Ilang araw na akong nandidito at tanging nasa kuwarto lang. Kulang nalang ay libutin ko ang lahat ng kung anong meron sa kuwartong ito."Hindi ba talaga tayo lalabas?"Tanong ko kay Atrius na nakahiga sa kama nitong malaki.
Ang tanging ginagawa lang namin dito ay manood ng kung ano anong cartoons.
"I don't want you to-"
"Ismael, want to join with us? We play game."
Bumaling kami ng sabay ni Atrius sa lalaking naka sandong kulay puti. Ang labi nitong mamasa masa at kulay pula ay may tinatagong ngisi.
Iba ang awra nito ngayon. Hindi madilim at malamig. Hindi ko alam kung anong nangyari at himalang parang ang ganda ng mood ng isang ito.
"Maiiwan si Evie dito."
"Then sama mo."Nagkabit ito ng balikat bago tuluyang pumasok sa kalooban ng kuwartong ito.
"Talaga?!"
Bumaling ako kay Atrius nung yugyugin nito ang balikat ko. Parang hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kapatid nitong si Hanxo.
"Yea?"
Sa ilang araw kong nandidito ako hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang pakiramdam ko. Sa tuwing nandidito ito ay parang iba yung nagiging pakiramdam ng katawan ko. Masyadong mabilis yung tibok sa puso ko.
"C'mon Evie!"Nagmadaling tumakbo si Atrius patungo sa pintuan. Hawak hawak nito ang aking kamay na tila para kaming mga bata.
Takang sumama nalang ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napansin ko pang mataimtim na nakatingin sa amin si Hanxo habang hawak ni Atrius ang aking kamay.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta nakatingin lang ako sa mga dinadaanan namin hanggang sa may pindutin ito sa isang pader at doon ay may bumukas na naman na isang pintuan na tala pader.
"Don't amazed."Nakangising sabi ni Atrius nung makita nitong umawang ang aking labi. Lumakad ito sa nakabukas na pintuan na 'yon.
"Faster."
Kulang nalang ay tumalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa nagsalita sa aking narinig na boses sa aking likuran.
Madaling ibinaling ko ang aking paningin sa taong nasa aking likod. Ang kamay nito ay nasa dalawang bulsa nito sa suot na short.
Lumakad ako ng marahan ngunit nung mukhang na inis yata ang aking nasa likuran ay marahan ako nitong tinulak.
"Wala na bang ibibilis yang lakad mo?"Tanong nito sa akin.
"Sandali,"Hindi ko sinasadyang malakas na hampasin ang kamay nitong nasa aking likuran na tumutulak.
"Nagiging physical kana."Manghang usal nito na tila ngayon lang yata may lumaban sa lalaking ito.
Umawang na naman ang aking labi dahil sa bumungad ang isang napaka laking kuwarto pa ba ito o bahay na.
Sobrang laki nito! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda, ka engrande at kalaking kuwarto.
Puros gold at puti dilaw ang makikita mong kulay sa loob ng kuwartong ito. May malaking TV sa loob at napaka gandang sofa na malalaki at mahahaba sa gitna noon ay isang napakalaking kamang nasa gitna.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi maglakad at tignan nalang ang mga nakikita ng aking mga mata.
"Are you going out or not."
Hindi ko nilingon ang nasa likuran ko, bahala s'yang magsalita ng magsalita sa kung anong gusto nito.
Pinagmasdan ko ang mga naka disenyo sa loob.
Hindi yata siguro ako magsasawang pagmasdan ang kuwrtong ito. May malaking salamin na nakatayo sa ulunan ng kama.
Kitang kita doon ang ganda ng liwanag na nagmumula sa chandelier.
"Step."
Bakit ba ayaw nalang ng isang lalaking ito ang mauna? Napatingin ako sa paligid at wala na doon si Atrius at mukhang iniwan na ako. Ang tanging kasama ko nalang ngayon ay ang lalaking nasa likuran ko parin na masama ang tingin sa akin at naka pameywang na ngayon.
Kita ko ito dahil kitang kita kami sa salamin na malaki. Masama na ang mukha nito sa akin.
Maglalakad na sana ako patungo sa pintuan na naka bukas ngunit naagaw ng atensyon ko ang isang malaking painting na nasa gilid. Malaki ito na halos kasing laki ko kung ibababa sa sahig.
Sa painting na iyon ay kuhang kuha ang mukha ng tatlong bata at isang lalaking seryoso ang mukha. Ang hinuna ko ay ang tatlong lalaking nasa picture ay sila Atrius, Hanxo at Tenius.
Seryoso ang mga mukha ng mga ito. Madidilim at malalamig ang mga tingin.
Hindi ko alam kung bakit parang may mali sa painting na ito. Hindi ko lang lubos maisip kung ano iyon.
Lalapit na sana ako doon kung wala lang ng hila sa aking suot na t-shirt na mamahalin galing kay Atrius.
"Ano ba! Nasasakal ako!"Pagrereklamo ko kay Hanxo dahil sa ginawa nito.
Ang lakas humila ng lalaking ito, halatang may galit talaga sa akin. Bakit ba ganito ang isang ito?
"Don't look at that painting,"Malamig na sambit nito sa akin.
"Oo na! Oo na! Masakit na nasasakal na ako!"Pilit kong inaalis ang aking kuwelyo sa kamay nito ngunit hindi nito iyon tinatanggal hanggang sa hindi kami makalabas.
Nakahinga lang ako ng maluwag nung bitawan ako nito nung makalabas na kami sa kuwartong iyon.
"Napaka sama mo talagang lalaki ka."Matalim ko itong binalingan ng tingin.
Tinaasan lang ako nito ng kilay tsaka ito tumalikod sa akin. Hindi ko alam kung multo lang ba iyon o talagang nakita kong ngumiti ito.
"All people have bad side, it's depends how they hide it."Sambit nito habang naglalakad.
Sumusunod lang ako dito, nasa likod lang ako nito.
"Hindi mo naman tinatago yung kasamaan mo."Mahinang bulong ko.
Bumaling ito sa akin."Gusto mong makita talaga yung kasamaan ko?"Malamig na tanong nito.
Nagtaasan ang aking balahibo dahil sa sinabi nito. Ang mga mata nito ay tila hindi nagbibiro at handang gawin ang sinabi.
Umiling ako.
Tumigil ito sa paglalakad bago humarap sa akin.
"I don't know what the feelings is this but always marked in your mind na hindi ko gusto 'to. Gusto ito ng katawan ko."Pagkatapos nitong sabihin iyon ay basta nalang ako nitong ipinangko sa pader at marahas na ginalugad ang aking labi.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa na naman nito, hindi ko magalaw ang katawan ko. Nagkanda buhol buhol ang aking paghinga, para akong nawawalan ng hangin sa aking katawan lalo na nung gumalaw ang labi nito.
Mas lalo akong hindi nakagalaw ng ang dila nito ay pumasok sa aking loob ng bibig nung bahagya iyong umawang.
Tumigil ito sa ginagawa bago malamlam ang mga matang tumingin sa akin. Wala akong masabi. Blangko ang utak ko at tila lumipad lahat ang nasa aking isipan.
Ang lahat ng init sa aking katawan ay tila pumunta sa aking mukha at doon tumambay.
"I don't know why, why my body like kissing you."Mahinang usal nito.
Lumunok ako dahil sa sinabi nito.
Mahina itong ngumisi na matunog. Tila natatawa ito sa sinabi.
Pinakawalan na nito ang aking kamay tsaka tumalikod sa akin.
-CLOUD-
ENJOY READING!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS ABOUT THIS STORY!
FOR MORE INFO YOU CAN ADD ME IN MY FACEBOOK ACCOUNT
@SKIESCLOUD WPTHANK YOUUUU!!🦋💚
BINABASA MO ANG
Kill Me With Your Love BXB (Brother S1) Completed
RomanceHanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of the traitor of someone. At sa kagustuhan na makapag higanti ay ginantihan niya ang taong inosente...