After 2 hours of pain and agony, natapos din e mga tattoo namin.
Nakayuko lang ako habang nakatalikod sa artist. Si Rox naman halos makatulog na kakahintay matapos ang natitirang dahon na tinta-tattoo pa sa braso nya. I heard a yawn from her bago siya magising nang tuluyan nang sabihin sa kanya na ok na daw ang tattoo niya.
She looked at her tattoo and mine. " Wow. Bagay sayo, Troy. I didn't know na mahilig ka pala sa angels.."
" Huh? Paano mo nasabi?"
" Kasi pag nagpapatattoo ang tao either trip lang o talagang malalim ang dahilan kung bakit mo itinatak ito panghabambuhay. So, do you have any deep reason kung bakit angel's wings pinatattoo mo?"
" Wala. Trip lang. Cool ng design eh." sa totoo lang, hindi ko alam isasagot ko.
" Pinagawa ko ito kasi siguro I see life as a beautiful one,parang roses. Kailangan inaalagaan, kailangan minamahal at binibigyan ng oras. Tapos lalaki ito ng mayabong. Kahit mamatay man ito, maganda pa rin siya. May mga thorns kasi yan yung nagrerepresent ng mga problema ko. "
Tiningnan ko ang braso niya. It was beautifully created on every side! Ang ganda ganda lalo na yung mga roses.bagay na bagay sa kanya. I looked at her and I didn't notice na kanina pa pala siya nakatitig sa akn at nakangiti. " You like it,huh? Ang galing ni Kuya Boni ano?" I nodded. I looked at the life sized mirror and saw my wings tattto na abot hanggang likod ng arm ko.
It was perfect.
" Oh my... Kuya Boni! Kuya! Ang galing galing niyo po talaga! Mukhang anghel na binaba ni Lord si Troy oh! Look!", sabi niya habang hinahatak ang braso ng lalaking nagtattoo sa akin. Tumabi silang dalawa sa akin habang nakatingin din sa mirror.
" Ang ganda!", sabi ni Rox.
Napakamot ng batok si kuya Boni at napangiti." Salamat po,Ma'am Roxanne."
" Thank you very much, Boni. This is so beautiful. Ang cool. Thank you." I shook his hand and handed out my 7 thousand bills. Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki sa natanggap niya.
" Sir, teka po. Five thousand lang po ang..."
" Keep the change. You've done well. Napuyat ka pa sa amin dahil sa pangungulit ng isa dito.", sabi ko habang nakatingin kay Rox. She gave me a pout and laughed.
Agad naman akong niyakap ng lalaki habang naluluha pa. " Nako! Salamat po talaga Sir! Malaki po maitutulong nito sa pag-aaral ng mga kapatid ko! Thank you very much po!"
Nagpaalam na kami kay Boni at naglakad-lakad ulit pabalik ng Epic Club.
" Babalik ba ulit tayo?", tanong niya
" Yeah. Why?"
" Wag na! Kain na lang tayo ng gelato malapit sa beach!"
" But it's already cold!"
" So? Tara na! Masarap yun!", hinatak niya ako habang naglalakad papunta sa gelato store.
For the first time in my life, while I was looking at our tattoos, I felt very relaxed.
When our orders arrived, agad namang kinain ni Roxanne ang cherry sa gelato niya. " hmmmmmm!" Biglang dumikit ang kakaunting ice cream nito sa kaliwang gilid ng labi niya.
I felt very hot.
Biglang uminit o talagang mainit?
She looked at me and smiled," Oh bakit namumula ka?"
Kumuha ako ng tissue at inabot sa kanya," Ahhh.. Ehhh..."
" Ha?"
" Clumsy girl.", pinunasan ko ang icecream na nanuyo sa gilid ng labi niya at ngumiti. Agad naman siyang namula at nag-sorry.
" Ay grabe! Hindi ko talaga naramdaman! Sorry ha! Nakakahiya tuloy."
" No, it's alright. I was..."
*click!*
Napatingin kami sa babaeng nasa kanang bahagi ng store. May hawak itong DSLR at ngumiti sa amin,
" Ang cute niyo kasi eh. Parang kami ng boyfriend ko noon."
I froze in horror.
Si Xyra. Ex ko.
BINABASA MO ANG
The Manila Charmers : TROY
Fiksi UmumGood looks,charming personality and money..... A LOT OF MONEY. This is why these five lucky gentlemen are among the so-called elite group THE MANILA CHARMERS. But behind the flashes of cameras and magazine interviews, are they still portraying the '...