CHAPTER 9

28 6 31
                                    

Isang buwan at isang linggo na rin ang nakalipas, at sa palagay ko ay magkakasundo-sundo na rin kaming magkakaklase. Mayroon pa rin namang mga tahimik at hindi ko pa gaano kaclose, at karamihan roon ay lalaki.

Siguro sa mga lalaki ay iilan lang ang mga nakakasundo ko talaga. Isa na roon si Hoshi, Aqui, Andrei, at Migo. Ang iba naman ay nakakausap ko naman pero hindi ko talaga ramdam. Sa mga babae naman ay nakakasundo ko na silang lahat. Pero ilan lang rin sa kanila ang malapit na lapit ang loob ko.

"Let's go, Alaia?" ani Annica sa akin habang inaayos ko pa ang bag ko. Tinanguan ko na lang siya at nakita ko namang nilapitan niya si Ellie.

Sa loob ng isang buwan ay naging malapit na rin sa akin si Nica pero madalas ay nanonosebleed ako sa kaka-english niya. Masasanay rin ako, iyan na lang ang laging isinasaisip ko kapag nakikipagkwentuhan ako kay Nica. Pero totoo ang hinala kong inosente siya at mahinhin. Minsan mo lang siya makitang humalakhak at hindi mo siya kailanman nakitang mag-inarte. At hinding-hindi ko itatangging ang ganda niya para bang taglay ng isang diwata! Ang lambing at ang ganda rin ng boses niya. At tali-talino niya pa! Kung lalaki siguro ako ay hindi na ako magtataka pa kung bakit ako mahuhulog sa kanya. Nasa kanya na lahat! Kaya Vincent, angkinin mo na!

Naisip naisip ko ring makakatulong rin ang pakikipag-usap ko kay Nica sa vocabulary ko sa english. At matutulungan ko rin siya kahit papaano magtagalog fluently.

Ang kwento niya kasi ay doon na siya lumaki sa US at lumipat sila dito 2 years ago para maalagaan ng tatay niya ang lola niyang may sakit na Alzheimer's. Ang sabi niya pa ay gusto raw rin ng tatay niyang alagaan ang bahay nila dito na kinalakihan na rin tatay niya. Sa una pa nga raw ay nahirapan pa siya mag-adjust pero nang makilala niya si Nexia sa school na pinasukan niya noong lumipat sila rito ay napadali naman raw. Kaya malaki raw talaga ang utang na loob ang mayroon si Nica sa kaibigan.

Sa loob ng isang buwan, masasabi kong mas nakilala ko na rin si Ellie, Nica, Cheska, Aqui, Jacqueline, at Vien. At sa paglipas ng panahon, alam kong mas marami pa akong malalaman tungkol sa kanila.

"Gutom na ako, my gosh. Ano kaya 'yung mga menu ngayon?" mahina ngunit nananabik na ani Ellie habang naghihintay na bumaba ang elevator. Nailing na lang ako sa kanya habang si Nica ay marahang natawa. Lagi naman atang gutom ayang isang iyan. Nasanay na rin ako na tuwing sasakay kami ng elevator ay pagkain ang una niyang babanggitin.

Ilang minuto pa bago nagbukas ang elevator, talagang nagsiksikan pa kami kasi sabay na-late madismiss ang section namin sa grade 8. Nang makalabas ay sila Lilianne ang bumungad sa amin.

Naging close na rin kami ni Lilianne na talaga namang nakasundo ko kasi parehas kami ng author sa wattpad na inii-stan at parehas ring nanonood ng kdrama. Dahil rin doon ay naging close kaming tatlo ni Nica! Kapag naman napag-uusapan namin iyon ay parating natatahimik si Ellie at hindi naiintindihan ang mga pinagkwekwento namin.

Pero dahil nga mabait kaming mga kaibigan, nag-suggest kaming subukan niyang mag-wattpad, basahin ang mga stories na binanggit namin, at manood ng kdrama. Na hindi rin naman niya tinanggihan. Hindi ko nga lamang sigurado kung ginagawa niya rin ba talaga ito or panay oo lang siya pero tinatamad naman. Kung alin man sa dalawa, wala namang problema iyon sa amin. May kanya-kanya rin naman kasi kaming hobbies na gustong gawin sa tuwing nababagot na kami.

"Wala na bang mas mabagal pa d'yan, mga teh?" mataray na ani Lilianne. Kasama niyang bumaba sina Hoshi at Jacqueline.

"Sorry po, madam ha," sarkastikong sabat ni Ellie na agad kumapit sa braso ni Nica. Inirapan na lang ito ni Lilianne at nagsimulang maglakad. Parehas talagang matataray ang dalawang ito. Kung pagtatalunin siguro silang dalawa ay aabutin pa sila ng taon para lang may isang sumuko sa pagsusuplada.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon