24

77 2 0
                                    

"C-callum... nasasaktan ako," mahina kong sabi sa patuloy na paghila sa akin ni Callum.

Huminto siya't agad na nagbago ang kanyang ekspresyon sa mukha. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin at tuloy-tuloy na bumitaw. Humawak pa siya sa kanyang bewang saka ako hinarap. "Bakit ba dikit nang dikit ka sa lalaking 'yon?" inis niyang tanong.

"Magka-group kami, Callum. Wala akong magagawa kung ganun ang mangyayari."

Totoo kaming magkagrupo ng manok na 'yun, sadyang hindi lang sa ngayon. Dahil sa nangyari kaya ko siya kinausap at hinila. Binabagabag pa rin ako nang mga pangyayari ngunit agad siyang nawawala sa utak ko dahil kay Callum na bigla na lang sumusulpot. Dinaig niya pa si Flash kung sumulpot ng walang pasabi.

"Then, ililipat kita sa ibang block."

Umiling naman ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Wala ka bang tiwala sa akin Callum? Wala akong interes sa lalaking 'yon kaya 'wag kang mag-alala."

Kainis! Kailangan kong gawin ang mga pa-sweet na ito sa taong gusto kong ibaon sa pinakailalim ng dagat. Masyado siyang nagpapabebe sa akin.

"May tiwala ako sa'yo," sincere niyang sagot at hinawakan din ang kamay ko.

"Alam ko namang wala kang interes sa kanya. Pero siya... meron siyang interes sa'yo Sharon. Gusto ka niya."

Natawa ako sa utak na meron siya. So, sinasabi niya sa akin ngayon na love triangle ang nangyayari sa kanilang tatlo? Nakakasuka ang nangyayari't sinasabi niya.

"At ikaw ang gusto ko," nakangiti kong sagot na ikinangiti niya ng pilit. Kita ko pa rin ang galit at inis sa mata niya pero wala akong pakialam. Mainis lang siya kung gusto niya, bahala siya d'yan.

Hindi siya nagsalita kaya mabilis ko siyang hinalikan sa kanyang labi. Bumalot ang gulat sa mata niya kaya inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya't nilipat ito sa kanyang pisngi.

"Come on... bati na tayo. Just trust me, walang mangyayari sa pagitan naming dalawa," paniniguro kong sabi para alisin ang inis na nakikita ko.

Mahaba siyang napabuntong hininga. "Fine, just... just don't go near him lalo na kapag walang rason para lapitan mo pa siya." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi. "Nagseselos ako."

"Oo na, promise."

▪▪▪

Pabagsak kong hiniga ang aking sarili pagpasok ko sa kwarto. Umalis si Callum kung hinahanap niyo siya at kung saan ang punta ng lalaking 'yon? 'Yun ang hindi ko alam. Pero bago siya umalis, may mga tauhan siyang nakapalibot sa buong bahay. Pinaalalahanan niya rin ako na huwag lumabas dahil baka may tumambang sa akin sa labas.

Syempre sino ba naman ang tatambang sa akin sa labas kundi ang tatay ng lalaking ito. Hindi ko alam kung hinahanap ako ng wala kong kwentang magulang pero nakakapagtaka kaunti na wala pa silang ginagawa. Kahit kasi naka-disguise ako, alam kong makikilala at makikilala nila ako.

Napabangon ako dahil sa aking naisip. "Ibig sabihin... may dahilan sila kung bakit hindi nila ako hinanap sa nakalipas na ilang taon," bulong ko at agad na dumiretso sa maletang aking dala.

Binuksan ko ang zipper nito't kinuha ang maliit kong laptop sa loob. Pagkatapos, bumalik ako sa kama upang ito'y buksan. Hindi lang basta-basta laptop ang dala ko dahil lahat ng features nito'y upgraded. Bawat apat na buwan kasi may nag-iikot na kasamahan namin sa iba't ibang panig ng mundo para maghanap ng makabagong teknolohiya. Kung tutuusin lahat nang nakukuha namin ay pwedeng malaman ng mga tao. Sadyang hindi ito pinapaalam sa publiko para sa sarili nilang mga interes.

Katulad ng organisasyon na pinagtatrabahuan ko, patago itong gumagalaw at lahat ay may matinding koneksyon sa mga matataas na tao pati gobyerno.

Pera. 'Yan ang pinag-iikutan ng mundo ngayon. Kung marami kang pera at koneksyon, hindi ka magiging kriminal. Pero kapag mahirap ka at ni piso'y wala ka, kriminal ka agad kahit na wala pang matibay na ebidensiyang pinapakita. Kung meron man, mababaliktad lalo na't lahat ng mga propesiyonal ngayon ay pera ang habol sa mga kliyente nila. Hindi sa nilalahat ko pero halos lahat ng mga nakikilala ko'y ganun. Kaya rin wala akong pakialam sa iba dahil sa magulang kong binibigay lahat sa akin mula pa noon.

Tinype ko ang password ko para sa access sa laptop kasunod ng finger print ko sa ilalim nito. Hindi sapat ang passcode para mabuksan ito kaya kahit na sino'y hindi ito agad mabubuksan. Kakailanganin talaga ng finger print ko para tuluyan itong mabuksan.

Dumiretso ako sa private site ng organisasyon para mag-hack dahil doon lang ako marunong mag-hack ng mga site or information na kailangan ko. Kung tutuusin, wala akong alam sa computers pero dahil sa pagpasok ko kayla Sunshine, natuto ako't feeling expert.

Tumigil ako sa pagta-type ng codes sa pag-ilaw ng aking phone. Sinilip ko lang ito saglit saka nilagay ang huling code. Aabutin kasi ng two minutes ang pag-load para tuluyan akong makapasok sa site kaya tinapos ko muna.

Callum

Baka gabihin ako ng uwi, matulog ka na. May nagbabantay sa'yo d'yan kaya wala kang dapat alalahanin.

Napa-tsk ako sa text niya't humarap sa laptop. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago bumungad sa akin ang mismong site ng kumpanya namin. Meron kasi ritong tagong section kung saan didirekta sa computer screen ng bawat computer sa company. Pano ko nalaman? Kay Isaias na hindi ko na ka-close ngayon.

Pinapanood ko kasi siya noon na magkalikot ng kung ano-ano sa computer. Tapos tinuro niya sa akin ang secret section na ito na tanging kaming pamilya lang ang may alam. May ibang nakakaalam pero mga tiwalang tao lang ang nakakaalam at mga nag-oobserba sa bawat kilos ng mga empleyado. Kaya kung may nakita silang hindi ginagawa ng isang emplayado gamit ng computer ng kumpanya, matik na tanggal na ito sa trabaho. Kung tama ang pagkakaalala ko, may mga nakulong pa dahil sa pagli-leak ng mga importanteng impormasyon.

"Anong..." gulat kong bulong nang bumungad sa akin ang screen ng computer ni Isaias. Kumunot pa ang noo ko ng puro pictures ni Darwin ang aking nakikita.

Ang pinagtataka ko lang, iba ang itsura niya rito. Ganun pa rin pero mas nag-mature siya dahil sa iba niyang facial features. Sa nakikita ko, lahat ay kuha patago.

Ganun na lang ang pagkabog ng aking dibdib namg makita ang kalendaryong nasa likuran nito sa isa niyang litrato.

"May 26, 2022..." mahina kong basa sa automatic na kalendaryo. Agad ko itong ini-screen shot saka tinignan pa ang ibang lumilipat.

Huminto lang ang paglipat nang mahinto ito sa litrato kong kanina lang na kausap si manok sa hallway. Mula sa pagkuha ng litrato, nakita ko sa kabilang building si Darwin na nakatayo't nakatitig sa direksyon namin.

"Totoo ba ito?" kabado kong tanong sa aking sarili. Tinignan ko ang buong litrato para tingnan kung edited ba ito pero hindi, kaya mas lalo lang akong kinabahan sa aking nakikita. Sa isang iglap, tuloy-tuloy na luha ang bumuhos palabas sa aking mata.

"B-buhay ka..."

Isaias POV.

"Nakita na niya," sabi ng kausap ko sa kabilang linya.

Hindi ako sumagot at inalis ang suot kong earpiece. Sumandal din ako sa upuan habang nakatingin sa computer ko rito sa opisina.

Alam ko, alam naming pinasok ni Irene ang site ng kumpanya. Mabuti nga at ngayon niya pinasok dahil ngayon lang dumating ang mga litratong ise-send ko sana sa kanya. Pero dahil mas una siyang gumalaw, hindi ko na kailangang magpadala ng tao para lang ibigay ito.

"Anong balak niyo?" tanong ko kayla Mom na nandito sa opisina kasama ko.

Kanina pa sila nandito, sadyang sinabi ko sa kanila ang tungkol kay Irene. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya't pinasok niya ang site pero mas maigi na ang ganito.

"Madaliin natin ang pag-alala niya. Sinabihan ko na ang tatay ni Callum. Kaya siya na ang bahala sa pagti-trigger kay Irene lalo na't alam na niya."

"How about Callum?" muli kong tanong. "Alam mo na ba na pinaglalaruan niya si Irene? Paano kung saktan niya siya?"

"Aabot sila sa puntong 'yan. Pero hindi ako papayag na saktan ang nag-iisa kong anak na babae ng kung sino-sino lang," seryoso niyang sagot.

Kahit na parang wala siyang pakialam kay Irene, hindi siya papayag na masaktan ito kaya ginawa niya ang lahat para walang mangyari sa kanya. Sadyang si Irene lang ang nag-isip na mali ang ginagawa niya rito. Kung tutuusin ginagamit lang namin ang pamilya ni Callum. Alam niya 'yon pero hindi siya nagsasabi sa tatay niyang ginagamit din kami. Show off lang ang engagement nilang dalawa't hindi seryoso. Hindi lang namin masabi kay Irene dahil gusto naming siya ang makaalala ng mga nangyari sa nakaraan.

"Paano sila? Anong balak niyo?"

Binaba niya ang tasang hawak niya't sumandal sa upuang kanyang pinaguupuan. "Hahayaan ko sila... sa ngayon."

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd (PTBSTN) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon