EVIE JAVENZON POINT OF VIEW.
"Common baby!"
"Mom! Wait!"
Mukha sila ng isang magandang pamilya na tila ba hindi magigiba ng kahit na anong unos.
Tumawa ang isang ginang na maganda. Hindi halata dito ang hirap at pagod habang hinahabol ang batang lalaking tuwang tuwa.
"Baby! C'mon! It's time to undress your custom!"
"No! Mommy! I want to wear it until I sleep!"
Habang naghahabulan ang dalawang mag-ina ay may isang lalaking lumabas. Bakas dito ang saya habang may dala na mga pagkain.
"Daddy!"
Masayang sinalubong ng batang lalaki ang matipunong ama nito.
"Son, the party is end but you still wear that?"
"Dad, I looked like superhero here!"
"Fine."
Naiba ang scenario. May isang lalaki ang pinapasok sa malaking bahay na may dalang isang malaki na bagay.
"Mister Fred. Kinagagalak kong makilala ka."
"Isang malaking karangalan ang pagpunta mo dito. Mister Sanchez."
Nagkamay ang dalawa hanggang sa lumabas ang isang dalawang mag-ina na nakabihis. Isang dress na kulay puti ang suot ng magandang ginang habang ang batang lalaki naman ay nakasuot ng tuxedo na itim ganun nadin ang pangibaba nito.
"Daddy, I'm ready!"
Masayang bumaling ang magandang lalaki na naka itim na tuxedo rin.
"Come here Son,"
Agad na lumapit ang batang lalaki sa Ama nito.
"This is my only Son, Zircon..."
Lumipat na naman ang pangyayari.
Kita ng aking mga mata kung paani umiyak ang batang lalaki sa harapan ng nag-durugong katawan ng Ama nito.
"Daddy, wake up, we need to hide."
Iyak ng iyak ang batang lalaki habang ang mga kamay nito ay ginigising ang Ama na tila natutulog sa madugong sahig.
Patay na ang lalaking iyon.
Mabilis na nagtago ang batang lalaki sa isang masikip na sulok ng isang aparador.
May mga taong nakaitim na pumasok sa kuwartong iyon. Tila may hinahanap.
"Merong anak na batang lalaki iyan! Hanapin n'yo!"Malakas na sigaw nung lalaking may kulay abong mga mata.
Hindi nagtagal ang lalaking iyon sa kuwarto kung saan nandodoon ang bata.
BINABASA MO ANG
Kill Me With Your Love BXB (Brother S1) Completed
RomanceHanxo Felix Joaquin. [BxB] He is one of the founder of Ardahas Fraternity. His father build that Fraternity. But suddenly his sister died because of the traitor of someone. At sa kagustuhan na makapag higanti ay ginantihan niya ang taong inosente...