CHAPTER 12

3 1 0
                                    

"Alaia, gusto ko," walang pag-alinlangang saad ni Louie kahit nang pagpasok niya pa lang ay tingin kong nakita niya na ang pagka-ilang ko sa presensya niya.

Naubo si Tita Reg, ganoon rin si Nica samantalang ako ay palihim lang na napapalunok. Nakita ko ang pagbatok ng kapatid ni Nica sa Louie. "Asshole!"

"'Di, biro lang. Tubig na lang, bro. Mukhang matutuyuan ako ng lalamunan sa kakatitig sa kagandahan ng—" Bago pa matapos ni Louie ay nagsalita na si Nica. "Let's go to Mom na, Lex. We also need to talk."

Hinila ni Nica ang kapatid palabas ng silid, mahina pang natawa si Louie. Bigla muling tumahimik ang paligid. Nakikita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang malalagkit na titig ni Louie.

"Beautiful." Biglang uminit ang pisngi ko at napalunok ulit ako na ikinangisi ni Tita Reg. Naiilang na po ako Tita Reg, patahimikin mo nga iyan.

Matapos ayusin ang buhok ko na ang tawag daw sa hairstyle na ito ay waterfalls braids na mabilisan niyang nagawa ay nagsimula na siyang i-makeup ako. Ngayon lang ulit ako nakapag-makeup. 'Yung huli ko yata ay nu'ng graduation namin. Kahit gaano ko pang kagustong matuto mag-makeup, wala naman akong perang pambili para sa mga gagamitin para roon.

Ang makeup ko ay tulad lang nu'ng kay Nica pero hindi ko ramdam na singtulad ang magiging kalabasan ng akin sa kanya.

"I don't think na kailangan niya pa po 'yan. She's more beautiful without makeup." Bumuga ng malalim na hininga ang babae bago nilingon si Louie.

"Alam mo? Pakialamero ka. 'Tsaka, she's beautiful as she is. With or without make up!" Tanging pagngisi at pag-iling lang ang itinugon ni Louie sa asik sa kanya ni Tita Reg.

"That's what I'm trying to say..." mahinang wika niya at rinig ang pagiging hambog niya.

"Nagsasabi lang rin ako ng totoo." Napalunok na naman ako samantalang ang nag-aayos sa akin ay nginisian ako.

Nagpatuloy si Tita Reg sa pag-aayos habang si Louie ay pinapanood pa rin kami. Hindi man lang inaalis ang tingin sa akin kahit sandali kaya buong oras ay naiilang ako. Hindi man lang rin nakiramdam ang isa.

Ilang minuto lang ay narinig ko ang pagpalakpak ni Tita Reg. "Done!"

Naiilang akong ngumiti dito. "Thank you po," mahinang wika ko na nginitian niya lang.

"Okay ba?" baling niya kay Louie. Palihim akong bumuntong hinga. Hindi naman importante 'yung opinyon niyan, Tita.

Nakangisi siyang tumango. "Ganda mo."

Humarap muli sa akin si Tita ng nakangisi na ikinataas ng kilay ko. "Nothing!" Kahit saan binibigyan talaga ng ibang ibigsabihin ang simpleng pagpuri ng isang tao. Nahiya na tuloy akong salubungin ang mga tingin nila.

"Ay! Iwan ko na muna kayo dito, okay?" nanlaki ang mata ko sa pahayag ni Tita Reg. "May kukunin lang ako sa kotse! Babalik pa naman ako. 'Tsaka baka pabalik na rin ata 'yung magkapatid."

"At ikaw. Louie, right?" tumango ang Louie ng nakataas ang kilay. "'Wag kang daldal nang daldal d'yan, ha? Ayaw ni Alaia sa mga madadaldal."

Nakagat ko ang labi ko nang makita ang pagbaling sa akin ng tingin ni Louie nang nangwewestyon ang mga mata niya. Kailan ka ba titigil sa kakatitig?

"Really? Sige po," aniyang natatawa.

Bumaling ulit sa akin ang tingin ni Tita Reg. "Okay ka lang dito, 'di ba?" mariing bitaw niya sa 'dito.' Palihim ulit akong napalunok sa pagtango ko kahit ayoko naman talagang maiwan kasama ang Louie na ito.

Tumango si Tita Reg na agad na ini-spray-an ng alcohol ang mga palad niya bago pa siyang tuluyang umalis. Saka ako muling nailang nang natataranta sa kaloob-looban habang sinasabi sa isip kong hindi ko na alam ang gagawin. Na saan na ba kasi si Nica? Bakit naman kasi iniiwan-iwan lang ako dito, kasama itong si Louie?

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon