CHAPTER 4

10 1 10
                                    

"Beh! Lunch na tayo!" anyaya sa akin ni Ellie. Tatanggihan ko sana siya kaso lang ay hinila niya na ako at kinarga ang bag ko. "Hoshi, wait lang," sigaw nito kay Hoshi na may kasamang babae papunta sa elevator.

Mas lalo naming binilisan ang paghabol nang makitang papasok na sila sa elevator. Mabuti na lang ay naabot namin ito dahil kung hindi ay masisirado na iyon.

"Ikaw pala 'yan, Nizza!" gulat na ani Ellie sa babaeng katabi ni Hoshi. "Ay, beh! Namiss kita, beh," masayang anang Nizza. Dahil sa saya ay napayakap siya kay Ellie. Habang pababa ay nag-usap pa sila.

Mukhang ito 'yung bestfriend ni Ellie mula pa'ng elementary, base sa mga naririnig kong pinag-uusapan nila. Pati si Hoshi ay napapasali sa pag-uusap nila. At ako naman ay biglang na-out of place.

Sana lang din ay may kasama rin ako dito sa school na kakilala ko na since elementary. Pero wala, ang layo ng probinsya namin. Mula nang makatransfer kami dito nu'ng summer ay hindi na kami nakadalaw pa roon. Kung may time sana ay makauwi rin kami minsan roon.

Bumukas naman ang elevator at dali-dali rin kaming lumabas. Kumapit sa braso ko si Ellie habang nakikipagkwentuhan pa rin sa kaibigan niyang si Nizza.

Hindi ko malaman ang pinag-uusapan nila pero bawat tapos ng pangungusap nila ay napapatawa sila. Habang si Hoshi ay panay lang ang iling at ngisi. Nang makalabas kami ng building, akala ko ay sasabay sa amin ang Nizza sa cafeteria ngunit bigla siyang humiwalay at nagsimulang magpaalam. "Sige na, mga beh. Pupunta pa kasi 'ko kay Dean, eh!"

"Hala, paktay ka beh," sinamaan naman ni Nizza ng tingin si Ellie pero sabay rin silang natawa. "Charot! Sige na. Nagugutom na rin ako," mataray na tumango si Nizza at muling nagpaalam sa amin. Nginitian ko na lang siya nu'ng lingunin niya ako.

Habang naglalakad papuntang cafeteria ay hindi ko maiwasang tignan si Ellie na mula pa nung magpaalam si Nizza ay nakanguso na siya. "Okay ka lang?" tanong ko na kanina ko pa gustong sabihin dito, tinignan niya lang ako nang nakangiti at nilingon ulit si Hoshi na nasa unahan na naman namin.

"Ay beh, nga pala! Kilala mo si kuya Brysen?" nagtataka akong lumingon ulit sa kanya, umiling ako at napasimangot siya. "Crush ko kasi 'yun, grade 10 na siya ngayon ih," napaawang ang bibig ko at humarap sa daanan. Ang layo naman nu'ng gap, grade 7 tapos grade 10. Hindi ba pangit titignan iyon if magkatuluyan man sila?

"Kanina nung recess, nakita ko siya! Gusto kong mag-hi sa kanya pero kasama niya 'yung bestfriend niyang babae, eh," ngumuso si Ellie sa kawalan. Iyon ang masaklap!

"Tapos, 'yung babaeng iyon. Crush niya. Nakakapanghina. Bakit kasi hindi na lang ako? Ang sakit niya," malungkot na dagdag niya. Siguro nga magseselos ka talaga kapag may ibang gusto 'yung taong gusto mo.

Pero hindi naman obligasyon ng taong iyon na suklian 'yung nararamdaman mo para sa kanya. Kumbaga, stay lowkey. Hindi naman iyom required kapag may gusto ka sa isang tao.

Pero hindi ko rin naman talaga masisisi si Ellie, hindi ko pa siya ganoon kakilala at hindi ko pa masyadong alam ang kwento niya kaya hindi ko pa masyadong maintindihan ang nagiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may ibang gusto 'yung gusto niya.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Hindi pa ito gaano kapuno. At nakita kong nagpipila ng maayos ang mga estudyante upang makuha ang tanghalian nila.

"Gusto niyo ako na lang kukuha nu'ng inyo?" tanong pa ni Hoshi sa amin habang nakatayo pa rin sa entrance.

"Pwede ba iyon?" balik kong tanong sa kanya, nagkibitbalikat siya kaya napangiwi ako. "Try natin, wala namang mawawala," nakangiting aniya.

Napalingon ako kay Ellie na tumango kay Hoshi. Humarap ulit ako sa kanya at tumango na lang rin. "Ano bang gusto niyo? Ang raming nasa menu ngayon kasi first day, eh. Ano na?"

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon