CHAPTER 6

6 1 0
                                    

"I close the nomination, Miss," ani Jacqueline at hindi ko napansing nasa gitna na pala ako ni Alessia at Hoshi. Hindi ko tuloy nalaman kung sino ang nagnominate kay Hoshi. Malabong si Ellie iyon dahil kanina lang ay magkaaway sila. Sinulyapan ko si Miss na nakatayo sa gilid ni Hoshi.

"Who votes for Vien?" tanong ni Miss at marami ang nakataas ang kamay at isa na ako roon. Alam kong dapat kong iboto ang sarili ko pero ayoko. Kung dating elementary ay gustong gusto ko pero ngayong highschool ay ayoko na. People change nga, hindi ba?

Lalo na't hindi ito ang paaralang nakasanayan ko. Ewan ko pero ayokong kunin ang responsibilities bilang president ng classroom na ito. Mukhang magiging mahirap at stressful. Ang kukulit pa naman lahat ng boys!

Hindi ko na alam ang sunod pang botohan, ang alam ko ay si Vien nga ang naging president at ang vice naman si Vincent. Tumuloy akong umupo sa upuan ako nakahinga ng maayos. Nakita kong ilan ang bumoto sa akin, nakasulat iyon sa pisara. Tatlo sila. Akalain mo nga naman, Alaia?

Sigurado akong ang dalawa roon ay si Cheska at Ellie. Sino kaya ang isa? Si Hoshi kaya? Ay, hindi rin. Alam kong si Vincent ang binoto niya.

Sinulyapan ko ulit ang nakasulat sa pisara,
Pascual - 10
Marquez - 9
Nueco - 3
Deasorte - 3
Archery - 5

"Mukhang ang laking laban nu'n para sa'yo, ah?" pabulong na tanong sa akin ni Cheska. Malalim akong huminga at napailing na ibuga iyon. Ano ba, Alaia? Gago, hindi naman kinakabahan ng ganito kasobra e. Talaga bang nakakaba kapag first time?

Pero hindi naman ito first time, eh. Baka naman kinabahan ako dahil kapag ako ang naging presidente ng section na ito at sobrang bigat ng responsibilities na gagawin ko.

Grabe naman ata 'yung sobrang bigat, ang exaggerated. O baka naman kinabahan ako kung sino ang mga boboto sa akin noon? Baka kasi walang boboto sa akin at parang mapapahiya ako. Hay.

"Psst, huy. Sino daw iboboto mo?" bulong ni Cheska sa akin at doon lang akong natauhan. Kanina pa pala akong tinatawag ni Miss at tinititigan ng mga kaklase. "Nandito ka pa ba, Miss Deasorte?"

"Sorry, Miss," nauutal kong tugon. Hindi ko namalayan na nasa posisyon ng secretary ang pinag-bobotohan namin. Kaunti akong nagulat na nanominate pala si Ellie at hindi ko na naman kinakaya ang reaksyon niya sa pagkatulala ko kanina. Panghihinayang.

"Saan nga ba mapupunta ang boto mo, Alaia?" tanong ni Miss. Nanghihinayang ba siya kasi hindi ko napansin ang pagtayo niya sa harap, kasi hindi ko siya nainominate tulad nung pagnominate niya sa akin?

Hay, bakit ba parang lahat ng bagay ay binibigyan ko nang mas malalim na kahulugan? Hindi naman ako ganito mag-isip nu'ng una. Bakit biglang nagbago sa unang araw pa lang ng pasok?

"Nawawala ka na naman ulit, Alaia," natauhan muli ako sa boses ni Miss. "Uh, kay Ellie po," nauutal pero diretso kong sagot dito na ikinatango na lang ni Miss.

Akala ko ay ngingitian ako ni Ellie pero umiwas lang siya ng tingin. Hindi ko tuloy maiwasang mag-aalala. Baka wala lang siya sa mood kasi hindi sila bati ni Hoshi. Baka iyon lang iyon, kalma.

"Bakit ba bigla ka na lang natutulala, Alaia?" rinig kong bulong ni Cheska sa akin. Napalunok ako sabay kibitbalikat. Nagfocus na lang ako sa botohan hanggang sa matapos iyon. Binasa ko ang lahat ng nakasulat sa blackboard.

President: Vien Camille Pascual
Vice-President: Gavin Centino Marquez
Secretary: Elliavone Callie Gutierrez

Tumingil ako nang makita ang pangalan ni Ellie. Lakas ah. Nangisi na lang ako sa diwa ko at pinagpatuloy basahin ito.

Treasurer: Jacqueline Eve Sy
Auditor: Celine Angeline De Vera
PIO: Nexia Vale Corieleste, Josh Aqui Catacutan
Project Manager: Kitt Nacerell Rivera
Sgt. at Arms: Migo Lopez
Muse: Jacqueline Eve Sy
Escort: Prince Earl Valdez

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon