7

7.2K 143 0
                                    

" Mas gwapo ka pala kapag masaya ka."

It's been 10 minutes pero yun pa rin ang tumatakbo sa isip ko. Yun lang ang laman. Pinisil na nga ni Charmaine ang braso ko peto para akong statwa na nakatayo sa may Zorb area at nakatingin lang kay Roxanne.

" Sir..."

Her line was so simple but it struck me like a lightning. Her words were unexpected and unstoppable.

" Sir Troy..."

Grabe. I have never encountered like her before.

" Sir Troy, matutunaw na po si Roxanne niyan. Babalik na po tayo ng Hotel muna para magpahinga."

" Huh? Bakit?"

" Kanina pa po kayo nagrereklamo na napakainit dito di ba? Uwi muna po tayo sa hotel tapos magpahinga na po kayo, ipapaserve ko na lang po ang...wait Sir!"

Hindi ko na muna pinatapos sa pagsasalita si Charmaine nang makita kong kumakaway si Roxanne sa akin habang nakangiti. Aalis na ba siya? Bakit naman ang bilis?!

" Oh bakit?", sabi niya habang magkatapat kami." wag mong sabihin magrerequest ka pa kay Kuya Gary ng Zorb at Zipline ha! Nako nadala na ako Sir.."

" Just call me Troy. "

Ngumiti ito habang nakikipagkamay sa akin. Inilapit niya ang kamay nya sa ilong nya at sininghot ito." Hmmmm.. Bango! Tunog pa lang ng pangalan mo pangmayaman na eh. Tapos ang kamay mo hindi nagpapawis, napakabango pa!"

" Aalis ka na ba?", walang anu-ano kong tanong sa kanya. Siya'y tumango at may binigay sa akin na calling card.

" Mamimiss mo ako ano? Oh ayan calling card ko in case gusto mo ng may makakasama sa mga activities. Mag-isa lang naman ako na pumunta dito, might as well mag-enjoy kasama ka... Kung gusto mo lang naman. Sige, may gagawin pa ako eh! Salamat Troy!", hindi ko na siya napigilan dahil dali-dali siyang umalis sa harapan ko.

I looked at her calling card( Wow! Uso pa pala calling card?! Hahaha!) ...

Roxanne Salvador
Artist/Photographer/Traveller
09274075622

Kaya naman pala walang kaarte-arte at laging on the go tong babaeng ito. Artist na nga,traveller pa. Tapos photographer pa.

Hindi kaya sya napapagod?

" Seryoso ba siya dito?", pinakita ko kay Charmaine ang binigay sa akin na calling card ni Roxanne. " Don't tell me she has three or two jobs?"

Natawa na lang ang guide ko at nilabas ang pink wallet sa body bag niya. Pinakita nya yung calling card na bigay daw sa kanya ni Roxanne. Iba nga lang ang design kaysa nung binigay sa akin.

" Mukha lang po talagang hindi seryoso si Rox pero dalawa po ang trabaho niya. Photographer sa umaga. Artist sa gabi. Madami pa nga po yang raket bukod doon. Minsan nagbebenta po yan ng cupcakes sa cakeshop ng mommy niya. Akala ko staff lang sya yun pala siya na ang anak ng may-ari. Magugulat ka na lang po eh." , sabi pa niya.

Very impressive. Kakaiba talaga ang Roxanne na ito. Nahahandle niya ang two jobs niya tapos rumaraket pa siya? Whoa.

" Saan siya graduate?", bigla kong naitanong.

" Nako.. Wag niyo pong pagsasabi na sinabi ko po ito sa inyo ha?", I nodded and put my ear closer to her mouth.

" UP Diliman po. Kabatch niyo po siya."

What? Eh mukha siyang 15 lang ha! Ang liit liit kasi niya tapos chubby pa ng kaunti. Kasing age ko na pala yun? Hahahaha!

Natawa ako bigla dahilan para magtaka si Charmaine." Are you f*cking serious? 25 din yon?"

"24 pa lang po,Sir. Next next week pa po ang birthday niya. Sa 20 pa po."

Tumawa ulit ako. " I can't believe it. She is too small to be a 25 year old lady! Hahaha!"

" Grabe ka naman, Sir!!" Hinampas ako ng pabiro ni Charmaine sa braso at mukhang nakalimutan niyang boss niya ako ,kaya tumingin ako sa kanya. Natauhan siya at nag-peace sign na lang sa akin sabay 'sorry'.

------------

Habang nakahiga ako sa kama sa hotel, pinagmasdan ko ulit ang calling card ni Roxanne.

Tatawagan ko ba o hindi?

Itetext ko ba o hihintayin ko pagtext niya? Geeez wala pala niya akong number! hah!

Tumingin ako sa cellphone ko,30 minutes na pero walang text nya. Hindi na ako mapakali at agad ko na siyang miniscall at tinext ng :

To: Roxanne Salvador
This is Troy.

Wala pang isang minuto nagreply kaagad siya

From: Roxanne Salvador
Hi Troy! Ü Oh napatext ka! Kamusta? Ü

Parang teenager magtext.

Iniba ko ang name niya para mas masanay akong tawagin siya sa nickname niya.

To: Rox
i'm alright. Yourself?

Okay naman ako! Ü Nakakapagod ang zorb at zipline ano? Hehe

Yeah.

But it was fun,wasn't it? Yay! Ü

Yep.

Tipid mo naman magtext!! Busy ka ano?;^

Not really.

Ako rin. Nakakabored pa magdrawing. Nakakapagod kasi eh! :(((

Ok.

Grabe! Ok lang? Hahaha! Teka ano ang next activity mo dito at sino mga kasama mo? Ü

Banana Boat. Just me. Charmaine will be on the other boat.

Girlfriend mo si Charm?!!? Ö oh my Patolaaa!!!

Nope. Personal assistant and guide dito sa Bora.

Oh I seeeee~~~^^. Akala ko may BF na ang bruha! Ü peace!

Wala na akong maisagot kaya hindi na rin ako nagreply. Understood na siguro yun.

Isang oras ang lumipas at biglang nagring ang cellphone ko.

Rox calling.....

" Hey?"

" Hoy sleepyhead natutulog ka pa rin ba? Hehe" , siya na sa kabilang linya!

" No. I'm just reviewing some of my staff's reports."

" May trabaho ka pa rin? Troy, ang Boracay ginawa para magrelax ang mga tao na napupunta dito, hindi para mastress! Hahaha!"

" I'm not stressed at all. Nirereview ko lang naman kasi.."

" Kalimutan mo na nga muna ang lahat ng trabaho mo. Mag-enjoy ka nga! Hahaha! Anyways, are you busy later?"

" Not really. Why?", sabi ko habang nakatingin sa itinerary na binigay sakin ng hotel. Bukas pa naman ang banana boat activity namin.

" Punta ka sa Station 2. Epic Club! Mga 11:00 pm pwede na yun. Party party na tayo!"

" But..."

" Oh wag kang tatanggi! Minsan ka lang makapunta ng Bora, lubusin mo na! Don't worry kasama mo ako, may kakilala ka! Oo na ha? Oo yan! "

" I'll see."


" Say yes, please?"


" Uh..."


" Please? Pogi please?"

I smiled.

" Yes."

The Manila Charmers : TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon