Roxanne's
Kapag tinamaan ka nga naman ni Kupido! Malala na ito beh. Ilang araw na akong nasespaced out habang nakatingin sa photo namin ni Troy. Ilang araw na syang di nakakabalik sa bahay, hinahanap na nga siya ni Mama tinatanong kung bakit di napapadaan si Troy. Sinasabi ko lang na may mga urgent meetings at hindi ko matancha ang schedule niya.
Tumingin ako sa kalendaryo. Malapit na birthday niya. One week from now and here I am, waiting for his text. Minsan lang kasi yun magtext, napakatipid pa.
To: Troy My Loves
Busy ka ba? Urgent meeting?After 30 minutes wala pa ring reply.
Wala na ito. Wala ka talagang pag-asa sa reply nya, Roxanne. Tanggapin mo na yan. Tanggapin mo na busy sya sa work at malabong maisip ka muna nya sa ngayon. Mas busy pa yun sa pinaka-boss eh, teka.. Siya nga ang boss di ba? Hahahahaha! Baliw ka na!
*toot toot*
From : Troy My Loves
Hectic sched babe. Sorry. Laters.Babe.
Magagalit na sana ako pero wag na nga lang, tinawag akong babe eh! Napangiti ako habang paulit-ulit na binabasa ang text message niya. Binaba ko ang phone ko sa kama at nag-ayos ng buhok nang may kumatok sa pinto,
" Nak, pwedeng pumasok?"
" Sige po Ma.", pinagbuksan ko si Mama. Mukha siyang nag-aalala pero parang pinipilit niyang maging kalmado. Anong meron? " Ma, bakit namumutla ka po? May kakaiba yata sayo."
" Kasi anak. Haaay! Wala lang. ", my Mom brushed my hair using her fingers while looking at me seriously. " Kasi, wag kang mabigla ha?"
" Ano po yun?"
Huminga ng malalim si Mama at parang may excitement sa tono ng pananalita niya,
" Anak, you are getting married soon."
Aysus. Getting married lang naman pala. Maliit na ba------ WHAT?! I AM GETTING MARRIED? ANO DAW?!
" What?! Mama! Ano po? Magpapakasal ako? Kanino?!"
" Hindi ko alam eh."
" Hindi mo alam? Paano po nangyari yun?"
" Kaso ganito yun.."
" Ma, teka, I need a drink." Tumakbo ako papunta sa kusina at kumuha ng bote ng orange juice. " Ok. Kwento po.."
" Nang mamatay kasi ang Papa mo, may death wish siya sa akin. Ang gusto niya ay kapag umabot ka sa tamang edad na 21, ipapakilala kita sa anak ng kumpare niya." Seryoso ba talaga si Mama sa sinasabi nya? Baka naman kakapanood ito ng Koreanovela?!
"... Ang kamalian ko lang, hindi kita naipakilala sa anak ng kumpare niya kasi agad tayong lumipat noon ng tirahan. Napalayo tayo at wala na akong connection galing sa kanila. Hindi ko din alam kung ano na itsura ng anak ng kumpare niya. Sorry anak kung ngayon ko lang nasabi ito sayo. Alam kong magugulat ka.." More like mahihimatay, Ma. Ako magpapakasal?! Ang bata ko pa. 25 lang ako! Gusto ko pa magtravel around the Philippines! Madami pa akong pangarap! Mag-eexhibit pa ako sa Manila!
Hinawakan ni Mama ng mahigpit ang kamay ko, " Alam kong hindi ka mapapahamak. Utang na loob na rin ito sa pamilya ng kumpare ng Papa mo. Lubos niya tayong natulungan noong na-bankrupt ang negosyo ng Papa mo, siya na mismo ang nagbayad ng lahat ng utang natin. Kung ayos lang sayo anak, sana pumayag ka."
" Nandito po ba ang kumpare niya? Paano niyo siya natagpuan?"
" Nagkita kami sa may Rockwell last week. Nakilala pa niya ako. Nagkamustahan kami over lunch tapos pinaalala niya sa akin yung deal nila ng Papa mo. Payag pa din siya, anak." So kailangan talaga pumayag din ako? Paano na ako nito? I am stuck between my dreams and my Papa's death wish. Baka hindi matahimik kaluluwa ng tatay ko. Bahala na. I'll take the risk!
Pero..
" Paano na si Troy? Ma! Paano na ang boyfriend ko? Hindi naman po pwedeng iwanan ko na lang sya sa ere! Hindi ko kaya ng wala siya. Siya lang po nagpasaya sa akin ng ganito. I cannot leave him like this, I just ca---"
" You need to. Isipin mo na lang Papa mo, Roxanne. Huling habilin na niya ito. Pagbigyan mo na, wala namang mawawala kung itatry mo. Ipapakilala lang naman kita. "
" Ipapakilala tapos ikakasal? Ma! I don't even know the guy! Magagalit si Troy nito sa akin!", hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi ito pwedeng mangyari. Nasa meeting lang ang boyfriend ko kanina tapos ngayon malalaman kong magpapakasal ako sa iba? Anak ng tinapa!!!
" Please, Roxanne."
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. " Fine! Sige po. Para po sa inyo ni Papa." Bahala na. Kikilalanin ko lang naman, si Troy pa rin ang mamahalin ko.
Si Troy lang ang mahal at mamahalin ko. Hindi na yun magbabago.
1:30pm. Ciudad de Javier.
Black cocktail dress and black heels. All black ang drama ko since advance na akong magluluksa para sa future ko at ng lovelife ko. Patay talaga ako nito kay Troy kapag nalaman niya ito.Iginala ko ang aking mga mata sa matataas na puno na nakapaligid sa mansyon. Malamang bigtime, sila nga nagbayad ng sandamakmak na utang ni Papa eh! Agad kaming sinalubong ng lalaking naka-polo at pantalon. Pormang mayaman, naka-Lacoste all over. Amoy mayaman din noong niyakap niya ako nang ipakilala ako ni Mama.
" Have a seat. Sorry iha, medyo malelate ang anak ko ngayon. May urgent meeting ang company nya eh. Mga 30 minutes, he will be here." Aba! Parang si Troy pala ito, laging nabibiktima ng urgent meeting!
2:05 na pero wala pa rin ang magaling nyang anak. Ano ba yan!
I checked my phone and looked at my notes.
2:30pm-- meeting with Ms. Protasio ( Hype Advertising )
" I think I need to go, Sir Javier. May meeting pa po akong aattendan this 2:30. Pasensya na po at kailangan ko pang byumahe." Tumayo ako at nilagay sa balikat ko ang sling bag. Pinipigilan na ako ni Mama pero desidido na ako umalis tutal wala naman akong mapapala kakahintay sa lalaking yun.
Palabas na sana ako ng pintuan nang bigla akong napaurong. Hindi ko nga alam kung mapapakapit ako sa sling bag ko or mahihimatay ako.
Siya ang pakakasalan ko?
Weh? Di nga?!
BINABASA MO ANG
The Manila Charmers : TROY
Художественная прозаGood looks,charming personality and money..... A LOT OF MONEY. This is why these five lucky gentlemen are among the so-called elite group THE MANILA CHARMERS. But behind the flashes of cameras and magazine interviews, are they still portraying the '...