Irene Saavedra/Sharon Contreras POV.
Matapos kong mag-ayos at magpalit ng damit, doon pa lang ako lumabas ng cubicle para maghugas ng kamay. Hassle sa posisyon ko ang ganito dahil hindi kaya ganun kadaling ikabit sa mukha ang mga prosthetics. Nakakairita pa, kaya hihingi ako sa kanila ng bago 'yung kahit mabasa hindi agad matatanggal, waterproof kumbaga. Tiyaka 'yung madikit na solution lang ang pwedeng makaalis, ayokong papalit palit.
Hindi ko naman kasi inaasahang ito agad ang bubungad sa'kin. Buti na lang at unti lang ang prosthetics na kailangan kong ilagay sa mukha dahil kung buo, paniguradong sakit 'yun sa ulo.
"Mala-teleserye ang buhay niya sa eskwelahang ito," umiiling kong bulong habang naghuhugas ng kamay.
Nang matapos ako sa paghuhugas, inayos ko pa ang suot ko saka dumiretso sa basurahan para itapon ang damit kong malagkit. Wala akong balak itago ang mga gamit kong sinisira ng iba. I would rather throw them away than keep them. After all, all of this is useless.
BZZZT... BZZZT...
Sunshine Calling...
Tinignan ko lang ang number ni Sunshine na nasa screen ng telepono ko. Paniguradong umabot na sa kanila ang ginawa ko kanina at panigurado ring bente quatro oras akong binabantayan ng mga ito. Siguro para makita nila kung may gagawin akong labag sa kontrata.Pero katulad ng damit na tinapon ko sa basurahan, hindi ako mahilig sumunod sa mga nakalagay sa papel na 'yon. May sarili akong batas at 'yun ang susundin ko.
"Magsawa kayo." Pinatay ko ang telepono saka nilagay sa loob ng bulsa ng aking palda.
Nakakatamad mag-aral pero heto ako't nasa eskwelahan na pinakaayaw ko. Ipasok niyo na ako sa lahat ng eskwelahan, huwag lang dito. Huwag lang sa eskwelahang ito na halos sumira ng aking buong buhay.
Napabuntong hininga na lang ako sa isiping 'yon bago tinungo ang daan papunta sa silid ng babaeng ito. Katulad kanina, may mga papansing mata ang nakatitig sa'kin. Iniiwasan pa ako ng mga ito na para ba akong nakakadiring bacteria para layuan nila.
Common. Unti na lang makukumbinsi na ako nito na malateleserye ang kanyang buhay.
Pero sa kabilang banda... mas ayos na rin ang ganito para naman walang umaaligid sa buhay ko. Malayo ang loob ko sa mga tao, introvert ako kumbaga. Mabilis akong maalibadbaran sa mga taong kumakausap sa'kin na dinaig pang close kami sa isa't isa.
Hindi sa ayaw ko sa kanila, sadyang hindi ako ganun kadaldal para kausapin ang mga taong papasok sa buhay ko. Nakakapagod at ubos ng energy ang patuloy na pagdada.
"Sharon!" sigaw ng kung sino.
Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ang pangalan ng babaeng ito. Automatic na napalingon ako sa lalaking patakbo palapit sa aking direksyon. May dala siyang isang libro at nakangiting nakatingin. Magulo ang buhok nito ngunit bumabagay naman sa kanya. Bagay niyang maging rockstar.
"Pinapatawag ka sa dean's office."
Ewan ko kung anong meron para ngumiti siya sa'kin ng ganito. Dalawa lang ang choice d'yan, either baliw siya o sadyang pinanganak na siyang ganyan. Simula ng iluwal siya ng magulang niya, nakangiti na siya.
"Bakit?" nakahalukipkip kong tanong. Pasimple kong tinignan ang suot niyang i.d para tingnan ang kanyang pangalan.
Langston Deverra. New kid.
"Ayok--" huminto ako sa pananalita nang maalalang nagpapanggap lang pala ako. Inalis ko ang bag na aking suot saka inabot sa lalaking nawala kaunti ang ngiti. "Kilala mo ako diba? Pakilagay na lang 'yan sa upuan ko."
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Mystery / ThrillerSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...