Tumingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan kami ni Hanxo at kung bakit kami nandidito.Iba ang pakiramdam ko dito. Masyadong mabigat at nakakatakot.
"N-nasaan tayo?"Baling ko kay Hanxo na nasa tabi ko.
May katawagan ito sa cellphone kaya hindi ko alam kung narinig ba ako nito o hindi.
Ibinaling ko nalang ulit ang aking paningin sa harapan. Maraming taong nanonood. Kung kanina ay ang arena na nakita ko ay malinis at maganda ito ay hindi.
Masyadong marumi at marami din bakas ng kung ano.
Kulang nalang ay mapatalon ako dahil sa narinig na malakas na pagsabog.
Pagsabog ng isang magandang sasakyan sa gitna ng arena, nakita ko pa ang isang babae na lumabas ang ulo at kasabay noon ay ang paglabas ng baril nito.
Kulang nalang ay sumigaw ako nung pinaulanan nito ng bala ang kasunod na sasakyan na nasa likuran nito.
"Is that Beatrice?"
Hindi ko lubos na maisip kung paano napatamaan ng babae ang sasakyan na 'yon dahil bila iyong sumabog.
Kinakabahan ako sa bawat pagsabog ng mga sasakyan.
Wala sa sariling hinawakan ko ang braso ni Hanxo. Tumingin ako dito.
"A-aalis nalang a-ako dito."Ramdam nito sa braso nito ang aking kamay na nanginginig.
Bumaling muna ito sa aking kamay na nasa braso nito bago umakyat ang tingin nito sa aking mukha. Lumunok ako nung magtama ang mga mata namin.
Mas lalo humigpit ang aking kapit dito dahil sa isang pagsabog na naman. Sobrang lakas noon at kulang nalang ay mabingi ang aking tenga.
"B-balik mo nalang ulit ako doon sa b-bahay n'yo-"Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung biglaan nalang ako nitong hilahin patungo sa dibdib nito at marahas na tinakpan ang aking tenga at mata kasabay noon ay ang isang malakas na pagsabog malapit sa aming kinatatayuan.
Malakas na sigawan ang namutawi sa buong arena na ito. Palakpakan at hiyawan ang namuo sa lahat ng sulok ng lugar.
Ramdam ko ang init na nang gagaling sa kung saang malapit sa amin.
"Whoooo! Meron pang buhay!"
"Patayin na 'yan!"
"Mga walang kwenta!"
"Loser!"
"Kill him!"
Ayun ang sigawan ng mga tao at hindi ko alam kung sino ang mga sinasabihan nito. Puro sila sigaw ng 'Patayin na 'yan' gustuhin ko mang makita ay nakakatakot ako.
Natatakot ako na baka kung ano ang makita ko.
Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko kasabay ng malakas na sigawan ulit.
"And the winner is the player number 88!"
Kulang nalang ay mabingi ako sa sigaw at palakpak. Pinakawalan na ako ni Hanxo sa pagkakayakap nito kaya nagkaroon ako ng tiyempo na tignan ang nangyari ngunit bago ko pa magawa iyon ay may tumakip naman sa aking mga mata.
"That scenes is not suit for you. Even you are old your mind is not for this."Mahinang usal nito sa akin.
Naramdaman kong humahakbang na ito kaya napasunod din ako sa bawat hakbang na ginagawa.
"The winner will apread in screen for minutes! And for the bet! Handa na ba kayong malaman kung magkano ang paghahatian ng mga pumusta sa number 88?!"
Hindi ko na nasundan ang mga sasabihin nung emcee yata na iyon dahil nawala na iyon bigla sa aking pandinig.
"There,"Inalis ni Hanxo ang malaking kamay nito sa aking mga mata na siyang tumatakip.
Una naging malabo ang aking paningin ngunit sa huli ay luminaw iyon.
"Hindi mo kailangan makita at marinig yung mga nandodoon,"Ani Hanxo.
"Patay na ba yung mga nasa sasakyan na sumabog?"Inosenteng tanong ko dito. Pinikit pikit ko pa ang mga mata ko.
Malay mo ay naghahalusinasyon lang ako at malay mo naman isa iyong palabas?
"Yes,"Tumalikod ito sa akin ngunit hawak hawak naman nito ang aking braso.
Wala naba talagang ibang magandang gawin ang isang ito kung hindi ang hilahin sa kung saan saan.
"B-bakit parang wala man lang yatang pakialam ang mga taong nanonood doon?"Kung totoo iyon sana naman tinulungan nung mga taong nanonood diba?
"Hindi mo kailangan malaman ang lahat."Ayun lang ang sinabi nito at tumahimik na at hindi nagsalita.
Nasa isip ko parin ang pangyayari kanina at mukhang hindi na yata maaalis iyon. Kita ko kung paano sumabog ang sasakyan kung saan ay maysakay na tao.
Nanginginig parin ang aking katawan dahil doon, parang hindi ko na yata ulit hahayaan ang sarili kong makakita ng ganung pangyayari.
Pumasok si Hanxo sa isang pintuan na kulay Itim, may lumabas doon na isang lalaki na hindi ko naman kilala.
Nakipag usap pa saglit si Hanxo sa lalaki na naririnig ko dahil nasa likod lang naman ako nito.
"How much the bet?"
"35 million Boss,"
"Ilan ang maghahati?"
"Sampung tao Boss."
Bumaling ako sa pasilyo kung nasaan kami nakatayo. Gumala ang aking tingin.
Puro itim lang ang makikita mo dito. Bibihira ang kulay na maliwanag. Kung hindi pa dahil sa ilaw na nasa dingding na mahaba at tila naiiba sa mga ginagamit ng tao ay hindi pa magiging maliwanag ang daan patungo kung saan.
Isang babae ang nakita kong naglalakad. Malawak ang nginit nito, ang suot nitong hapit na hapit sa katawan nito ay tila nang-aakit ng mga lalaki.
Umiwas ako ng tingin at bumaling ulit kay Hanxo na kinakausap parin ang lalaki.
Maputi at makinis ang babaeng iyon. Ngunit tila nakakabastos naman yata para sa akin at sa ibang lalaki ang makitang ganun ang suot nito.
Kulang nalang ay mahubad na ang damit nitong maigsi na lumalabas na ang bilugang dibdib nito. Masagana iyon at alam kong kung sino man ang makakakita noon ay hindi maaalis ang tingin.
Pinapangalagaan dapat ng mga babae ang mga katawan nila, pero nasa sa kanila na naman iyon. Desisyon nila iyon.
"Felix!"Tili nito ng makarating sa kinaroroonan namin.
Umiwas ako ng tingin nung makita kong agad na yumakap ang babae at sunggaban ng halik si Hanxo.
"I was roaming around to see your face and here you are!"
Bakit ba ang tagal ng isang ito makipag-usap sa lalaking iyon?
"You know that race is dangerous, bakit ka pa sumali?"
"I want some thrill."
"Thrill? Thirll that make you sacrifice?"
Bakas sa tono ni Hanxo ang pagkairita at galit nito. Bumaling ako dito at nakita ko ang mga mata nitong malamig na nakatingin sa babae.
"That's what I want thrill,"Malambing na yumakap ang babae kay Hanxo at hinalikan ang leeg nito."You don't need to worry,"Marahan na tumawa ang babae."You don't trust me when it's come to racing?"
Hinihintay ko ang isasagot ni Hanxo ngunit na unahan iyon ng isang boses.
"Evie! Bakit ang tagal mo?"Naunahan ito ni Atrius na tila gulat din. Basta nalang itong lumapit sa akin sabay kuha sa aking kamay.
-CLOUD-
ENJOY READING!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS ABOUT THIS STORY!
FOR MORE INFO YOU CAN ADD ME IN MY FACEBOOK ACCOUNT
@SKIESCLOUD WPTHANK YOUUUU!!🦋💚
BINABASA MO ANG
Kill Me With Your Love BXB (Brother S1) Completed
RomanceHanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of the traitor of someone. At sa kagustuhan na makapag higanti ay ginantihan niya ang taong inosente...