Ibinalik ni Hanxo sa aking mga mata ang tinangal nitong panyo na kulay pula.
Naririnig ko pa ang malalakas nitong pagsinghal at paghinga. Alam kong nag-aalala ito sa kung anong mangyayari.
"Tawagin mo na ang mga nandidito."Bakas sa boses nito ang disgusto sa sinabit nito sa kung kanino.
Naramdaman kong hinawakan ako ng kung sino at marahan na inalalayan ako patungo sa kung saan.
Naramdaman ko nalang ang malamig na simoy ng hangin na panghapon.
"Be ready."Mahinang bulong sa akin ni Hanxo.
Tumango nalang ako.
Narinig kong may mga sinasabi pa ang tatlong magkakapatid na hindi ko malaman.
Nakatuwid lang akong nakatayo hanggang sa naramdaman kong tila may malamig na kung anong bagay sa aking hita na lumalandas.
Kulang nalang ay mapatalon ako sa gulat ng hindi kalakasan na humampas ang bagay na iyon na hawak ng kung sino.
"Isa!"Malakas na sigaw na alam kong si Atrius.
Napakagat ako ng labi ng maramdaman kong may isa na naman na hindi gaano kalakasan ang paghampas sa aking hita.
Bawat hampas ay siyang kasabay na pagbibilang ni Atrius.
Fuck! Nakakailan palang ngunit ramdam kona ang paghapdi ng aking hita sa likuran dahil sa bawat hampas. Kahit na sigurado akong kinausap ni Hanxo ang mga member nito para hindi lakasan ang paghataw ay masakit parin iyon.
"Fifty five!"
Halos mapamura ako ng malakas na humampas ang kung sino sa aking likuran.
I heard someone groan.
Kinagat ko ang aking labi dahil sa hampas na iyon. Damn! That hurts!
Hanggang sa lumipas pa ang ilang oras at naramdaman ko nalang na parang nanghihina ang aking mga hita dahil sa mga hampas.
May mga malalakas na hampas at may mga hampas naman na hindi kalakasan.
Huminga ako ng malalim ng maramdaman kong tila mas tumahimik ang aking paligid.
"I'm the last one who will hit you, be ready."Seryosong bulong sa akin ni Hanxo.
Huminga ako ng malalim at kahit na nakapiring ako ay mas diniinan ko pa ang pagpikit ko sa ilalim ng telang nasa aking mga mata.
Hindi ko pa nabibitawan ang hininga ko ay malakas akong napapura at agad na napaluhod dahil sa isang napaka lakas na hampas sa aking hita.
"Stand up. This is the last one."
Nahihirapan at nasasaktan man ay tumayo ako. Pinilit kong makatayo.
Ngunit hindi ko pa lubusang naitatatag ng maigi ang aking mga paa ay agad ulit akong napaluhod ng wala sa oras ng maramdaman ko na naman ang isang napaka lakas na hampas sa aking hita.
"Tongue out."
Nakaluhod kong inilabas ang aking dila dahil sa sinabi ni Hanxo.
Nagaagaw ang hininga at sakit sa aking katawan at bibig ng tila narinig ko ang hindi maintindihan na sinasabi ni Hanxo.
Mixed Latin and Spanish language ang sinasabi nito. Pilit kong pinapakinggan ang sinasabi nito ngunit hindi ko talaga makuha bukod sa malalalim na salitang español iyon.
"Blood."
Naramdaman kong may isang bagay na pinadaan si Hanxo sa aking dila. Ramdam ko ang gaspang at metal na lasa noon.
"Veins."
Inulit ulit ni Hanxo ang ginawa nito nung una. Habang nakalabas ang aking dila ay pinadaan ulit nito sa akin ang alam kong Padel na hinampas sa akin kanina.
"And for the Brotherhood."
Ayun ang hulin sinabi ni Hanxo bago ko maramdaman ang paglapat ulit ng Padel na iyon.
"Maipapangako mo bang kahit anong mangyari ay tutulong ka?"Malakas na tanong sa akin ni Hanxo.
"Yes."sagot ko
"Louder!"Malakas na usal nito.
"Yes!"Malakas na pag-uulit ko.
"Makakaasa ba kaming sa lahat ng pagtitipon ay makakadalo ka?!"
"Not sure?"
"Hindi namin kailangan ng sagot na hindi mo alam! Kailangan namin ang Oo mong sagot! Pinapatunayan mo sa sarili mong hindi ka karapat rapat na maging isa sa amin!"Malakas na sigaw sa akin ni Hanxo.
Naramdaman kong pinatayo ako nito at ng makatayo ako ay isang malakas na hampas ang nagpaluhod na naman sa akin.
"Ngayon."Hinawakan ni Hanxo ang aking panga."Ano ang dahilan mo upang tanggapin ka namin sa grupo."
"Gusto kong makapag higanti kay Liam Miguel Javenzon."Matapang at totoong usal ko dito.
"So gusto mo lang sumali sa samahan na ito upang makapag higanti sa taong iyon? How selfish you are Mister Evie. Sariling kapakanan mo lang ba ang nasa isip mo?"
Parang natutop ang aking dila dahil sa seryosong tanong sa akin ni Hanxo. Parang may kung ano sa aking dibdib na dumagan.
Hindi ako nakapag salita. Natahimik ako.
Iba ang uri ng pagkakasabi noon ni Hanxo. Parang hindi ito ang Hanxo kanina.
Seryoso, malamig at may tila kakaibang hindi ko maintindihan.
Natigilan ako sa pag-iisip ko.
"Hindi kami tumatanggap ng-"
"Gusto kong bawiin ang binuong samahan ng Ama ko at balak na ipagkaisa sa samahan mo."Bukod sa gusto kong makabawi sa aking Tiyo ay ito pa ang isa.
Dahil sa sinabi ko ay tanging kulisap nalang ang naririnig ko dahil sa katahimikan ng paligid.
Naramdaman kong huminga ng malalim ang aking nasa harapan.
"Mangako kang hindi mo ta-traydurin ang binuo ko."Malamig na paniniguradong sambit ni Hanxo sa akon.
Hirap man ay taas noo akong tumingin sa harapan ko kahit na nakapiring ang aking mga mata.
"Nangangako akong kahit anong mangyari ay hindi ko gagawin ang kahit na anong pagta-traydor sa ginawa mong samahan."Seryosong pangako ko dito.
Pagkasabi ko noon ay naramdaman kong humakbang patungo sa akin si Hanxo.
"Siguraduhin mo lang dahil simula ngayon ay hawak na kita."Nakangising usal sa akin ni Hanxo habang tinatanggal ang nakaharang na tela sa aking mata.
"Why you sound happy?"Mahinang tanong ko dito ngunit sa huli ay napangiwi ako dahil sa pagsidkit ng sakit ng aking hita at tuhod.
Napapikit pikit ako ng tanggalin na ni Hanxo ang tela sa aking mga mata. Napapikit pikit ako at ganun nalang ang pag-awang ng aking labi ng makita ko ang mga kalalakihan at ganun narin ang mga kababaihan na nakatayo sa aking harapan.
"Welcome to Ardahas Fraternity."
Bumaling ako kay Hanxo na nasa aking galid na habang nakatingin sa mga nasa harapan.
-CLOUD-
ENJOY READING!
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENTS ABOUT THIS STORY!
FOR MORE INFO YOU CAN ADD ME IN MY FACEBOOK ACCOUNT
@SKIESCLOUD WPTHANK YOUUUU!!🦋💚
SA SUSUNOD ULIT!🦋
BINABASA MO ANG
Kill Me With Your Love BXB (Brother S1) Completed
RomanceHanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of the traitor of someone. At sa kagustuhan na makapag higanti ay ginantihan niya ang taong inosente...