Tinignan ko ang baliw na kaharap ko ngayon. It's been a week magmula nang pagbantaan ko siya't sabihing hihintayin na may sabihin ito sa akin patungkol kay Sharon. Hindi ko alam kung may makukuha ba ako ngayon pero makikita. Lalo na't mukha namang epektibo ang pagbabanta ko sa kanya noong huli kaming nagkita.
"Wala kang sasabihin?" pagpuputol kong tanong sa katahimikang mayroon kami.
Nandito kami ngayon sa likod ng school para walang makakita. Siya mismo ang tumawag sa akin na makipagkita kaya nandito ako ngayon at kaharap siya.
May kinuha siya sa suot niyang blazer saka ito nilahad sa aking harapan. "'Yan ang huli kong nakita na hawak niya bago siya habulin ng mga taong hindi ko kilala," pag-aabot niyang sabi sa isang susi. "Nakuha ko 'yan nang mahulog niya sa pagtakbo niya sa mall noong araw na 'yon."
Kinuha ko ito't pinagmasdan. "Para saan ito? At bakit nasa iyo?"
"Binigay niya sa akin."
Umangat ang aking tingin dahil sa sinabi niya. Lalapitan ko pa lang sana siya para muling magtanong, nang isang putok ng baril ang nagpahinto sa akin sa paglapit sa kanya. Kita ko kung paano ito bumagsak sa lupa kaya maagap ko siyang sinalo. Hinanap pa ng mata ko kung saan ito nanggaling ngunit bumalik din agad ang tingin ko rito.
"Huwag kang pipikit!" gulat kong sigaw habang hawak siya. Binulsa ko muna saglit ang hawak kong susi sa bulsa ng blazer ko saka siya tinignan. Hinawakan ko ang ulo nitong nagdurugo na ngunit inalis niya agad iyon.
"P-papatayin n-nila l-lahat..."
"Kamron!"
Pagpikit niya ng kanyang mata, napapikit ako't binaba muna siya sa lupa. Maagap kong kinuha ang telepono sa bulsa ng aking palda't tumawag ng ambulansiya. Inayos ko pa muna ang suot kong glasses saka patakbong umalis doon para tumawag ng tulong. Nang matapos kong tumawag, patakbo akong naghanap ng taong pwedeng tumulong sa amin. Napamura pa ako sa aking isipan nang wala akong makitang kahit na sino.
Gusto ko sanang tingnan kung sino ang gumawa nun sa kanya ngunit uunahin ko muna ang buhay ng baliw na iyon. Kailangan ko siya kaya kailangan niyang mabuhay.
"T-tulong! M-may nabaril po roon," hingal kong sabi sa isang lalaking propesor na aking nakitang naglalakad.
Kunot noo niya aking tinignan kaya pinakita ko sa kanya ang kamay kong puno ng dugo. Nawala ang pagkakakunot ng noo nito't nagulat.
"Anong nangyari sa kamay mo iha?"
"M-may nabaril po," sagot ko at naglakad pabalik sa likod ng school.
Kahit mukhang nag-aalangan ito, sinundan niya ako papunta sa likod ngunit nagulantang ako nang wala kaming maabutan doon.
"Niloloko mo ba ako, iha?" Tanong ng propesor.
"P-pero..." natigil ako sa pananalita nang maramdaman ko ang lagkit sa aking kamay. Nilapit ko sa aking ilong ang kamay kong may dugo para amuyin. "Tangina..." aking mura nang mapagtantong hindi ito totoong dugo.
Niloko niya ako! Kainis!
"Hindi biro ang sinabi mo iha. Pero kung lolokohin mo lang ako nang ganito mas maiging ipunta kita sa guidan--"
Agad akong humarap sa kanya at yumuko. "Sorry po, ano... nagha-hallucinate po kasi ata ako ulit. Fake blood po pala ito." Paumanhin ko't inangat ang aking ulo. "May sakit po ako sa utak, pasensiya na."
Napangiwi siya sa aking sinabi. Hindi niya alam kung papaniwalaan niya ba ako pero tumango siya bilang sagot.
"Siya, siguraduhin mong may sakit ka nga talaga. Sinasayang mo ang oras ko, mga bata nga naman talaga." Iniwan niya ako roon kaya pinanood ko ang pag-alis nito.
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETED
Tajemnica / ThrillerSa loob ng dalawang taon, hindi nagpakita si Irene sa kanyang pamilya. Isa na sa dahilan nun ay ang nangyari sa kanya sa nakaraan. Ayaw niyang makita ang kanyang pamilya at ayaw niya ring bumalik sa puder nila. Nanirahan siya sa mga taong tumanggap...