CHAPTER 14

12 1 0
                                    

"Huy! Kumain ka rin madam," bulong sa akin ni Aqui, na hindi ko namalayang katabi ko na pala. Abala pa rin sa pagkain ang mokong. "Kanina ka pa tulala. Gwapong-gwapo sa akin?"

Agad kong hinampas ang braso niya dahilan para taliman niya ako ng tingin. "Ang feeling mo! Pwede bang kumain ka na lang d'yan?"

"Eh, pa'no nga? Na-di-distract ako sa 'yo. Nakatunganga ka lang d'yan, eh," aniya at saka sinubuan ulit ang sarili. "Parang gusto kitang subuan."

Muntik pa akong nabulunan sa iniinom kong iced tea dahil sa pinagsasabi nitong Aqui. Nakita ko ang pagngisi niya. "Madam naman! What pagsubo were you thinking, huh?"

"Huh? Wala akong ibang iniisip, ah! Baka ikaw?" pagbabalik ko sa kanya, saka ako nagpatuloy sa pag-inom. Saka ko lang naman napansin na kami na lang pala dalawa ni Aqui ang natira sa table namin. Nangunot ang noo kong hinanap sila. "Nasa balcony sila."

Napalingon ako sa katabi na abala pa rin sa pagkain. "Lahat sila?" nakakunot noo pa ring tanong ko dito na tinanguan niya lang. "Eh, ba't 'di mo sinabi sa akin?! Ba't andito ka?"

"Eh, sa nakatulala ka lang d'yan! Alangan namang iwan lang kita dito, 'di ba? Baka nakatulog ka pa?" Umasim ang mukha ko sa itinugon niya.

"Pasalamat ka nga sa akin, eh. Kasi 'di kita iniwan!" agap niya pa nang may laman pa ang bibig. Muli ko siyang hinampas ng marahan sa braso, napahawak siya dito saka ako kaagad na nilingon. Masamang magsalita kapag puno ng pagkain ang bibig!

"Ano ba?! Kanina ka pa, Alaia, ah?"

"Gustong gusto talaga mahimas 'yung biceps ko?" akma ko sana siyang hahampasin ulit ngunit hinarangan niya na ang kamay ko nang nakataas pa ang kilay. Nginiwian ko na lamang siya at saka ibinaling ang pansin sa pagkain.

"Ang sabihin mo, kaya ka 'di sumama kasi sarap na sarap ka sa mga pagkain," pagtataray ko.

"Hmm, may point ka rin du'n!" humagikhik si Aqui.

"Ba't nga ba sila nandu'n?" pag-iiba ko.

"Magpipicture daw," sagot nito at saka maingat na inubos ang isang baso ng tubig. "Daming arte ng kaibigan niyo, eh."

"Para daw mainggit 'yung 'di niya nainvite," nakangising umiling si Aqui habang binibitawan ang bawat salita. "Ang attitude, so boastful! Akala mo naman debut niya?"

Bahagya rin akong natawa at sinubo ang kutsarita ng kinuhang leche flan. "Masanay ka na kay Ellie," sabat ko nang matapos nguyain ang lahat ng sinubo. "Pfft. Ano pa nga ba?"

"Parehas na parehas sila ng ugali ni Andrei. Mga mahahangin at mayayabang!"

"Sa totoo nga, parang pare-parehas lang kayong lahat. Ba't 'di kayo tumulad sa akin? Na ubod ng gwapo pero humble lang," tumaas ang kilay ko sa inaniya. Mahangin ka rin!

"Wow, ha? Talaga? Sa lagay na 'yan? pagtataray ko at napainom ulit ng iced tea.

"Real talk lang, madam!" aniya at muling sinubo ang pagkain. Napailing ako sa pagnguya niya. Parang hindi nabubusog sa kakakain ang isang ito.

"Pero... Mas mahangin pa rin ata si Vincent," kapagkuwa'y tawa niya. Nangisi ako sa sinaad nito. Minsan ko na ring narinig si Vincent na magmayabang. "Oo nga, eh. Minsan na nga lang makapagsalita, tatangayin ka pa sa lakas ng kahanginan niya."

"Mismo. Akala mo kung sino. Eh, halata namang mas gwapo ako sa kanya," umaasim ang mukha ko nang sinulyapan ko siya. "Ay. So, 'yan 'yung humble?"

"Hoy, ngayon lang ako naging mahangin, ah! Sa'yo lang," ngumiwi ako bago muling sumubo ng leche flan.

"Na'ko! Kunwari ka pa!" pagbabalik ko matapos nguyain ang isinubo.

"Totoo naman, eh! Hindi naman ako tulad nila Migo na bawat segundo napapasabi na lang ng ang pogi ko talaga... hay, grabe, ang ganda ko... shit, I'm so cute. hala, crush ko na ata sarili ko, ang pogi, eh." Tanginang 'yan! Ang hahangin! Mga baliw!" ikinatawa ko ang panggagaya ni Aqui sa mga gasgas na linya nila Ellie at iba pang mga kaibigan namin.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon