"Bakit ang tagal n'yo?"Ayun agad ang tanong sa amin ni Atrius nung makita kami nitong dumating.
Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pag-iinit ng aking buong mukha.
"This man is too slowl."
Iginala ko ang aking paningin, umawang na naman ang aking labi dahil sa nakikita ko.
Ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng ganitong kalaking arena sa buong buhay ko. Hindi ko alam na pwede pala ang ganitong kalaking arena.
Napapikit pikit pa ako dahil tahimik ito.
Napabaling ako sa aking katabi ng tapikin nito ang aking kaliwang balikat.
"Don't be amazed, I saw you in many times in amazed face. Walang nakaka-amazed sa mga nakikita mo."Mahinang sambit ni Tenius sa akin.
Kung gulat ako sa aking nakikita ay mas gulat ako dahil ito ang kauna-unahan na kausapin ako ni Tenius sa ilang araw kong nandidito.
"Arena killer."Mahinang usal nito bago umiling."C'mon."Tinapik nito ng ilang beses ang aking balikat bago sumenyas.
"Huh? Saan pupunta?"Naguguluhang tanong ko dito dahil sa ginawa nito.
"Hindi ka manonood, baka mamaya sumigaw ka ng sumigaw d'yan or else magtago ka pa."Natatawang sambit nito.
Nagtataka man ay hahakbang na sana ako ng may isang tao na naman na humila sa aking kuwelyo ng damit.
"He will come with me."
Para akong tuta sa isang ito talaga. Basta basta nalang ako nitong hilahin. Mas malala pa ang isang ito kay Atrius.
Nakita ko ang mukha ni Tenius na bahagyang nagulat ngunit hindi nalang nagsalita. Tumango ito bago nauna ng umalis.
"Bibitawan mo ako o tatadyakan kita."Pananakot kay Hanxo na ngayon ay hawak hawak parin pataas ang aking kwelyo.
"Do it then."Panghahamon nito sa akin.
Imbis na gawin ay huminga nalang ako ng malalim at hinayaan nalang ito. Wala din naman akong mapapala kung gagawin ko iyon. Baka nga masaktan pa ako.
Naglakad ito kaya pati ako ay napasama.
"Ayokong magtanong pero bakit mo ako hinahalikan?"Inosenteng tanong ko dito habang hila hila ako nito.
Ayun ang gusto kong itanong dito noon pa simula nung hinalikan ako nito. Hindi ko alam kung anong motibo o dahilan nito para gawin ang bagay na 'yon.
"Alam mo bang mag-asawa na kasal lang ang gumagawa noon sabi sa akin ni Lola? Masama daw gawin iyon kapag hindi kasal,"Sambit ko pa dito.
Hindi ko nagsalita ngunit ramdam kong nakikinig ito sa aking mga sinasabi.
"Alam mo bang sabi sa akin ni Lola na wala daw akong magandang mapapala sa mga babae?"Pagkwento ko. Ewan ko kung bakit ko nasabi iyon.
Totoong sinabi sa akin iyon ni Lola, nakita kasi ako nito isang beses na nakikipag usap sa babae tapos na gulat nalang ako ng bigla ako nitong binugbog.
"Lahat naman ng mga babae ay desenteng tao,"Patuloy ako sa mga sinasabi ko habang ito naman ay hindi inaalis ang kamay sa akin.
"Lahat daw ng babae ay pera lang ang hanap sa panahon ngayon,"Naramdaman kong bumagal ang paglalakad nito."Pero sinabi ko sa aking isip na, siguro kaya nila ginagawa ang hindi dapat gawin ay may mga dahilan sila, sino bang gugustuhin na ibenta ang sarili sa wala lang?"Pagtanong ko dito kahit hindi naman ako nito mukhang sasagutin.
BINABASA MO ANG
Kill Me With Your Love BXB (Brother S1) Completed
RomanceHanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of the traitor of someone. At sa kagustuhan na makapag higanti ay ginantihan niya ang taong inosente...