CHAPTER 5

30 5 3
                                    

"Grade 7 Patience, right?" nakangiting pagulit niya ng tanong ng hindi man lang namin siya sinagot, tumango kami pero nanatiling tahimik. Ang ibang mga boys naman ay nakikipagbulungan.

"Well, then. I am Sir Hanashiko Gichiro," nanlaki ang mata ko sa idinagdag niya. Sabay kaming lumingon ni Cheska sa isa't isa. "Teacher natin siya?!" sabay rin naming bulong. Hindi ko man lingunin ang bawat isa sa amin, alam kong nagulat rin sila sa narinig.

"Yes, girls. Do I look like someone else to you?" natatawang anang Sir Hanashiko. Natauhan kaming dalawa ni Cheska na nasa harap nga pala kaming dalawa nakaupo at narinig panigurado iyon ni sir. "Sabagay, naka-civilian rin ako!"

Hindi pa rin kami makapaniwala ni Cheska sa narinig kaya tinignan namin ulit ang isa't isa. Akala ko talaga ay student siya, parang college o hindi kaya'y grade 12. Pero teacher pala namin, gago.

"Teacher niyo ako ngayon for Value Education. Wala kasi si Mrs. Corazon at na sa seminar pa siya," dagdag niya pa. Lumapit siya sa whiteboard at sinulat ang pangalan niya, Mr. Hanashiko Gachiro. Sir Nash.

"Hello, everyone! I'm Mr. Hanashiko Gachiro but you can call me Sir Nash," pagpapakilala niya matapos magsulat at hinarap kami.

"Kung hindi niyo alam ay pamangkin ko ang isa sa mga kaklase niyo," muling aniya. Iba sa amin ay napapatingin sa bawat isa kung sino nga ba nang biglang magsalita si Julien.

"Si Yuri," nang banggitin niya ang pangalan ni Yuri, lahat ay napatingin sa gawi niya. Nakatulala lang siya at kita ko ang biglang pag-ngiwi niya.

"That's right!" nakangiting sang-ayon ni Sir Nash sa ani Julien. Nagsimula namang magbulungan ang iba sa amin, "Manghuhula ka ba, Julien?" pagbibiro niya pa na ikinatawa ng iba, 'yung mga mabababaw 'yung kaligayahan.

"Kidding aside! Kilala na ako ni Julien. Kasi 'yang dalawang 'yan, childhood bestfriends. At laging na sa birthday ni Yuri 'yang si Julien," saad ni Sir habang nakatingin sa dalawang magkatabi. Halos lahat sa amin ay napaawang ang bibig at nag-ahhhhh.

Kaya pala talaga ganoon na lang ang pagiging close nila at pantritrip nila sa isa't isa.

"Anyways, since it's first day. Is it okay na mag-introduce tayo ng sarili natin?" tanong sa amin ni Sir nang manahimik ang lahat sa amin.

"Nakapag-introduce na kaming lahat kanina, Sir Nash, e," anang Yuri na mariing binanggit ang 'Sir' na nakaupo rin sa harap namin na nasa pinakaunang row sa kaliwa.

"Edi gawin nating exciting! Ibahin na lang natin ang way of introducing. Gusto niyo bang malaman ang way ko?" tanong muli ni Sir, lahat kami ay tumango lang at na sa kanya ang lahat ng atensyon.

"Promise niyo munang walang magki-kill-joy?" paglalambing na aniya, muli kaming tumango lahat. Tumango rin siya sa pagtango namin at nag-thumbs up pa. Kung kanina ay panay ang pagtingin namin ni Cheska sa lalaki ngayon ay iniiwasan namin ang mga tingin nito. Bigla kaming nahiya!

"Sige, ganito," ani Sir Nash at tumayo sa harap namin. Lahat ay nakatutok sa kanya at sa gagawin niya, klinaro niya muna ang lalamunan bago pa magsimula, "Annyeonghaseyo, Hanashiko Gichiro Imnida! I love teaching but I love you more!"

"Saranghae," sabay fingerheart at pagpapacute, karamihan sa amin ay natatawa at ang iba ay natahimik lang. Medyo corny siya doon pero sige na lang. Pogi naman si Sir, eh. "Akala ko Japanese ka, Sir?" kapagkuwan ay tanong ni Yuri sa tiyo ng pabiro, nanguso naman si Sir at napamewang. Parang bata si Sir Nash!

Napatawa na lang kami ulit sa inasal niya, parang tulad lang talaga namin siya. Ang saya siguro kasama ito pati hindi ka siguro talaga mabobore kapag ganito teacher mo.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon