12

82 3 0
                                    

Irene/Sharon's POV.

Pagbukas ko ng site, kung ano-anong mga post ang nakalagay at halos walang kwenta ang iba dahil purong paninira lang ang meron. Mangilan ngilan lang ang may kwenta na hinaing ng mga estudyanteng may lakas ng loob para sabihin ang hindi maayos na patakaran ng school sa ibang estudyante.

Hindi ko naman sila masisisi dahil kung hindi ka mayaman o kung nasa ilalim ka ng mga taong mas mayaman sa'yo, asahan mo nang hindi maayos ang pagtrato na gagawin nila.

Tinype ko sa search tab ang pangalan ng babaeng 'to kung saan nagpakita agad ang mga post patungkol sa kanya.

'Sharon the nerd nakitang nakikipaglandian na naman kay Callum.'

'Nakakainis talaga ang Sharon na 'yon! Inaagaw niya lang si Callum!'

'Bakit ba hindi na lang siya mamatay?'

'Ang pangit ng Sharon na 'yon. Pero bakit patay na patay sa kanya si Callum? Is she a witch or what?'

'I despise that Sharon the nerd.'

'Mamatay ka na Sharon!'

'Sa mukha niyang 'yan mas gugustuhin ko pang mamatay na lang. She look so ugly and a bitch!'

'Just kill yourself, you don't deserve Callum at all.'

'Who is she? Ang kapal naman ng mukha niya para lumapit kay Callum.'

'Kabago bago ang lakas ng loob na dumikit kay Callum.'

'You know that new student Sharon? She's not innocent and weak at all look at this video. She's an impostor.'

Pinindot ko ang play button ng sinasabing video kung saan una kong nakita ay ang classroom na walang tao. Hindi nagtagal, nakita kong pumasok si Sharon sa loob na mukhang normal lang naman. Kinuha niya ang kanyang bag at aalis na sana nang may pumasok na isa pang studyante.

"Hoy!" malakas na tawag ng kakapasok na babae kay Sharon bago malakas na sampalin ito.

Mukhang inaasahan na niya ang ginawa ng babae dahil inayos nito ang suot niyang glasses at lalampasan sana ito nang higitin siya pabalik ng babae.

"Huwag mo akong iwan dito dahil hindi pa ako tapos!" Sa boses ng babae, makikita agad na sobra ang inis niya kay Sharon at parang walang pakialam sa kung ano man ang lalabas sa bibig nito.

Pagtaas ng kamay ng babae para sana sampalin ulit si Sharon, inunahan na niya ito. Hindi niya sinampal ang babae kundi hinila nito ang buhok niya palikod na naging dahilan upang muntik itong matumba sa lakas ng pagkakahila niya rito.

"Wala akong ginagawang masama kaya tama na," seryoso niyang sabi bago iwan ang babae sa pagdaan nito sa kabilang pinto.

Hininto ko ang video dahil tanging pagsigaw lang ng babae ang naiwan. Naghanap pa ako ng ibang video pero halos lahat ay deleted na, 'yung pinanood ko lang ang naiwan. Sumandal ako sa upuan at nag-scroll. Pare-parehas lang ang nakikita ko at 'yon ay ang sinasabi nilang mamatay na siya dahil inaagaw niya si Callum. Masyadong obsess ang mga 'to sa lalaking 'yon.

Tinigil ko na ang pagtingin at kinuha na lang ang telepono para tawagan ang mga taong gusto kong tanungin patungkol kay Sharon. Mas mukhang may alam sila sa buhay ng babaeng ito kaysa sa sarili nilang mga buhay.

"Oh, magkita tayo sa address na ite-text ko," sabi ko pagkasagot nito ng tawag. Agad ko ring binaba matapos kong sabihin ang aking kailangan saka tinext ang address.

Kumuha lang ako ng jacket na may hood bago maisipang umalis ng unit na walang suot na prosthetics. Kabagot isuot kaya hayaan na, wala naman sigurong makakakita dahil natatakpan ng hood ng suot kong jacket ang mukha ko.

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon