☞AU Requested by an anonymous sender
✎Genre: Super OOC, Normal College AU, Slight Fluff
✎TagLish || 5400+ words || Full Version
✎This'll be a lot more different, from personality, families and all.
➜Nevaeh's Note: Again, I'm just doing what the sender want to happen in this AU.゚。・*.゚☆゚.*・。゚
Description:
Lorelei and Augustus are siblings and their father is Inspector Morgan Morales, so basically, Lorelei and Augustus surname in this AU will become Morales
(Requested by the sender, see full request receipt at the end)▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Lorelei's POV
Agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. I found my Dad sitting in the living room, holding a newspaper and sipping his coffee.
"Hi, Dad" I greeted, I came close to him and kissed him on his cheek.
"Hi, how's school?" he asked after folding the newspaper.
"It's good," I replied, "By the way, can I go upstair? May gagawin pa po kasi ako" I excused.
He nodded at me, "Sure"
Tumalikod na ako para umakyat sa kwarto ko, pero bago pa ako makatapak sa hagdan ay narinig ko na agad ang tawag ni Kuya.
"Hoy Lori, mag-uusap tayo"
Mabilis akong umakyat para hindi niya ako maabutan, nakaabot agad ako sa kwarto ko at naisara iyon. Nakahinga agad ako nang maluwag. Ayaw ko pa naman kapag kinakausap ako ni Kuya Gus, ang tagal manermon, hindi nauubusan ng sasabihin.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto kaya agad akong humarang para isara.
"Hoy, papasukin mo ako Lori"
"Ayoko, umalis ka na Kuya matutulog ako" mas nilakasan ko ang pagtulak sa pinto para masara iyon kaso ay ang lakas ni Kuya.
"We need to talk Lori, may kasalanan ka sa 'kin. Gusto mo bang tawagin ko si Dad para siya ang kumausap sa 'yo?"
Naramdaman ko ang pagdulas ng paa ko, natutulak niya nang malakas ang pinto kaya nadadamay ako.
"For sure, Dad will listen to me than you. I'm his favourite daughter"
"And now you're pulling that favourite card, mamili ka grounded ka for 2 weeks o kakausapin mo ako?"
Agad akong lumayo sa pinto kaya biglang bumukas iyon at napasalampak si Kuya sa sahig dahil kanina pa niya tinutulak iyon.
Tumingin siya nang masama sa akin, "Bakit mo naman binuksan agad?"
Hindi ako umimik at tumalikod na lang saka umupo sa kama. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Kuya, may gagawin pa ako"
"Tsk" tumayo siya saka pinagpag ang damit. He pulled my swivel chair near my study table and moved it in front of me then sat at it.
I looked away and crossed my arms together.
"Anong meron sa inyo ng kapatid ni Lucian? Sino nga iyon? Yung may kapangalan sa Greek Mythology?" tanong niya.
"It's Loki" I boredly replied.
"Oo tama iyon, anong meron sa inyo no'ng Loki na 'yon?"
Bored akong tumingin sa kaniya, "We're just friends"
Napaaray ako nang bigla niya akong pitikin sa noo, "Ano ba Kuya!" agad kong hinimas ang noo.
"Anong friends lang? May friends bang magka-holding hands tapos opposite sex pa kayo"
BINABASA MO ANG
Project LOKI AUs (Compiled)
FanfictionAre you a romance deprived? Too much mystery and headache after reading ProjectLoki? Do you want light stories and kilig? You found the right one for you. Here's my compilation of different short AUs based from the characters or the book itself Proj...