Author's POV.
Nagulat ang mga tao sa mansyon ng Saavedra sa putok ng baril na sumalubong sa kanila. Umalingawngaw ang ilan sa mga ito na nagpagising sa mga taong tulog. Maski ang magulang ni Irene ay nagising dahil dito.
Pagkababa ng magulang ni Irene sa mahaba at malaking hagdan, doon pa lang bumukas ang mga nakapatay na ilaw. Nang sila'y lumingon sa sala, nakita nila si Irene na nakaupo sa mahabang sofa habang walang emosyong nakatitig sa mga ito.
"Nagising ko ba kayo?" malamig niyang tanong bago ilapag sa center table ang baril na ginamit niya upang paputukan ang mga gamit sa loob.
Kalat ang mga parte ng mga ito, pati na rin ang ilang mamahaling painting na binili ng pamilya sa Europe at iba't ibang parte ng mundo. Lahat nang ito ay sinira ni Irene dahil sa galit at inis na nararamdaman niya ngayon. Ngunit kahit ganun, kaya niya pa ring ikubli ang mga ito sa malamig niyang tingin.
"Hindi niyo man lang ba ako iwe-welcome?" muling tanong ng dalaga na hindi man lang nagpabago sa blangkong tingin ng mag-asawa. Bagkus, naglakad sila papasok sa sala at umupo sa kaharap na upuan nito.
"Ihanda ninyo ang kwarto niya," utos ng kanyang ina sa katulong na una niyang nakita.
Aligagang sumunod ito kahit na natakot siya sa pagbabalik ng dalaga sa mansyon. Magmula nang magkamuwang ito, alam ng mga tao sa kanilang bahay kung anong klaseng tao si Irene. Kaya ngayong bumalik na siya, ganun na lamang ang takot at kaba ng ilan sa kanilang nakakakilala rito.
Sumandal si Irene sa kanyang kinauupuan bago ilagay sa ibabaw ng mesa ang dalawa niyang paa. Hindi naalis ang mata niya sa mag-asawa na parang sinusuri niya ang dalawa.
"What brings you here?" tanong ng ama nito.
"Why didn't you tell me about that? At talagang hinayaan niyo lang akong parang tanga na walang kaalam alam. Pathetic parents," agarang sagot ng dalaga na napatawa saglit bago ibaba ang paa sa mesa. Kinuha niya ang medium size na vase sa gilid bago tumayo. Tinapat niya sa center table ang vase saka walang imik na hinulog ito.
Naging sanhi ng kanyang ginawa ang pagkabasag ng mesa at vase. Agad na nagkalat ang mga basag na parte nito na pati paa niya'y nadaplisan ng basag na parte ng mga ito.
"See that? That's what you did to me." Yumuko si Irene at kumuha ng isang basag na salamin. "Why did you hide the truth? Bakit ginawa niyo akong ibang tao?"
"Because that's who you are," sagot ng kanyang ama. "That's your true colors behind that cold gaze that you have," pagtutuloy niya na hindi nagbago ang blangkong tingin na binibigay sa anak.
Humigpit ang hawak ng dalaga sa basag na salamin. Agad siyang nasugatan kaya agad ding dumausdos ang dugo na pumatak sa sahig. Mahapdi man, parang hindi 'yun naging sagabal kay Irene upang mas higpitan niya ang hawak sa basag na parte. Pumasok na ang ilang maliit bubog sa kamay niya ngunit mukhang wala siyang balak na bitawan ang kanyang hawak.
Mapait siyang tumawa at umiling. "Fuck that hidden character," mahinang sabi ni Irene bago itapon sa harap nila ang basag na parte na kanyang hawak. Naglakad ito sa mga basag na salamin na parang hindi nasugatan ang ilang parte ng kanyang paa. Paglapit niya sa upuang pinag-uupuan ng mag-asawa, pinunas niya sa damit ng kanyang ama ang dugo nito.
Walang naging imik ang kanyang ama na pinapanood ang anak sa ginagawa nito.
"Hahanapin ko si Sharon. This time... I'll kill her and make sure na hindi na siya mabubuhay. That loser," natatawang sabi ni Irene bago umalis sa sala.
Tumayo ang ina ni Irene pagkaalis niya. "Callum trigger her memories to comeback," panimula niyang sabi na tinapakan ang ilang bubog. "Maling desisyon ang ginawa niya."
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Misterio / SuspensoSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...