18

76 2 0
                                    

Pagbukas ng elevator, si Callum ang naunang lumabas. Luminga pa siya sa paligid bago ako hilain papunta sa unit ko. Hawak kamay kaming dalawa na hindi ko ikinatutuwa.

Nandito kasi kami ngayon para kumuha ng ilan kong gamit. Alam naman niyang mayaman ako kaya hahayaan ko siyang pumasok sa loob. Ginamit ko ang key card ko sa pagbukas ng unit kung saan ako ang nagpaunang pumasok sa loob. Paglingon ko sa kanya, tahimik niyang pinagmamasdan ang buong unit kaya bumitaw na ako sa pagkakahawak niya ng aking kamay.

"Umupo ka muna habang hinahanda ko ang gamit ko." Tinuro ko ang sala na may mahabang sofa.

Hinintay ko pa muna siyang makaupo bago ko tunguhin ang daan papunta sa kwarto. Nang makapasok ako sa loob, sinara ko't ni-lock ang pinto dahil gusto kong magpalit. Inalis ko ang suot kong blazer kung saan tumambad sa akin ang long sleeve polo kong may bahid ng dugo.

Matapos ko kasing bisitahin ang ama ng kasama ko ngayon kanina, doon ko lang napansin na dumudugo ang kamay kong hinawakan niya. Masyado kasi atang mahigpit ang pagkakahawak niya kaya dumugo.
Nilinisan ko siya sa banyo kanina sa school at nilagyan ng panibagong bandage. Kahit mainit, sinuot ko ang blazer para takpan ang sleeves ng uniform ko. Dahil kahit gusto kong magpatayan ang mag-ama, hindi pa ngayon ang oras.

Mabilis lang akong nagbihis bago lumabas dala ang ilang gamit kong nilagay ko sa maleta. Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal na mamamalagi sa bahay niya pero nagdala na lang ako ng maraming damit. Pwede naman akong bumalik dito kapag mangangailangan ako ng ilang gamit.

Nang makita niya ako, maagap siyang tumayo saka lumapit sa akin para kunin ang maleta. "Wala ka na bang naiwan na iba pang kailangan?" pagtatanong niya na nakatingin sa akin.

Matamis akong ngumiti at umiling. "Sasamahan mo naman akong bumalik dito para kumuha ng gamit kung sakaling may naiwan ako diba?"

Sumilay ang ngiti sa labi nito't tinanguan ako. Saglit pa kaming namalagi sa unit bago maisipang umalis na. Kung iisipin, wala pang isang buwan pero ang dami ko ng sugat sa katawan.

Karamihan dito'y ako ang may gawa habang ang isa'y gawa ng taong hindi ko pa rin alam kung sino. Kaya kailangan ko munang pagalingin lahat bago ako magpakita ulit bilang Irene. Mahirap itago ang sugat ko sa pisngi. Siguro kapag gumaling, pupunta ako sa derma para alisin ang magiging peklat ng sugat.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Callum pagpasok namin sa kotse. Siya pa ang nag-ayos ng seatbelt ko na hinayaan ko na lang.

"Kahit ano, ikaw ang bahala."

Tumango siya't nagmaneho na palayo sa building. Ako naman, sumandal sa upuan dahil ramdam ko ang pagod ko ngayon. I'm satisfied on what I did to Callum's father. Satisfied enough dahil alam kong malakas ang pagkakasampal ko ng libro sa kanyang mukha.

Nakikita mo ba ako ngayon Sharon? I don't know what your true attitude is, but I will use my true attitude to see if these people have anything to do with your death. Also, don't worry too much because once I find your killer, I will use the information the librarian gave me to take down the illegal things that are happening inside the school. I don't know how much information you know or what your plan is, but in the end I will use it in a good way. Maghintay ka lang, maghintay ka lang saglit dahil uunti-untiin ko ang plano ko.

Tinignan ko si Callum na nagmamaneho. "I love you," bulong ko na nagpalingon sa kanya sa aking direksyon.

"A-anong sinabi mo?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Natawa naman ako nang mahina. "Magmaneho ka na lang, baka--"

Sabay kaming napatingin sa harap nang malakas na busina ang narinig namin. Naging mabilis ang kilos niyang iliko ang sasakyan sa gilid dahil sa paparating na malaking truck. Muntik pang dumiretso ang sasakyan namin sa malaking poste ngunit dahil magaling siyang magmaneho, naiwasan niya ito sa muling pagliko ng sasakyan sa kanan bago tuluyang huminto.

"Ayos ka lang?!" nag-aalala niyang tanong na tinignan ang kalagayan ko.

Wala naman sa akin ang nangyari dahil sa tuwing makikipaghabulan ako sa mga hinuhuli ko, mas matindi pa ang pagmamaneho na aking ginagawa.

"Ayos lang." Paniniguro ko at inalis ang aking seatbelt. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan saka lumabas. Hindi ko alam kung sumunod siya sa aking paglabas, ngunit natuon ang atensyon ko sa truck na sumalpok sa dalawang sasakyan.

Kung siguro kami ang nasagasaan ng truck, baka yupi na rin ang sasakyan namin katulad ng sasakyang nabangga nito. Nagkumpulan ang mga tao roon upang tingnan ang nangyari. Napupuno ng usok ang daan at halos ang iba'y tinutulungan ang mga taong nakasama sa bungguang naganap. Lalapit sana ako roon nang hawakan ni Callum ang kamay ko.

"Delikado kapag lalapit ka pa. Dito ka lang." Pinisil niya ang kamay ko kaya napabuntong hininga na lamang ako't tahimik na tinignan ang aksidente.

Nang aalisin ko na ang tingin ko roon, nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na tao sa gilid ng malaking puno.

"Ikaw..."

▪▪▪

Pinatay ko ang t.v nang matapos kong panoorin ang balita patungkol sa aksidente kanina. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari, may namatay na dalawa ngunit ang driver ng truck ang nakatamo ng ilang sugat. Hindi ko naman na sana papansinin pero kasi nakita ko ang lalaki kanina, ang lalaking bumaril ng pellet sa braso ko.

Nakatingin siya sa amin ni Callum kanina kaya naisip ko, hindi biglaang aksidente ang kanina. Kami. Kami ang puntirya nun.

Makakuha lang ako ng tiyansa, pupuntahan ko ang driver ng truck. Ang balita kasi, wala namang problema ang truck at hindi rin nakainom ang driver. Kaya kung pagsasamahin, paniguradong sinadya nga.

"Magpahinga ka na," sulpot na sabi ni Callum na kinuha sa'kin ang remote.

Tinignan ko lang siya't hinawakan ito sa kamay. "Tabihan mo ako," kunwaring natatakot kong sabi. "Ayaw kasi maalis sa utak ko ang nangyari kanina."

Umupo siya sa kama't inayos ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa aking mukha. "Gusto ko mang tabihan ka pero lalaki pa rin ako Sharon."

"Ano naman kung lalaki ka? I'm scared Callum." Linapit ko ang sarili ko sa kanya at huminto lang nang ilang distansya ang layo namin sa isa't isa. "I trust you that's why."

Kita ko ang paglunok nito't mariing pagtitig sa aking mata. I've done this so many times, seducing someone. But I think I'll take it far for him. Hinawakan ko ang baba nito saka tinawid ang pagitan naming dalawa. Pinagdikit ko ang labi naming dalawa na naging dahilan upang hindi ito makagalaw agad.

I kissed him passionately but he didn't respond. Masyado ata siyang nagulat kaya naman ako na rin ang tumigil. Makailang beses siyang kumurap. Gamit ng thumb ko pinunasan ko ang labi nito.

"That's my first kiss kaya dapat--" natigil ako sa pagsasalita nang mapahiga ako sa kama. Lumapit kasi siya't nilagay ang magkabilaan niyang kamay sa gilid ko, kaya ganun na lang na napahiga ako sa kama. Tatama sana ang ulo ko sa headboard pero inunahan na niya't sinalo ang aking ulo.

"Binaliw mo ako Sharon," bulong niya.

Mahina akong natawa't ginamit ang daliri ko para ilayo siya kaunti. "Talaga? Sorry then, hindi lang ako naka--" muli na naman niyang pinutol ang sinasabi ko nang patahimikin niya ako gamit ng kanyang bibig.

Hindi ako pumalag at tinugon na lang ang halik na binibigay niya. I hate him that's why I'm doing this. Babaliwin ko siya muna saka ko ipaparamdam sa kanya kung gaano ba kasakit ang naramdaman ko noon.

Slowly Callum. Slowly until you'll feel how to lose someone you really love.

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon