CHAPTER 3

93 11 19
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina lang. Naging mahaba pang pagsesermon niya sa amin at panay sigaw pa ito. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay akala ko buong oras nang magiging ganoon ang pakikipag-tungo sa amin ng adviser namin, si Miss Lovella Morales, pero hindi. Sa halip, nagpakilala kami sa isa't isa na parang walang nangyaring ganoon.

Naging iba ang ugali niya at parang kanina lang ay sinasapian siya ng masamang kaluluwa. Kung saan iyon rin ang naisip ng karamihan sa amin. Narinig ko pa nga ang barkada nila Jacqueline na sinasabi iyon nu'ng makaalis si Miss Morales. "Nasapian ba siya?"

"Baliw yata."

Hindi namin naintindihan ang pag-iba ng modo niya. Hindi namin alam kung terror ba talaga siya or nagalit lang talaga siya kanina kasi ang ingay ingay tapos may late pang pumasok. Naintindihan ko namang nakakawala nang galang ang salubungin ng kaingayan ang isang guro sa unang araw pa lamang ng klase at dapat kaming ipagdisiplina dahil roon. Ang mali lang kay Miss Morales ay paraan niya ng pagdisiplina sa amin. Pwede niya namang pagsabihan lang kami ng mahinahon. Hay.

Pero at the same time, naisip kong baka nabigla lang rin siya at nadala lang rin siya sa kaingayan namin. Sana lang talaga ay hindi na ulit mangyari iyon.

Nagpakilala na rin kami lahat sa harapan at nakilala na rin namin ang iilang subject teacher sa umagang ito.

Kasalukuyan akong nakaupo sa desk ko at kumakain ng biskuwit. Recess time na at kaunti lang kaming naririto sa classroom. Siguro ang iba ay bumili pa ng kanilang makakain sa cafeteria.

Mamayang lunch naman ay wala na akong proproblemahin sa kakainin ko dahil libre sa school ang tanghalian dito. Ang sabi ni Mama ang bawat building ay may kanya-kanyang cafeteria na naka-assign kaya hindi naman daw ako mahihirapang pumila o mahihirapang makipagsiksikan sa loob.

Si Ellie naman ay iniwan rin ako at sumama sa kaibigan niyang si Hoshi. Katabi ko pa rin ang babaeng late na pumasok kanina. Tahimik at nakatulala siyang kumakain ng baon niya. "A-ah, hi," nahihiyang bulong ko, nilingon niya ako at tumango lang.

Bumalik na lang rin ako sa pagkain dahil hindi ko na alam 'yung sasabihin. Sabi ko naman hindi ba, mahiyain akong tao lalong lalo na sa mga taong ngayon ko lang nakita at nakilala. Bago sila sa paningin at sa buhay ko.

30 minutes ang recess namin kaya may matitirang oras pa akong mag cellphone, akma ko na sana itong kukunin pero bigla kong nakita sa bintanang may dumaang isang guro kaya nilagay ko na lamang muli sa bag. Baka kasi totoo pala 'yung sinabi ni Jacqueline na kinukumpiska 'yung mga cellphone na ginagamit tuwing nasa classroom. Wala rin kasi akong nakitang isa sa mga kaklase ko ang gumagamit ngayon, sa halip abala sila sa pagkain at ang iba ay nakikipagkwentuhan pa. Mas mabuti na 'yung sure, 'no.

Bumuntong hinga ako bago pang tumayo at lumabas ng classroom. Lumabas ako at dumiretso sa balkonahe at matatanaw ko mula dito ang isang maliit park. Parang tambayan ito na may mga upuan at fountain sa gitna. Kung ililibot mo ang iyong mga mata ay makikita mo ang isa pang building sa kaliwa.

Sa pagkaka-alala ko ay ito ata ang pinakalikod ng school, siguro ay sa building na ito ay ang junior highschool na mula grade 7 hanggang 8, at ang na sa kaliwa naman ay junior highschool na mula grade 9 hanggang 10.

Ang pagkakaalam ko rin, ang campus ng senior highschool ay isang building ang pagitan mula sa amin, samantala ang sa college ay hindi nakalugar dito kundi malayo pa dito. At doon daw ang main campus.

Minamasdan ko lang ang kabuuan ng paligid nang biglang may umakbay sa akin. Nilingon ko ito at nakitang si Ellie ito. Kasama niya si Hoshi at Jacqueline na nag-uusap na pumasok rin naman kaagad sa classroom.

"Dapat sumama ka sa amin, beh! Nanlibre si Hoshi, eh," aniya at sinubo ang hamburger na kinakain niya. Ngumiti na lamang ako at umiwas ng tingin. "Hindi naman kami close, beh."

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon