Isang magandang mata ang aking nasalubungan nung imulat ko ang aking mga paningin.Ang matang iyon ang huling nakita ko.
Ang matang iyon na puno ng puot at galit, ngunit iba na ngayon.
Kita ko ang pagpipigil ng luha doon. Pagpipigil ng mga emosyon na puwedeng lumabas.
"A-ayus kalang?"
Hindi ako kumibo.
Bakit ang sakit? Bakit parang pinupunit yung puso ko? Lahat gumuho sa akin. Lahat lahat.
He killed my father and mother.
Pigil ang emosyon na tumango ako dito. Lumunok ako, tumingin ako sa itaas dahil hindi ko kayang magpanggap.
Lalo na sa kanya.
Sa taong mahal ko, ngunit pumatay sa pamilya ko.
Ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang lahat.
Ang batang nasa aking panaginip ay ako. Ako ang batang si Zircon. I'm Zircon Evie Javenzon.
"G-gusto kong m-magsabi ka nang t-totoo..."Kinagat ko ang aking labi dahil sa gustong kumawalang hikbi.
Kitang kita ko ang pagbabago ng emosyon sa mga mata nito. Kitang kita ko kung paano tila bumagsak ang lahat dito.
"S-sabihin m-mo yung t-totoo H-hanxo,"Lumuha na ako, hinding hindi ko na kayang pigilan."H-hindi a-ako magtatanim ng galit s-sayo, j-just tell me the truth."Hinawakan ko ang kamay nitong tila nawalan ng lakas.
Lumunok ito ng sunod sunod bago umiwas ng tingin sabay iling.
Parang bumagsak ang mundo ko dahil sa ginawa nito.
Hindi nito kayang sabihin.
"H-hindi k-ko kayang sabihin say-"
"Bakit?"Matigas na tanong ko dito."Gusto kong malaman kung bakit mo ginawa ang bagay na 'yon sa pamilya ko! Bakit?!"Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Gustong gusto kong malaman.
"Hindi mo gugustuhin na malaman ang lahat, Evie."Tumayo ito."H-hindi ko ku-kuwestyunin kung ano man ang magiging resulta,"Seryoso itong tumingin sa akin.
Katulad nung unang pagkikita namin.
"M-magtanim kalang ng galit sa akin."
Matapos nitong sabihin iyon ay hahakbang na sana ito ngunit pinigilan ko ito.
"Bakit? Hanxo? May ginawa ba ang pamilya ko sayo?"Lumuluhang tanong ko dito."It's obvious bakit ko paba tinatanong?"Mahina akong natawa hindi dahil sa saya kung hindi sa puot. Galit at hinagpis.
Kumalabog ang dibdib ko nung humarap ito sa akin. Iba ang mga mata nito. Galit na galit iyon, bumukas ang bibig nito ngunit sa huli ay tumikom din iyon.
"P-please, h-hanxo."Pagmamakaawa ko dito.
Gusto kong malaman lahat.
"Gusto mo talagang malaman?"Walang emosyon tanong nito sa akin.
HANXO FELIX JOAQUIN P. O. V
This is it I guess?
He want to know the truth.
I love him that's why I don't want to tell the truth.
At alam kong babalik na naman sa akin ang lahat lahat. Hindi ko na gustong bumalik ang mga ala-alang iyon. Hindi hindi na. Pero mukhang heto na yata yung mas nakakatakot na parte sa akin.
BINABASA MO ANG
Kill Me With Your Love BXB (Brother S1) Completed
RomanceHanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of the traitor of someone. At sa kagustuhan na makapag higanti ay ginantihan niya ang taong inosente...