ano ba yan! Oo naman pero wag mo na ipaalala naiinis ako 😤

Nakunot ang noo ko sa nabasa pero natawa rin, itatanong ko na sana kung bakit siya naiinis pero inunahan na nga ako.

Ellie Gutierrez:
Si mama kasi nakikialam, kasi daw mali naman yung mga sagot ko dun. Kala mo naman magaling siya sa math 🙄

Muli akong natawa sa idinagdag niya, magtatype na sana ako nang may sinend na naman siya na message. Ang bilis naman magtype ng isang ito!

Ellie Gutierrez:
Oy sige na pala, matutulog nako, gnight beh 😘

Sumalubong ang kilay ko at tinignan ang oras sa cellphone ko, alas otso pa lang ah? Ang aga naman.

Calaia Deasorte:
Sobrang aga mo naman matulog, Ellie HAHAHAHAHA

Ellie Gutierrez:
Sanay na kami 😏

Calaia Deasorte:
Ah? Kami?

Ellie Gutierrez:
Oo, kami na ate pota

Ellie Gutierrez:
Kinukuha kasi ni mama phone namin para di kami makapagpuyat! How great, diba?

Naawang ang labi ko sa nabasa. Kawawa naman ang Ellie. Nakwento niya sa akin kung gaano kastrikta ang mga magulang niya lalo na ang nanay niya pero hindi naman raw sobra-sobra. Hindi naman raw sila sinasakal ng mga ito pero mayroon lang talaga silang mga tuntunin na dapat nilang sundin.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon