CHAPTER 11

36 5 54
                                    

Minamasdan ko lamang ang kalangitan at nilalasap ang simoy ng hangin. Sabado ngayon at dahil walang klase, nakatambay na naman ako dito sa maliit na garden sa likod ng bahay namin.

Ganito kadalasan ang kaganapan tuwing weekends o hindi kaya'y bakasyon o wala kaming pasok. Nakatambay lang kami sa bakuran nila Mama. Nagkwekwentuhan habang nagpapahangin. Minsan rin ay habang gumagawa ng mga gawaing bahay o habang naglilinis ay nagkakamustahan kami.

Noong nasa Erstesa kami ganoon rin kami tuwing nasa bahay lamang ang pamilya namin. May munting kubo kami sa tabi ng bahay namin at sariwa ang hangin kaya napakapayapang tumambay roon.

Balak rin sana nila Papa ang gumawa o magpatayo ng isang maliit na bahay kubo sa bakuran namin kung sakali mang may sobra sa budget namin para ipanggastos sa pagpapagawa noon. Ngunit habang wala pa ay sa ilalim na lamang muna ng puno ng mangga na mas matanda pa raw sa akin kami tumatambay at lumalapag roon ng bangko't mesa.

"Anong oras ka nga pala aalis, 'nak?" nilingon ko si Mama na kanina pang dinidiligan ang halaman, nanguso ako.

Kung pwede lang sana hindi na pumunta mamaya, eh hindi na lamang ako pupunta. Kaso nangako na ako kay Ellie na makakapunta ako kaya dapat lang na makakadalo ako. "Alas singko raw pupunta sa hotel, Ma, eh."

Nilingon ako ni Mama at nakangiting tumango. "Ganu'n ba? Enjoy ka, 'nak. Pero mag-iingat ka pa rin du'n ha." Nakangiti ko siyang tinanguan saka bumalik ulit sa pagtanaw ng asul na kalangitan. Mabuti ay maayos ang panahon ngayon at hindi maulan-ulan, magiging mas madali ang pagcommute namin.

Habang minamasdan ang tanawin at ikinakalma ang sarili ay saka ko lang naalala na susunduin pala ako dito Nica at agad na aayusan para sa party. Dahil nga ang gusto ni Ellie ay mag-long gown rin kami ay manghihiram na rin ako ng gown kay Nica na suhestiyon rin niya. Nakakahiya man ngunit hindi ko rin siya matanggihan. She insisted!

"Ma, kailangan ko na palang mag-ready!" natatarantang saad ko at natayo sa pag-kakaupo. Nakataas ang kilay akong nilingon ni Mama, nginitian. Nginitian ko siya ng mailang. "Susunduin ako ni Nica dito mga ala una, eh. Para raw... Ayusan ako?"

"Napagsundaan po kasi namin na sa kanila na lang kami mag-pre-prepare. Tutal papahiramin niya naman po ako ng gown niya," pagdaragdag ko.

Bumuga siya ng malalimang hinga at ngitian rin ako. "O, siya sige. Magbihis ka na du'n."

Dali akong lumapit sa kanya na isang metro ang layo sa akin at niyakap siya mula sa likuran. "Thank you, Ma!" Mas lalong lumapad ang ngiti niya dahilan para mangiti rin ako ng malapad.

Hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya bago bumitaw. "Sige na, bilisan mo na. Ba't kasi ngayon mo lang naaalala? Na 'ko! Mag-aala una na, oh. Bilisan mo na du'n," aniya at sinulyapan ang relong suot niya, hindi ko alam kung bakit suot-suot niya pa rin ang relo niyang bigay ni Papa noong anniversary nila kahit nasa bahay lamang kami. Masyado atang in love si Mama. Nakangiti na lamang akong tumango at dali-daling pumasok.

Nagmamadali man ay inayos ko pa rin ang pagligo, ayokong mangamoy mamaya. Hotel pa naman ang pupuntahan namin at panigurado maraming aircon doon sa hall na tutuluyan namin. Saka isa pa, papahiramin ako ng susuotin na gown ni Nica kaya nakakahiyang mangamoy ako.

Tinutuyo ko ang buhok ko sa harap ng electric fan at nang matuyo, itinali ko ito ng ponytail at kaagad na pinulbusan ang sarili. Tinanaw ko ang sarili sa salamin at namasdang maayos na ako kahit papaano.

"Ate, andito na 'yung classmate mo!" Napalingon ako sa pintong bahagyang nakabukas at nakasilip doon si Jade. Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot, saka niya iyon isinara ulit. Bumuntong hinga ako at muling tinignan ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon