CHAPTER 7

37 7 64
                                    

"Ate! Okay ka lang ba?" natauhan na lamang ako ng lubusan sa malakas na pagbulong sa akin ni Jade. Magka-edad lang sila ng kapatid ko pero ang lalim na ng boses nu'ng lalaking Louie pala ang pangalan. Ibinaling ko ang tingin sa kapatid at muli kong naramdaman ang pagkakatitig sa akin ng lalaki. "Bigla ka atang namutla, Ate?" nag-aalalang nilapitan ako ng kapatid, agad akong umiling para masiguro siya.

Bumaba ang tingin ko ng maalala ang larawan ng magagandang mga mata nu'ng Louie bago pa nilingon si Jade. Muli kong palihim na sinulyapan si Louie na saka lang pasimpleng binawi ang pagkakalahad niya ng kanyang kamay sa akin.

"Tara na, Jade," nauutal kong yaya kay Jade. Hihilahin ko na sana ang kamay niya nang agad niyang inagaw ito, "Hep! Ate, mauna ka na," nakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong mauuna na ako? Ang bilin ni mama ay pagkatapos ng klase ay umuwi na kami kaagad. Tapos mauuna daw ako? Siya na mismong nagsabi na sabay kami uuwi. Naghintay pa nga siya sa guardhouse, eh. Anong kagaguhan ito, Jade?

"Eh, may gagawin pa kami," nauutal ring aniya na mas ikinakunot ng noo ko. "Ano?" may diing tanong ko dito, napakamot siya sa batok niya at ngumiwi. Ano naman ang gagawin nila na parang mas importante pa sa makauwi kami nang maaga?

"Kayo na lang siguro, Zac," rinig kong pagkadismaya ng kapatid ko sa lalaking katabi ng Louie.

"Sayang naman!" tugon naman nu'ng Zac. Itinaas ko ang kilay ko habang pinapanood silang nag-uusap nang bigla akong lapitan nu'ng Louie. Napaatras ako nang marahan at pasikretong napalunok. Feeling close. "Payagan mo na lang sana si Jadiel, birthday ko ngayon, eh. Pwede namang sumama ka na lang rin."

Birthday lang naman pala ng lalaking ito. Bakit niya naman iimbitahan ang kapatid ko? Tapos isasama pa ako? Ganoon na ba sila kaclose? Lumingon ako kay Jade ng nakataas pa rin ang aking kilay. "Ate, promise! Uuwi ako kaagad. Ihahatid naman daw ako, eh." At okay lang siya roon? Hindi man lang ba siya nahiya? Gago.

"Tapos malapit lang naman sa bahay natin 'yung bahay nila," dagdag niya. Ramdam ko pa rin ang pagkakatitig sa akin nu'ng Louie kaya nailing na lang ako. Napahawak ako sa aking sentido at malalim na huminga. "Oo na, sige na!" Hindi na ako mapakali sa Louie'ng ito. Masyado na akong naiilang sa mga titig niya!

Napatalon si Jade at agad rin akong niyakap, nasanay na rin naman ako. "Thank you, Ate! Dadalhan ko kayo ng pagkain!" aniya dahilan para samaan ko siya ng tingin. Walang hiya. Bumitiw siya sa yakap at kinamot ulit ang batok.

"Padadalhan kita," anang Louie.

Ngumiwi ako nang hindi na siya nilingon. Binigyan ko si Jade ng isang matalim na tingin na para bang binabalaan ko siya. Umirap siya ngunit tumango rin naman.

Bumuntong hinga ako at tinalikuran na lang sila. Na sa likod ko lang si Hoshi at Ellie, nang makita kong sila na lang dalawa ay sumalubong ang kilay ko. "Nasa'n sila Ja-" bago ko pa man matapos ay kumapit na sa braso ko si Ellie. "Nauna na sila sa labas."

"Grabe makatitig sa'yo 'yung classmate ng kapatid mo, beh," hindi ko alam kung inaasar ba ako nitong Ellie o totoo talaga ang sinasinabi niya? Akala ko ay ako lang nakapansin noon o baga sa akin lang iyon dahil naakit ako ng mga mata niya. Narinig ko ang marahang pagtawa ni Hoshi na nasa tabi ni Ellie. Si Ellie na naman ang nasa gitna. "Pero in fairness, beh. Ang ganda nu'ng mga mata niya! Pati 'yung kilay, nakaka-turn on!" nakikilig na dagdag niya.

"Hmm, pansin ko rin 'yun," pagsasang-ayon ko sa kanya dahilan para makita ko ang pag-ngisi niya. "Kaya pala parang 'di ka makagalaw dahil sa mga titig niya," rinig ko namang malamig na ani Hoshi. Ako ba? O si Ellie? "So true!"

Nilingon ko siya at nakita kong nakataas ang kilay niya. Lilingunin niya na sana ako para salubingin ang mga mata ko ngunit agad akong umiwas ng tingin.

The Whispers of the Heart (Fidelis Squad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon