21

4.6K 98 1
                                    

Roxanne's

I cannot even breathe! Hindi ako makapag-isip ng maigi sa nangyayari sa akin ngayon. Why did I said ok with this date? Paano kung masama pala talaga si Troy? Paano kung yung nakita ko na kaharap nya si Mama ay pagbabalat-kayo lang?

Erase! Erase! Ang sama naman ng iniisip ko kay Troy. Duh.. Troy Luis Herrera yun, Roxanne. Hinding hindi ka nun maloloko. Never syang gagawa mg masama sayo and yes, ikaw yung babaeng malayo sa standards nya.

Eh bakit ka nya ide-date ngayon kung wala ka sa standards nya? Part of my brain said. Oo nga noh, sino ba naman ako di ba? Pero wag ka na nga choosy, Roxanne Marie Salvador! Chill ka lang. Friendly date lang ito ok?

Tiningnan ko ang buong aparador. Naks, nilinis pala ni Mama kaya naman pala parang sa department store ang ayusan. Maaga pa naman, makapag-try muna ng mga disenteng pangdate!

Blouse and pants? Ay parang magsisimba lang!

Shorts and polo? Ano ito? Mayamang heredera lang ang peg?

Dress? Ay? Party lang sa mga club? Bagay sana sa heels pero di ko keri!

I know! White sando, cardigan and printed skirt with converse! Ayan pwede na yan! Casual naman ito eh, presentable sa mga mata ng isang CEO.

Push!!

-----------------------------------

4:45pm. Ayos! Konting lakad na lang makakaabot na ako sa date. Sbarro, right? Good. Isang escalator na lang.

Hinawakan ko ng mahigpit ang sling bag ko at huminga ng malalim habang papalapit na sa Sbarro.

Friendly date lang to, Roxanne! Bakit ka ba kinakabahan? Fet yourself together, kiddo!!

Nang nasa Sbarro na ako, agad kong hinanap ang kinauupuan ni crush. And wow! Ang gwapo nya na pala kahit naka-shirt lang! Infairness ha, fitted pa! Pak na pak ang hot body nya! Diyos ko po, Lord. Pigilan Niyo po ako na i-take home ang hottie CEO na ito! Pleaaase!!

Pumunta ako sa likod niya, trying to surprise him pero nilingon na nya ang likod nya. " Yes, Marites. Please cancel that as soon as possible. Masyadong hassle sa schedule ko ngayon. Thankyou.", he smiled at me and cancelled the call. " Hi."

" Napaaga ka yata. 5pm pa lang ah!"

" Umalis lang ako sa office ng maaga. Oh help yourself." , binigyan nya ako ng platito , tinidor at kutsilyo para sa New York style pizza. " How was your day?"

" Ok naman. Ikaw ba? Buti hindi naka-dyahe sa mga meetings mo ang date na to.", sabi ko.

" I cancelled them all. " Wow! HE CANCELLED IT FOR ME?! Waaaaaaaw! Weh? Omg!

" Naks naman! Oh bakit nga ba tayo nagkita ngayon? I mean, this must be so important para icancel mo ang mga meetings mo ha." Tinignan ko siya habang ngumunguya. Bahala na kung mukha akong patay gutom. Kakagutom byumahe beh! Trapik pa naman!

Hinawakan nya ang kamay ko at huminga ng malalim.

HINAWAKAN NYA KAMAY KO TAKE NOTE!!


" Roxanne, I know this is too early. I know we've just met like last last week or so but I want you to know that..."

That?

Hinawakan nya lalo ng mahigpit ang kamay ko.


" That... I...."

KRING!! KRINGGG!!

Napabitaw si Troy sa kamay ko at agad na inexcuse ang sarili niya sa table. He left Sbarro a bit and talked to someone important yata.

Hay nako! Pabitin!!



Nang makabalik siya, natapos ko na rin ang pizza ko. Sakit sa tyan ha! Busoglusog na ako! " Nako, sorry Troy. Naubos ko na ang pizza ko, hindi man lang kita nahintay. Haha!"

" Ok lang. Sorry, our client just called. May pinabibigay lang na figures."

" Sus. Ok lang! Alam ko naman na busy ka talaga. O, kain ka na muna. Wag ka ma-stress masyado. Ikain mo yan" I put some pizza on his plate.

Nang matapos kami sa Sbarro. We went to the cinema and watched Finding Dory. Bakit ba? Kaka-forever young ang movie na ito!

Mga 9pm na kami nakalabas sa Trinoma. Natrapik pa kasi naman may banggaan na nangyari.

Nung nakapasok na kami sa subdivision, parang binagalan nya ang pagdadrive. Hala! Anong gagawin nito at binabagalan pa? Iniiba pa nya mga streets na dinadaan namin!

Tinitingnan ko siya ng pasecret lang. Mamaya mamanyakin pala ako neto!

" Rox.."

" Yeah?"

" About kanina.. I just want you to know that.."

" That?"

" This is too early, Rox. I haven't felt this way before, believe me. From the moment I saw you, I felt something good about you and about myself. Parang kapag kasama kita, ang sarap sa feeling. Corny,right? But yeah, what I want to say is... Damn. Roxanne, can you give me a chance to be yours?"

" To be.. What?"

" To be yours."


" Ibaba mo na ako. Nalagpasan mo na bahay namin." Inurong niya ang kotse at agad akong lumabas.

Bumaba siya sa kotse at hinabol ako. " Roxanne, I didn't mean to.."

*Blaaaaaaaahhhhhh*

" Sh*t."

Oops!

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon