Roxanne's
" Ma, friend ko lang po siya!"
Ooops! Waaaaahhh!
Ano ba itong pinagsasabi ko! Waaah! Kakikilala nga lang namin tapos.. Tapos hinatid na nya ako sa bahay. Pinakilala ko pa sya kayna Mama at!!!
Ahh! Nakakaloka! Hindi ko na alam ang iisipin ko! I think I'm in euphoria. Sobrang heavenly ng feeling! Kasama ko si crush! NASA BAHAY NAMIN SI CRUSH, katabi ko at amoy na amoy ko!
I looked at him and he looked rather startled than calm. Nakakabigla naman kasi itong pinagsasabi ng nanay ko eh!
Nanlaki ang mga mata ni Mama at nagmamadaling inexcuse ako kay Troy saka ako hinatak at isinandal sa wall ng kusina.
" Hindi mo boyfriend yung lalaking yun?!"
" Hindi po. Ano ba naman Ma! Hahaha!"
" Pero... Pero ang gwapo niya anak! Mas gwapo pa sya sa tatay mo noong kabataan namin! Nakoo! Baka naman binasted mo na?"
" Ma, marinig ka naman no Troy. Nakakahiya po sa kanya and Ma, we are impossible! "
" Anong pinagsasabi mo dyan? Maganda ka naman, gwapo siya tapos.."
" Anak po siya ng may-ari noon ng Battens Corporation, Ma. Yung tumulong kay Daddy noong.."
" What?! Siya na ba yung binatang nakita ko sa may hallway? Yung nakalaro mo ng jackenpoy? Di nga? Weh?"
" Opo!"
" Bakit naman parang di ka niya naaalala?"
Huminga ako ng malalim. " I...don't know."
FLASHBACK
Nakaupo ako sa may benches sa hallway habang hinihintay ang meeting ni Daddy at nung may-ari ng Battens Corp nang biglang may nakita akong lalaking nakasandal sa dulo. Niliitan ko pa ang mga mata ko para makita sya ng malinaw.
Ang pogi naman niya.
Mestiso. Medyo kulot. Tapos yung pilikmata? Hayy! Kakainlove! Parang sya yung Prince Charming sa mga fairytales na nababasa ko.
Lumapit siya sa akin at doon ko lang nakita na may nakasaksak na earphones sa tainga niya. Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin. I can see him looking at me kahit nakadiresto ang tingin ko sa dark gray walls ng opisina.
" Have we met?"
Bigla akong napalingon sa kanya at umiling. Englisero. Mayamang mayaman ang dating.
" I'm Troy Luis Herrera. Dad mo ba yun?", tumingin ako sa tinitingnan niya. Kay Daddy. I nodded at him.
" Kaya pala hindi na ako napasundo sa mga drivers namin. Anyways, are you bored?" I nodded again. " Jack n Poy tayo. Unang makalima may free kiss."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman na ako ang nakalima sa aming dalawa. It means,may kiss ako galing sa kanya.
Lumapit pa sya sakin ng kaunti at ngumiti. He leaned his head near my cheeks and was about to give me a kiss when the doors went open.
Tapos na ang meeting. Agad nagpaalam si Daddy sa isang mestisong lalaki na old version ni Troy. Lumingon ulit ako kay Troy kaso nakatalikod na sya at muling nakasiksik ang earphones sa kanyang tainga.
END OF FLASHBACK
" Ang gwapo na talaga niya.." sabi ng nanay ko habang sumisilip kay Troy na mukhang naiinip na. Nakaharap lang ito sa TV. Agad naman akong bumalik sa sala at hinarap siya.
Tumayo ito. " I think I need to go.. i have a meeting to attend.. Via Skype. I'm very sorry , Tita." Tumango naman si Mama at nagsabing mag-ingat daw siya. Hinatid ko sya palabas ng gate at sumandal dito.
" Pagpasensyahan mo na si Mama. Minsan lang kasi ako magdala ng lalaking kaibigan e."
" That's okay. Well, I think I'll see you soon." Lumapit ito sa kotse nya at binuksan ito. Umupo sya at binuksan ang makina ng kotse. He lowered down his mirror and called me,
" Rox.."
" Hmm?"
" I think I know who you are. Hindi ko lang maalala kung kailan o saan. I hope magtuluy-tuloy pa itong pagkikita natin." He smiled and drove away.
Naiwan akong nakatulala habang ngumingiti.
He remembered me.
A/N
Sorry for those who waited. I've been busy po lately. Pasensya na! :> Godbless!
BINABASA MO ANG
The Manila Charmers : TROY
General FictionGood looks,charming personality and money..... A LOT OF MONEY. This is why these five lucky gentlemen are among the so-called elite group THE MANILA CHARMERS. But behind the flashes of cameras and magazine interviews, are they still portraying the '...