Roxanne's
He was my first love.
He was and will be.Nakaharap ako sa salamin habang nakatingin sa akin ang make-up artist. Nakahawak siya sa balikat ko at sandaling inilagay ang ibang buhok ko sa magkabilang balikat ko.
" You're so beautiful, Miss Gonzales." , sabi niya habang abot-tainga ang ngiti. Nakatingin lang ako sa repleksyon naming lahat. Yung ibang bridesmaid nagkakagulo sa pagpapaganda. Yung flower girl naman namin na si Alyanna na pamangkin ko, nakaupo lang sa malaking lazy boy sa bandang gilid, tuwang tuwa sa mga bulaklak na ibubusabos niya mamaya.
Agad naman na lumapit sa akin si Mama, medyo naiiyak-iyak pa at kakapunas lang ng mga luha niya.
" Ang ganda-ganda mo, anak. Sana nandito ang Papa mo para makita niya kung gaano ka kaganda ngayon. Hindi ko akalain na ikakasal ka na ngayon. Parang kailan lang..."
" oh Mommy, wag masyadong umiyak, remember, ang make up! Hahahaha!", biro naman ng make-up artist. Napangiti naman si Mama habang kinokolekta ang mga emosyon niya.
Buti pa sila, masaya.
I never imagined myself like this. All dolled up and girly. Nakaputing laced long-sleeved wedding gown at naka-belo. Naka-tiara pa! Pak ganern! Irampa ang OOTD!!
Buti pa sila excited. Habang ako nakatingin lang sa repleksyon ko at unti-unting nagpaflashback sa isip ko ang araw na una ko siyang nakilala.
Sa Boracay. Sa Zipline. Halos mamutla siya sa kaba at panay ang pagtatanong niya sa mga instructors doon kung safe ba ang zipline. I was assuring him that everything would be alright pero ayaw niya maniwala. Hanggang sa tanggalin ang mga locks sa amin at agad kaming dinala ng zipline sa kabilang dulo ng bundok. Hanggang sa napasigaw kami at ginusto pa naming umulit muli.
Nagflashback sa akin ang matatamis niyang halik. Yung mga yakap nya sa tuwing nalelate siya sa date dahil sa mga emergency meetings. Yung ngiti niya at corny jokes niya everytime na hindi ako naniniwala sa sarili kong kakayanan.
Nagflashback lahat. Lahat ng matatamis na alaala na kailanman ay hindi ko kakalimutan. Walang makakapantay kay Troy. Never even in my second life.
" Miss Roxi, are you okay?" Tinapik ako ng bading sa likod ko. I spaced pit.
" Sorry. I just can't believe na ikakasal na ako ngayon eh."
" Nako ganyan talaga kapag ikakasal na! Normal lang yan, Miss Roxi. Basta po kalma lang po kayo. Relaaaax", he gave me an assuring smile and looked at our reflection for the last time. " Wag po kayong mag-alala, after one hour ikakasal na po kayo." I smiled at him and made sure na may kalungkutan sa aking mga mata.
After one long hour, they pulled me slowly out of the car. I felt like my world was instantly going down right in front of me. Ganito ba talaga kapag ikakasal? Naiiisip mo ang past life mo bilang dalaga at ang mga naging karelasyon mo in the past wishing sila na lang papakasalan mo kaysa yung taong pakakasalan mo ngayon na hindi mo naman gaanong kakilala at hindi mahal?
They guided me to the tall church doors. Two women on my back arranged my veil and then went in front of me," Miss Roxi, ready na po ba kayo? This is your wedding so smile lang po and enjoy!"
I nodded and looked straight in the doors.
Yeah right.
My not so dream wedding.
BINABASA MO ANG
The Manila Charmers : TROY
Ficción GeneralGood looks,charming personality and money..... A LOT OF MONEY. This is why these five lucky gentlemen are among the so-called elite group THE MANILA CHARMERS. But behind the flashes of cameras and magazine interviews, are they still portraying the '...