"Wala ka na nga silbi kung ano-ano pang ginagawa mo!"Isang malakas na hampas ang ibinigay ng Lola ko sa akin. Napaigik ako dahil sa ginawa nito.
Masakit iyon dahil ang hinampas nito sa akin ay ang isang sinturon at bakal pa ang pinanghampas sa akin.
"Tamad!"
Kada sigaw at salita nito ay merong humahampas sa aking likod habang ako ay nakaluhod sa isang pingan na puno ng asin at munggo.
Nakakagat labi lang ako upang hindi ko mapakawalan ang sakit at sigaw na gusto ng kumawala sa aking labi.
Patuloy lang tumutulo ang aking luha dahil sa ginagawa ng lola ko sa akin.
"Walang silbi!"
Isang igik ang ginawa ko nung tumama na naman ang bakal ng sinturon sa aking likod at sa buto pa iyon.
Ipinikit ko ang aking mga mata habang taimtim na humihiling na sana ay matapos na ito.
"Wala kang mapapala sa buhay mo!"Isang malakas na sampal ang nakuha ko dito.
Hindi ang kamay nito ang sumampal sa akin kung hindi ang matigas na bakal ng sinturon.
Hindi ko magawang lumaban dahil natatakot ako. Natatakot ako sa pwede kong magawa. Hindi ko kaya.
Ito na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin kahit na delubyo ang buhay ko sa mga kamay nito.
Ilang oras ang pagpapasakit nito sa akin hanggang sa tigilan ako nito.
Lantang nagtungo ako sa aking sariling higaan sa papag na may banig lang ang sapin.
Sobrang sakit ng likod at hita ko.
Bago palang akong nagpapahinga ng may humampas na malakas sa aking likuran dahilan para sumigaw ako sa sobrang sakit.
"Ano?! Hihiga ka lang d'yan?! Gusto mo isumbong kita kay lola?!"
"A-ate, m-masakit pa y-yung l-likod k-ko."Nang hihinang dahilan ko sa kapatid kong babae.
Nakita ko kung paano ito magalit ang mga mata nito dahil sa sinabi ko.
"Anong pake ko?! Wala pang nalulutong pagkain!"Sigaw nito sa akin.
"S-sige ako na ang magluluto a-ate,"Binalak kong makatayo ngunit agad din akong natumba dahil sa panghihina at pagod.
"Tayo!"Malakas na sigaw nito ulit sa sakin sabay bigay ng isang sipa sa aking hita.
Nahihirapan man ay tumayo ulit ako. Ngunit bago ako makatayo ay hinampas ako nito sa likuran.
"Tamad!"Singhal pa nito bago tuluyang umalis.
Gegewang gewang akong naglakad patungo sa kusina ng bahay na ito. Pinunasan ko ang tumulong luha sa aking pisngi at mahinang humikbi na napaka sakit sa aking dibdib at lalamunan.
Bawat hakbang na ginagawa ko ay may nararamdaman akong sakit sa aking katawan lalo na sa parteng likuran.
Kinuha ko ang kaldero at naglakad patungo kung nasaan ang balde ng bigas.
Tinakal ko ang bigas sa tamang takal lang na sinabi sa akin ni Lola noon. Tangging tatlong gatang lang ang lagi kong isasaing.
Tatlong gatang lang ang sinasaing na minsan ay kulang pa sa kanilang dalawa dahil maliin na baso lang ang takalan na gamit.
Matapos kong maisalang ang kaldero ay umupo muna ako sa isang upuan na nasa lamesa.
Dalawang upuan lang ang nasa lamesa na tanging sa kapatid ko lang at sa lola ko.
BINABASA MO ANG
Kill Me With Your Love BXB (Brother S1) Completed
RomanceHanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of the traitor of someone. At sa kagustuhan na makapag higanti ay ginantihan niya ang taong inosente...