There is no f*cking way na bumalik na siya sa Pilipinas. Hindi pwedeng mangyari ito.
He's back.
My older brother's back.
Ang lalaking dapat ipakasal kay Roxanne ay nagbalik na.
" I thought you'll be in Rome for good?", I asked him while drinking a glass of scotch. Agad akong umuwi sa bahay para makausap si kuya. He was in a good mood all day long. Halatang namiss niya ang Pilipinas.
" Hahaha! Boring ang Rome. I moved to Paris and then it was so cold there so I moved to Greece, sa Santorini. Mas maganda ang nightlife, work at ang view. Magugustuhan ni... Sino ba yun?"
" Roxanne."
" Yeah, Roxanne! She'll love it there." , sabi niya habang nakatingin sa akin. Napakalakas naman ng loob ni kuya na makangiti at makipag-usap sa akim after all that he did before. Paano niya nakakayanan na harapin kami after he left and ventured Rome for his dream job as an architect. Pinag-aral pa naman siya ng Pre-Law course nina Dad pero binagsak niya yun at nagshift sa Architecture. Dad was near to being broke after that. Sino ba namang di mahihirapan kung pinagsabay ang tuition para sa dalawang kurso at business di ba?
Muntik na akong hindi makapag-college dahil sa kaartehan niya.
" I thought live in na kayo ni Helga?", I asked him. Yeah, Helga. Helga is his long time girlfriend na through thick and thin dumamay sa akin. Bilib din ako sa babaeng yun, daming nag-attempt na ligawan siya, basted lahat. Natamaan sa kamandag ni kuya eh.
" Let's not talk about her. 6 months na kaming break. I thought her I was already engaged to another girl. She understood it naman."
" Pero mahal na mahal ka nun di ba? How could she agree with that set-up?!"Napatigil siya nang mahalata niya ang pagtaas ng boses ko.
" Hold on. What's going on, Troy? Bakit parang nainlove ka na sa babaeng papakasalan ko?", he smirked at me. Napailing siya. " Alam mo namang para sa akin si Roxanne from the very start, bro. Nawala lang ako, ikaw na papapakasalan?"
Nilapag ko ang baso sa may coffee table at tumayo. Lumapit ako sa kanya at hinatak ang collar ng polo niya. " She's mine."
" Don't mess with me, bro. Hindi mo magugustuhan kapag tinotoo ko na papatayin kita." He told me na papatayin niya ako noon kapag inagaw ko ang babaeng nasa kanya. He gets what he wants.
Besides, he's Trevor Joel Herrera, ang LEGAL OWNER ng lahat ng establishments ng Herrera clan. Sino ba naman ako para makipag-kompitensya sa taong mas deserve ang lahat ng nasa akin ngayon?
" O baka naman nakakalimutan mong pinahiram lang sayo ni Dad ang lahat ng meron ka na dapat na sa akin? Troy, remind ko lang sa'yo ha? Ako ang legal na anak ni Dad. Who are you? Well, let me remind you na anak ka sa labas. Hindi ibig sabihin na lahat ng meron kami ay mapapasayo din. Calm your ego. Masyado ka yatang confident, bro." His voice dominated the bar.
I loosened my grip on his collar and looked at him. " I will never give her up even if you plan to kill me."
He smiled at me and looked on his glass, " Sabi mo yan ha. Sure, bro. I suggest na magpaalam ka na sa kanya as soon as possible before she knows the truth."
BINABASA MO ANG
The Manila Charmers : TROY
Ficțiune generalăGood looks,charming personality and money..... A LOT OF MONEY. This is why these five lucky gentlemen are among the so-called elite group THE MANILA CHARMERS. But behind the flashes of cameras and magazine interviews, are they still portraying the '...