2

9.9K 192 16
                                    

Before going to Starbucks para sa interview ni Kate sa akin, tumambay muna ako sa office ko. As usual, todo na naman ang ac kaya kahit puro kape ang pinagagawa ko kay Marites,hinahabol pa rin ako ng antok. Hassle naman!

" Marites, can you please make this f*cking aircon warmer?! Nakakaantok na!", sabi ko habang nagbabasa ng mga figures na ginawa ng staff ko.

Agad namang pumasok sa room si Marites at tinaasan ang temperature ng aircon. nag- thank you na lang ako habang nakatingin pa rin sa folder. Hindi ko nga alam kung paano nahahandle ni Marites na maging secretary ko. Believe it or not, siya ang pinakamatagal at pinaka-hindi natablan ng charm ko sa lahat ng naging secretary ko. She's three years younger than me kaya siguro hindi siya palakibo at laging sumusunod sa akin. Bukod pa dun, I only see her as a younger sister. Tipong kapag wala na office,pwede siyang tumambay sa bahay at sumama sa mga family gatherings.

Isa kasi si Marites sa mga pinag-aral ni Dad noong college siya. Anak siya ng isa sa mga kasambahay namin, and Dad,being the generous and kind man that he is, pinag-aral niya ang mga anak ng mga kasambahay niyang hindi talaga kaya na tustusan ang college.

She's lucky, I may say. Hindi lang sa kung saan-saang university siya pinag-aral. Nakatapos lang naman ang secretary ko sa UP Diliman. Halos lahat ng staff dito sa Battens Corporation ay mula sa mga mamahalin at kilalang unibersidad sa bansa. We are the best company so it is only right to take the best people with us.

Ilang oras pa lang ang lumilipas at pinagpapawisan naman ako. I hate this! Pinaka-ayaw ko pa naman yung nababasa ng pawis ang suit ko kaya agad kong pinindot ang intercom at kinausap na naman ang secretary ko.

" Marites! Please lower the temperature! Napakainit! Pinagpapawisan ako!"

" Right away , Sir." Wala pang isang minuto nang dumating siya at pinalamig ang room. Ngumiti lamang ito pero naiwang nakabukas ng kaunti ang pinto kaya narinig kong nagkekwentuhan yung finance department(malapit sa office ko)..


" Mainit ulo ni Sir?"

" Uy hindi ha. Naiinitan lang kaya parang galit ang boses.", narinig kong sabi ni Marites

" Sus. Kulang lang yun sa pahinga.."

" At lovelife! Hah! Bakit ba kasi wala pang girlfriend si Sir Troy eh ang gwapo gwapo naman!"

" Baka hindi pa ready.."

" Baka bading! Hahahaha!"

" Shhhhh! Marinig kayo ni Sir! Mahiya nga kayo!", saway ni Marites sa mga katrabaho niya. " Malay niyo, dumating si Miss Right sa di inaasahang pagkakataon"

" Ayan ka na naman Tes! Nako! Kakabasa mo yan ng mga pocketbooks! Hindi na uso ang love at first sight at love chuvaness ateng! Ang Miss Right ni Sir Troy ay .... AKO! Hahahaha!", banat naman ni Ferdi, yung baklang assistant ni Marites. " Waitsung lang kayo at ako talaga ang popormahan ni...Aray kooo!!!" Hinatak naman ni Marites ang buhok ng bakla at impit na napasigaw ito sa sakit.

When they felt that I was listening to them, agad silang napatingin sa nakaaasng na pinto at agad na tumahimik ulit ang department. inikot ko yung swivel chair pakanan at kaliwa dahil sa sobrang pagkabored. I pressed the intercom and connected straightly to Dad.

" Kakain ka ba ng dinner dito?"

" I don't know yet, son. Why?"

" Nothing. Sige."

" Wag mo na akong sabayan. You should live your life to the fullest, Troy. Hindi pwedeng condo-work ang buhay mo palagi. Throw a party, meet up with your friends, mag.."

" Dad, okay lang ako. And besides, me and my friends are busy. Nakakatamad din makipag-party. I'm a grown man now, hindi na bagay para sa isang 25 years old ang makipag-party,"

" Sino naman nagsabi sayo niyan Troy Luis Herrara? Ako nga nagpupuntsa pa sa Manila Pen para makipag-inuman sa mga tito mo. All you need is to relax, let the events flow. Wag kang magpapatangay, nasestress ka kasi eh."

" Not now, Dad. I love you,"


I pressed the intercom and looked at the figures again. Nasa folder ang mga mata ko pero wala ng information na pumapasok sa utak ko. Tama nga si Dad, darating ang time na maiistress ka rin. Pero I was born for this.

Hindi ko pwedeng ipagpalit ito para sa panandaliang kasiyahan ko. No way. Battens Corporation is an empire, hindi ko ito basta-basta bibitawan para lang mag-enjoy.

Hindi pa naglilimang minuto, nakaramdam ako ng matinding pagod. One week din kasi akong nagpupuyat para sa deal namin sa Toyota.


I tried to stop my eyes from closing pero huli na ang lahat. Nagdilim na ang paningin ko at bumagsak ang ballpen na hawak ko.

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon