CHAPTER 13

14 3 5
                                    

"Alaia," tawag pa ng isang boses sa pangalan ko. Pilit kong linawin ang paningin ko. Ngunit kahit anong pilit ko ay malabo pa rin ang paligid. At hindi ko mainam na marinig ang boses na nagsasalita.

Sa pagpilit kong maiging tanawin ang paligid, larawan ng lalaki ang nasisilayan ko. Nang matagpo ko ang mga mata niya tila bang luminaw at lumiwanag ang lahat.

"Alaia!" napadilat na lamang ako. Napabuga ako ng malalim na hininga, saka lumingon sa malakas na boses na sumigaw ng pangalan ko. Nakaupo ako ngayon sa isang sofa at nanlumo nang makitang si Nica ang katabi ko.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Nica na nakapagbaba ng balikat ko. Mapait akong ngumiti saka tumango. Kumunot ang noo ko matapos libutin ang mga mata ko. Nasa iisang silid kami at ang ibang mga dumaraan sa harapan namin ay panay ang tingin sa akin.

"Kakaandar lang ba ng ilaw?" tumango siyang nakataas ang kilay. "Generator pa rin, I guess."

"'Pag-andar ng generator you were like tulala for like a minute while holding my hand then, you suddenly lose consciousness na lang," nag-aalalang ani Nica na ikinailing ko. "Good thing some receptionists helped me carry you papunta dito. I also texted Ellie that something happen, so we might be late."

Bumuntong hinga ulit ako bago pa magsalita. "Tara na nga."

"Are you okay na ba talaga?" nakangiti akong tumango. Dahan-dahan akong tumayo at maingat siyang hinila patayo at hinayaan siyang ituro ang daan papunta kila Ellie.

Pumasok kami sa elevator at umakyat sa pangatlong floor. Ilang pagliko pa ang ang ginawa namin bago pa makarating sa hall na tutuluyan namin.

Nakaabang nga si Ellie sa labas at halatang inip na inip na sa kakahintay sa amin. "Ba't ngayon lang kayo, mga senyora?" pagtataray na bungad sa amin ni Ellie. Tinignan ko siya from head to toe at saka pumalakpak na para bang isang prinsesa.

"Ganda ko, 'di ba?" aniyang umikot pa saka nagbow sa harap namin. Off-shoulder na gown ang suot niya at parehas rin kaming may slit sa gown. Ang pagkakaiba lang ay walang hulma ng mga bulaklak ang ibabaw nito.

"Hula ko. Tita mo rin 'to ang nag-design 'no?" pagmamayabang ko.

Halos magkasabay kami ni Ellie naibaling ang tingin kay Nica. "I guess so. It looks familiar!" natatawang tugon ni Nica sabay tingin sa akin from head to toe na nginiwian ko. Nakunot ang noo ni Ellie sa inaasal naming dalawa. "Gumagawa ng mga gowns 'yung Tita mo?!"

"Oo, beh!" sagot ko na ikinabigla nilang dalawa. Bahagya akong natawa bago pa magsalita ulit. "Kung andu'n ka lang sa bahay nila Nica at nakapasok ka sa closet ni Nica? For sure, mamamangha ka sa ganda ng mga gowns na ginawa ng Tita niya para sa kanya!"

Ngumuso si Ellie at inikrus ang braso. "'Wag mo nga akong iniinggit, Alaia. 'Ta mo, naka-friendship necklace pa kayo!" pag-iinarte niya sabay turo sa kwintas na suot naming dalawa ni Nica.

"Ang sama-sama niyo! Ba't wala akong gan'yan?!" pag-iinarte niya naman ulit. Ngayon ay mas lalong nakasimangot ang mukha niya. "Soon, Ellie. Soon," bulong ko dito habang itinaas taas pa ang kilay ko. Natawa si Nica dahil sa narinig samantalang si Ellie ay napangiwi.

"Pasok na nga tayo! Ang dami niyong satsat!" aniyang tinawanan naming dalawa ni Nica. Bago pa ako makapasok ay natigilan pa ako nang may nakita akong canvas na nakadikit sa isang easel stand at kaakit-akit ang nakaguhit dito. Under the Stars. Cassopeia's 18th Birthday. Fantasia Circle Inn Hotel, Kasiyahan Hall.

Under the stars. "Ah. Kaya pala blue? Kami 'yung dark sky, tapos yung ate niya 'yung star?" wala sa sariling bulong ko.

"'Yan 'yung nakalagay sa invitation, madam. 'Di ba?" napalingon ko sa katabing nagsalita. Si Aqui.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon