Roxanne's
Oh damn it.
" Wow. Yummy"
These words went straight out of my mouth when I saw him with his jeans only.
OO MGA BEH! NAKA-TOPLESS SI CRUSH! Halos mapatawag po ako ng mga santo nang makita ko ang nabubuong six packs ng lolo nyo. Ang yummy naman talaga kasi! Kulang na lang kanin para pangdinner na!
Sa sobrang pagkagulat ko sa nakita kong abs, nahulog ko yung sabon na ipanggagamit sa kanya. Akala kasi ni Mama tumatae si Troy kasi naman halos 30minutes na syang nasa loob ng CR.
Agad kong kinuha ang soap box at tumingin sa kanya," Ano bang nangyari sayo? Halos 30 minutes ka na dyan."
" Ano kasi.." Bigla syang namula at umusad ng kaunti at saka tumingin sa bowl. " Yung t-shirt ko kasi.."
Lumapit kaagad ako sa toilet bowl only to find out na nalublob ang shirt nya sa loob! Take note: may ihi nya yun! Imposible namang ihi ko kasi kararating lang namin sa bahay. Siya pa lang nakakagamit ng toilet!
" Kunin mo na!", sabi ko habang nakatingin sa shirt nya." Ihi mo naman yan eh!"
" No way. Ewww" , sabi nya habang umiiling pa!
" Kasalanan mo yan! Ikaw nakahulog kaya ikaw ang kukuha!"
" No way. Ihi pa rin yan", sabi nya. " Flush it."
" Flush it? Gusto mo bang magbara ang kubeta namin?!", sabi ko habang natatawa na.
Out of nowhere, nasa likod na namin si Mama, may dalang mahabang stick at ready nang sungkitin ang shirt ni Troy. " Kayo talagang mga bata kayo oh. Ihi lang. Ako na"
" Ako na po, Tita." Nagmamadaling nilabas ni Troy mula sa bowl ang tshirt nya. Kawawang nilalang.
"Akin na, lalabhan ko.", sabi ko at agad na kinuha sa kanya ang shirt. " Bukas ibabalik sayo. For the mean time, kukuhanan kita ng t-shirt ni Daddy."
Pinakain muna sya ng dinner ni Mama bago siya umalis. Nang makaalis naman si crush, agad kong binisita ang nakababad nyang tshirt sa may laundry sink.
" Gwapo talaga ni Troy.", sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa shirt niya. " Grabe, kung naaalala mo lang ako.."
"...Kung naaalala ka pa niya, edi sana may apo na ako sa inyo." , singit naman ni Mama na parang kabute. Napailing na lang kami at natawa.
----------------------------------------
Troy's
Back to reality. I didn't give a chance for myself to say something to Roxanne this past few months. Napakabusy sa Battens. Meetings dito, meetings doon. I know that she have her own life din naman, ayaw ko muna isiksik ang personal life ko sa kanya.
While looking at the intercom, deciding whether to talk to Marites about my meetings or talk to Beth for Dad's time, biglang nag-ring ang phone ko.
* Dad calling *
" Hello Dad?"
" Son, I need you to go here in Manila Pen, 7pm sharp."
" May meeting ako with Hyundai that time.", sabi ko habang nakatingin sa schedule na binigay sakin ni Marites kaninang umaga.
" I already called Tes to cancel it. Be here 7pm sharp."
" Anong meron?"
" Can you stop asking too many questions? Basta pumunta ka dito. You need to know something."
" Alright. Chill!"
6:50pm ako dumating. Dad was already looking at me when I saw our table. He looked a bit... Excited.
Anong meron? Bakit parang nanalo yata sa lotto si Dad? Tumataya pala siya? Hahahaha!
" So what's with this ASAP meet-up?", sabi ko habang naka-abang ang waiter sa gilid ko.
" You need to know something really important."
" What?"
Nilabas ni Beth mula sa paper bag ang 10 folders. " Here, Sir."
" Bakit naman ganito karami? What's with these folders?"
" You are getting married.", Dad said with a serious tone. Alam kong balang araw gagawin nila sa akin ito. Ipapakasal nila ako bago ako mag- thirty. Dahil ayaw ko namang mawala sa akin ang Battens, ang tanging bagay na pinaghirapan ko all these years, pumayag ako when I was in my 20s.
Pero this early? I'm only in my 25th year, for Pete's sake! Hindi ko pa masyadong naeenjoy ang buhay ko. I haven't toured the whole world yet tapos magpapakasal agad ako?
" Seriously? This early?"
" Yes.Take your pick."
BINABASA MO ANG
The Manila Charmers : TROY
Художественная прозаGood looks,charming personality and money..... A LOT OF MONEY. This is why these five lucky gentlemen are among the so-called elite group THE MANILA CHARMERS. But behind the flashes of cameras and magazine interviews, are they still portraying the '...