Pagbaba ko sa may Reception area ng Shangri- La, nakita ko kaagad si Charmaine na naka- shorts and sando. Malayo sa iniisip ko na suot nyang pencil skirt and long sleeve na may suit.
Summer na summer.
And look at me, on my khaki shorts,Sperry and Polo v-neck shirt.
" Are you ready for your adventure, Sir Troy?", she asked with excitement in her eyes.
Agad kong sinuot ang Rayban ko ngumiti sabay labas sa hotel. Agad naman niya akong sinabayan sa paglalakad at pinapasok ako sa hotel shuttle papunta sa malapit na shore na pinagpaparadahan ng yacht ko.
Yes. My yacht. Sa bawat island na pinupuntahan ko, basta malayo sa Manila, lagi kong pinapadala kay Dad ang yate ko. It's been a while since I last rode in this beauty.
Pagparada ng shuttle, agad akong bumaba at huminga ng malalim. Nilanghap din ni Charmaine ang hangin at nilabas ang maliit na papel na kanina pa niya hawak.
" You will be heading to the Zorb and Zipline area, Sir. It will be fun. Madami pong turista ang pumupunta sa area na yun para maexperienxe and thrill ng mga rides nila. I know you will enjoy this."
Yeah right. I will definitely enjoy this kung wala akong phobia sa heights!
Huminga ako ng malalim at nagtanong," Are you sure those rides are safe? May nabalita na bang may namatay doon?"
She looked surprised and laughed," Ay grabe ka naman po, Sir! Wala pa naman pong namanatay sa Zorb and Zipline. And yes, these rides are one hundred percent safe!"
I nodded and went straight to my yacht. Pumasok ako sa loob nito at uminom .She followed me nut sat on the other side of the yacht sa bandang labas.
" Bakit nasa labas ka?", I said while drinking some coffee.
" Enjoy lang po talaga dito sa labas. Nagsasawa na po akong nakakalanghap ng hindi fresh air sa hotel."
" Ok." , tumingin ako sa bintana ng yate at sinalubong ang init at sinag ng araw. Wow! When was the last time na naarawan ako? I don't remember.
I'm not a outside person. Enjoy ako sa mga indoor games,remember? Kahit nung bata ako ayaw kong naiinitan at nasisinagan masyado.
After 30 minutes ng pagbabyahe, tumigil na ang yacht sa tapat ng shore. May mga taong napapatingin sa akin at yung iba naman wala lang pakialam. Lumabas ako sa yate at bumaba dito. Nang matapakan ko na ang iilang bato at shells sa shore, nakumbinsi na talaga ako na nasa beach ako. Totoo ang mga nangyayari.
" See that, Mr. Herrera? Ganyan lang naman po ang gagawin mo. You will just choose if you want the superman pose or just the sitting position kapag magzi-Zipline po kayo."
Napalunok ako.
" Are you really sure na.... Safe yan?", I asked when we were standing in the line.
" Yes po , Sir. Bakit po? Do you have any phobia on heights?"
" W-wala ha! No way!" I said.
Nasa waiting line kami nang sabihin ng nagpapapirma ng waiver na by pair ang sasakay sa Zipline. Mas enjoy daw kasi sumigaw kapag may kasama ka. Tiningnan ko si Charmaine kaso mukhang may nahanap na siyang kakilala niya sa linya. So I stayed quiet and waited for my turn to sign.
Pagkatapos kong pumirma, tinanong ako nung lalaki," Sir, nasaan po ang partner nyo? "
" I don't have any. I'll just give you 2k PHP para ako na lang mag-isa. "
" Pero Sir..."
" Please? Para lang matapos ang..."
" I volunteer for the tribute!", Biglang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko sa kanya, she was raising her 3 fingers, like what Katniss Everdeen in Hunger Games did.
Napatingin kami nung lalaki sa babaeng nasa likod ko. Nakangiti siya at nagsalita pa," Ako na lang po sasama sa kanya, Kuya Eddie!" Tumingin siya sa akin at ngumiti," Okay lang ba sayo Mister?"
I'm not really into agreeing about stuff,lalo na kapag galing sa mga strangers. But I don't know, I just nodded and let her stand beside me.
![](https://img.wattpad.com/cover/37906851-288-k594139.jpg)
BINABASA MO ANG
The Manila Charmers : TROY
General FictionGood looks,charming personality and money..... A LOT OF MONEY. This is why these five lucky gentlemen are among the so-called elite group THE MANILA CHARMERS. But behind the flashes of cameras and magazine interviews, are they still portraying the '...