PROLOGUE

125 12 14
                                    


"Cause I can't make you love me, if you don't." Natamaan ako sa linyang kinanta ni Nica, napapikit na lamang ako at pinipigilan ang sariling hindi maiyak. Pero nang buksan ko ang mga mata ko ay nakuha ng tingin ko ang lalaking walang kahirap-hirap ang pang-aakit sa akin. At ganoon na nga lamang ang pagtaksil ng mga luha kong tuluyan nang tumulo sa mga mata ko.

"You can't make your heart feel something that it won't."

Yeah, right. Hindi naman talaga natuturuan ang pusong magmahal ng isang taong mahal ka kasi dapat kusa itong nararamdaman at deserve rin ng taong iyon ang minamamahal nang hindi pinipilit at minamadali. Pero...bakit hindi niya pwedeng subukan? Bakit hindi pwede?

Ilang taon na ang lumipas pero pilit ko pa ring umasa na baka mayroon pa. Nagbabaka sakaling sa susunod ay pwede na.

Alam kong hindi obligasyon ng isang tao ang ibalik ang pag-ibig na ibinibigay sa kanya ngunit hindi rin naman siguro masama ang umasa ng kahit kaunting pagpapahalaga. Ilang beses na akong natawag na "tanga" at "martyr" ng mga kaibigan ko at ng ibang tao pero hindi ko na lang pinapansin dahil alam ko namang hindi mapupunta sa wala ang paghihintay ko.

Hangga't may buhay, may pag-asa.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala siyang nakatingin sa akin kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko at iniwas ang tingin sa kanya na parang walang kakaibang nangyari.

Natapos na rin ni Nica ang kanta at bumaba na sa stage. Nagsipalakpakan ang bawat taong naririto at isa na rin ako doon. Tumungo siya muli sa kinauupuan niya na katabi ko. Nang makarating siya sa gawi ko ay malalim na kumunot ang noo niya, "Hey...Did you cry?"

Pilit akong ngumiti at umiling. "Wala, tears of joy lang! Nakakaproud lang kasi nakita kong nagperform 'yung bestfriend ko sa stage."

Pinilit kong tumawa upang mawala ang pag-alala sa mga mata niya. Ngumiti siya at inakbyan ako, inalalayan ko siyang umupo sa tabi ko at inilagay ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang paglingon niya, hinaplos niya ang pisngi ko kaya muli kung gayon, pilit na ngiti ang tugon ko.

Ilang saglit lang ay umayos din ako sa pagkakaupo nang may bagong mga estudyante ang magpeperform, hindi ko maiwasang isipin ang pagkakatitig niya sa akin kanina. His eyes were cold, pero napakalakas ng dating sa akin.

Lumingon ako sa gawi nila at hindi ko inasahang magkasasalubong muli ang tingin namin. Blangko pa rin ang mukha niya na siyang dahilan ng paglunok ko. Kung dati ay agad kong mababasa ang nasa isip niya, ngayon ay napakamisteryoso niya na at walang bahid ng ano mang pahiwatig ang mga mata niya. Napakalamig ng bawat kilos at tingin niya, maski pagsalita niya ay ganoon na rin. Ang dami nang nagbago.

"Is it him?" kapagkuwa'y tanong ni Nica sa akin, imbis na lingunin at sagutin ang katabi ay nagpatuloy ako sa pakikipagtitigan sa lalaking binanggit niya, nilalabanan ang bawat malamig na titig niya. Ngunit ganoon na lamang ang panghihina ko nang ngumisi siya. Iniwas ko na lamang ang tingin ko. Ngayon ko lang ulit nakita ang ngising iyon, ang rason ng pagkakahulog ko sa kanya.

Bumuntong hinga ako bago humarap kay Nica, tinaas ko ang aking kilay bilang pagtanong. "Nah, nevermind. No need to answer, it's kinda obvious," mahinhin siyang tumawa at seryosong ibinaling ang tingin niya sa lalaking nakatutok na ang atensyon sa stage. "He changed a lot, 'no?"

Hindi mapagkakaila. Tumango ako nang hindi nililigon ang taong tinutukoy niya. Nagbaba ako ng tingin at nilaro ang kamay ko upang hindi maalala ang mga mata niya. "He's staring at you," nanlaki ang mata ko at wala sa sariling lumingon sa kanya pero iba ang nakita ko, wala siya roon. Hinawakan ni Nica ang mukha ko at ginabayang iharap iyon sa stage at natanaw ko siya, hawak-hawak ang mic. Pero...he still wasn't staring at me.

Lumingon ako kay Nica na nakapeace sign na sa akin. Tinaliman ko siya ng tingin kaya kumapit siya sa braso ko, "Paasa ka, Nica. Alam mo 'yun?" Nag-alinlangan naman siyang tumawa. Umiiling akong ibinalik ang atensyon sa taong na sa stage ngayon.

Napakagat ako sa labi nang makitang ngumiti siya. Ang ngiti niya sa kasalukuyan ay hindi na tulad ng ngiti na makikita sa kanya noon. Ngiti na para bang pinipilit niya na lamang ang maging okay, na dapat siyang maging okay.

"Uh, this song," huminga siya ng malalim at tuluyan nang nawala ang ngiti niya. "This song is dedicated to..."

"You."

Nanlaki muli ang mata ko dahil sigurado akong ako ang sinulyapan niya noong binitawan niya ang salitang iyon. Akala ko ay napansin rin iyon ni Nica pero walang bahid ng bakas ang kanyang mukha sa panonood na parang walang nakita. Sasabihin ko na sana ito sa kanya nang matigilan ako sa biglang pagtugtog ng instrumental ng kantang napakapamilyar at sobrang tumatak sa akin.

"Look at the stars, look how they shine for you and everything you do, yeah, they were all yellow." Hindi ko namalayang napasabay ako sa pagkanta niya sa aking isip, muling nagtama ang tingin namin at nasilayan ng mga mata ko ang ngiti sa kanyang labi.

But this time, hindi iyon mapait, hindi pilit. Instead, it was a smile of hope. His eyes were filled by hope and chances. Binibigyan niya na ba ako...

Please, I hope he isn't giving me false hope. Dahil sa oras na pagbibigyan niya ako, hindi na ako magdadalawang isip pang ipaglaban ang sinisigaw ng puso, ipaglaban siya.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon