AlMie AU: "A New Beginning"

459 15 14
                                    

☞Alistair X Jamie AU ¦¦ Requested by themonthofrosary
✎Genre: Psychological, OOC, Slight Fluff
✎ TagLish || 3600+ words || Full Version
✎TW: Blood?
WARNING: Major spoiler of ProjectLoki V3 / PL Forward, I recommend you to read PLV3/PLF first before reading this to avoid spoiler.
➜Happy 4K Reads, ily guys ✧\(>o<)ノ✧
Nevaeh's Note: Hi, your Ate Nevs is back. Did you missed me? choz. Anyway, please take note of the following:
1) Almost all of the following AUs came from your requests.
2) Some AUs are much longer than my past AUs
3) AUs will be posted every other day
4) Some AUs was already written before
5) First time writing again, so bare with me. Enjoy reading~

゚。・*.゚☆゚.*・。゚

Jamie

"Lo-lorelei Rios.. Lori" turo ko sa babaeng nasa litrato na hawak ko, mahaba ang kulay brown na buhok at may bangs.

"Al.. Alistair Ravenda? Ravensa? Ah! Ravena. Alistair Ravena" turo ko naman sa lalaking katabi ni Lorelei, matangkad at mestisong lalaki. Gwapo rin siya at may maamong mukha.

Huli kong itinuro ang lalaking katabi ko sa litrato, "Hmm.. Lo? Loki Mendez? Oo nga, Loki Mendez" lalaking may magulong buhok, nakatingin siya sa ibang direksiyon at parang napilitan lang na mag-pa-picture kasama namin.

Ibinigay sa 'kin ni Lori ang litratong ito kahapon, kahapon? kahapon nga ba? Nakalimutan ko kung kailan iyon, basta ay ibinigay niya sa akin para matandaan ko daw silang mabuti lalo na ang mga pangalan nila.

Ilang buwan na rin simula nang ma-discharged ako galing sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Na-kwento nila sa akin kung paano ako naaksidente pero nakalimutan ko na naman.

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan. Tumingala ako at tumingin sa kalangitan. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay, nakatambay sa lilim ng puno. Hindi ko alam kung anong oras na pero mukhang pahapon na.

Mas pinipili kong dito mag-stay sa labas kaysa sa loob ng bahay, feeling ko kasi ay hindi ako makahinga at parang napapraning ako. Nawawala lang iyon kapag may kasama ako lalo na si Tita Dolores.

Itinaas ko ang litrato na hawak at tinitigan ang mga taong nandoon. Sana ay maalala ko na ang nakaraan ko, ang hirap nang ganito. Parang walang meaning ang buhay ko at lagi akong clueless sa mga bagay-bagay. Mabilis din akong makalimot, kahit kanina ko lang ginawa ay nakakalimutan ko agad.

"Jaime! May bisita ka"

Napalingon ako sa direksyon ng gate at nakitang naglalakad palapit sa akin si Tita Dolores kasama ang isang gwapo at matangkad na lalaki. Nakangiti ito sa akin at bahagyang ikinaway ang kamay. Napangiti rin ako at kumaway pabalik.

"Hi" bati niya pagkalapit, "Hello" masiglang bati ko.

"O siya, maiwan ko muna kayo. Gagawa lang ako ng meryenda ninyo." sabi ni Tita Dolores. "Ah, Tita pwede po bang pakisabay na po ito, dinala ko po yan para sa inyo ni Jamie." sabi ng lalaki at inabot ang paper bag kay Tita.

"Naku! Nag-abala ka pa pero salamat iho, sige, ako ay aalis muna sandali, mag-usap muna kayo." ngumiti ako kay Tita saka sinundan siya ng tingin hanggang mawala sa paningin ko.

"How are you?" biglang tanong ng lalaki sa akin, ano nga ulit ang pangalan niya? Tumingin ako sa litrato, nagbabakasakaling maaalala ko ang pangalan niya. Kanina lang ay kinakabisado ko pa iyon kaso ay nakalimutan ko na naman.

"I'm Alistair Ravena" napaangat ang tingin ko sa kaniya, nakaunat ang kamay niya sa harap ko na parang gusto niyang makipagkamay. Tinanggap ko naman iyon. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko saka bumitaw.

Project LOKI AUs (Compiled)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon