TRP: 43 (I'm Here)

599 22 0
                                    

LECKZY'S POV

7 years ago...

"Hello, Izzy. Sure ba kayo na sasama kayo kay Clark na sunduin ako sa airport. Alam ko na busy kayo sa trabaho nyo, kaya okay lang na hindi na kayo sumama." Sabi ko.

"Sasama kami. Ako ang Boss kaya wala silang magagawa tapos yung dalawa naman ay matitigas ang ulo nun, walang Boss, Boss dun sa dalawa." Izzy said.

"Diba si Ivan, sya na yung nagpapalakad ng kompanya nila?" Tanong ko.

"Hindi pa, kapag kinasal na daw yung dalawa tsaka na ibibigay kay Ivan yung kompanya nila, sabi ng Daddy nya." Izzy said. Napatango-tango ako.

"Bakit kasi hindi pa nagpapakasal ang dalawang yun? Naunahan pa sila nila Hazel at Kuya Kian." Sabi ko.

"Ayaw pa ni Chelsey, gusto nya na sila daw ang huling magpapakasal. Kayo daw muna ni Clark bago sila." Sabi nito. I chuckled.

"Matagal pa kami ni Clark." Natatawang sabi ko. Narinig ko naman ang mahina nyang tawa sa kabilang linya.

"Na-miss ko kayo... kayong lahat!" Sabi ko bago mahinang tumawa. Natahimik sya sa kabilang linya. Akala ko nga e pinatayan na nya ako.

"Sobra ka rin naming na-miss, Leckzy! Akala ko nga hindi ka na babalik. Pero nasabi ni Clark na nangako ka daw sa kanya na babalik ka kaya nawala ang kaba na nararamdaman ko. Nung umalis ka, hindi tayo okay. Nagtatampo lang ako sa'yo nung mga araw na yun kaya hindi binasa yung text mo. Nalaman ko lang na aalis ka nung sinabi nila Chelsey at Ivan." Sabi nya. Natawa ako.

"Ang laki ng pinagbago mo, Izzy. Hindi ka naman madaldal e. Anong nangyari?" Natatawang sabi ko. Tumawa sya ng mahina.

"Nahawa ako dun sa tatlo. Ilang years ba naman na kami kami ang magkakasama, tignan ko lang kung hindi mo ma-adopt ang ugali ng tatlong yun." Natatawang sabi nya. Tumawa din ako.

"Sige, Izzy. Mamaya na lang tayo mag-chikahan. Liligo lang muna ako." Sabi ko.

"Sige sige. Take care, Leckzy. See you later." Sabi nya. Tumawa ako ng mahina bago pinatay ang tawag.

Kinuha ko ang susuotin ko bago pumasok sa bathroom. Nagbabad lang ako ng ilang minuto sa bathtub bago napag-isipan na magbihis na. Pagkatapos kong mag-bihis ay lumabas na ako ng aking kwarto. Nakasalubong ko si Luna. Anak ni Ate Danny.

"Hi, Baby Girl." Bati ko sa kanya. She smiled at me.

"Hello po, Tita! Did you see my Mommy?" She said. I shook my head.

"Hindi. I did not see her." I said. She smiled and nodded.

"Hahanapin ko na lang po sya sa kanyang room. Maybe she's there." Sabi nya bago tumakbo papunta sa kwarto ni Ate. Si Ate talaga, lagi na lang iniiwan si Luna. Tsk!

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina kung saan nag-luluto si Mommy ng tanghalian na ulam.

"Hi, Mommy. Ang bango-bango po ng niluluto nyo. Bigla tuloy akong ginutom." Sabi ko at kukuha na sana ng Isang pritong chicken pero bigla nyang pinukpok ng sandok ang kamay ko.

"Mamaya na!" Sabi ni Mommy bago mahinang pinitik ang aking noo. Sinimangutan ko sya bago pumunta sa sala kung nasaan si Daddy.

"Daddy!" Tawag ko sa kanya. Nagtataka naman syang tumingin sa akin.

"Hindi ka po ba talaga sasama?" I asked him. Umiling-iling sya.

"Baka next pa kaming pumunta sa Pilipinas, Anak. May importante pa akong meeting bukas at sa sunod na araw." Sabi ni Daddy. Tumango-tango ako.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon