CHAPTER 10

3 1 0
                                    

"Mauuna na ako," anang Hoshi nang maihatid niya kami sa CR. Nagsitanguan kami bago pumasok.

"Palibhasa 'di nagtoo-toothbrush," asik naman ni Ellie nang makapasok kami. Natawa kami samantalang si Nica ay nangisi lang.

"Kaya ayaw ko talaga makatabi si Hoshi, eh. Ambaho ng hininga," dagdag pa ni Ellie'ng nilalagyan ng toothpaste ang toothbrush niya. Bahagya akong natawa ulit at kinuha ang toothbrush at toothpaste sa pouch. Ang lutong pa ng "ang baho."

Ayaw raw makatabi pero parating napapadpad sa desk ni Hoshi. Kunwari pang gusto lang makausap si Beatrice pero si Hoshi lang rin naman talaga ang pakay. Hay na'ko talaga, Ellie!

Nang malagyan ng toothpaste ay nagsimula na rin akong magsipiliyo nang nakatanaw sa salamin.

"Hoy ang rupok mo, Jacqueline! Kayo na naman daw ulit ni Earl?!" nadinig kong ani Ellie. "Naging muse at escort lang kayo ng class, binalikan mo na!"

"Eh, hihihi... Ikaw din naman kay Orville!" mahinhing sagot ni Jacs.

"Gusto ko, eh!" angal naman ni Ellie na ikinailing ko. Grabe, aminadong aminado.

"Gusto ka ba?" nanguso si Ellie sa sinabi ni Lilianne.

Ewan ko ba bakit si Orville ang gusto niya. Halata namang playboy iyon sa dami nang babaeng gusto niya galing sa iba't ibang grade.

"At least si Jacs, may karapatang maging marupok para kay Earl. Kasi sila, may label," may diing ani Lilianne sa huling salita.

"Share mo lang? Magbre-break din naman kayo ulit!" halatang bitter ang isang ito.

Nailing na lang ako sa kanila nang nagpatuloy sila pagbabangayan. Napansin ko naman ang pagtulo ng luha ni Nica habang nagsisipilyo. Nasa gilid ko lang siya at nakasandal sa pader. Hindi ko na siya tinanong pa dahil alam kong ayaw na niya pang pag-usapan iyon. Basta, nandito lang ako.

Ilang minuto rin ang lumipas bago kami natapos magsipilyo at mag-ayos ay dumiretso na rin kami sa classroom.

Pagpasok na pagpasok pa lang, pangalan ko na kaagad ang nadinig ko. "Alaia!" sigaw ni Aqui na kaagad akong nilapitan.

"Nakapagreview ka ba?" malakas pa ring anang Aqui. Napapikit akong lumayo sa kanya at tumungo sa desk ko. Naupo siya sa tabi ko at tinapiktapik pa ang desk, wala rin naman akong magagawa dahil siya naman talaga 'yung seatmate ko. Napasinghap akong nilagay sa bag ang pouch na dala.

Nung pangalawang araw ng pasukan ay pinalitan ni Miss Morales ang sitting arrangement namin at kung swineswerte nga naman, ang maingay na Aqui pa ang nakatabi ko.

Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi pero ang daldal niya kasi talaga. Sa totoo lang ay masaya nga siyang kausap kahit minsan ang cocorny ng mga jokes niya. Sa sobrang kadaldalan niya ay nadadamay pa ako kapag napapagalitan siya. Ang galing!

"May summative exam ngayon sa Val Ed, 'di ba po?" ngumuso akong napakamot sa ulo. Ang rami naming summative exams ngayon! Halos kalahati ng subject ay ngayon ang ibinigay na schedule para sa exam. Hay!

"Hindi ka nakapagreview, 'no? Kdrama pa more," pinalo ko naman siya ng bahagya sa braso. "Ouch?" asik niya pa.

"Akala mo naman hindi nagpupuyat kaka-ml," bulong ko pero sapat ang lakas noon para marinig niya. Kinuha ko ang reviewer ko na nakaipit sa binder ko.

"At least nakapagreview, 'di ba, Aqui?" bulong niya rin.

"Nakapagreview? Weh? First time yata sa pandinig ko 'yon. Hindi ka naman ata sinapian, Aqui, 'no?" nang-aasar na tonong sabat ko sa kanya. Nandilim ang paningin niya dahilan upang mangisi ako. Pikon!

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon